Ang pagiging ina ay walang hanngang responsibiliad habang sila ay nabubuhay. Bukod tangi ang kanilang aruga at sakripisyo para sa kanilang mga pamilya.
Nagsisimula ang kalinga at pagmamahal sa atin ng ating mga ina habang tayo ay bitbit nila sa kanilang mga sinapupunan ng siyam na buwan. Sa araw ng ating kapanganakan ay buwis buhay na nakikipagsapalaran ang mga ina, masilayan lamang natin ang kagandahan ng daigdig. Madami mga kaakibat na bagay andiyan na nga ang tama pag aalaga at maayos na pagpapalaki sa mga bata.Walang oras na hindi mulat ang mga mata ng isang ina masigurado lamang na walang kahit isang lamok o langaw na dadapo sa kanyang sanggol habang ito ay himbing sa kaniyang pagtulog.
Mula sa ating mga kamusmusan si nanay ang unang nagturo lahat ng kabutihang asal, maging ng simpleng abakada at pagsulat. Siya ang ating unang guro Kasabay na din dyan ang pagiging wais at madiskarte ina. Isa sa factors na talaga naman kinokonsider nating mga ina ay ang mga produktong ginagamit natin para masiguro ligtas ang ating mga anak. Dahil kapag isa ka wais na ina tumataas ang chances na maiiwas natin ang ating mga anak sa mga napapanahong sakit tulad ng mga allergies at iba pa. Ang pagtataguyod ni nanay sa atin ay tunay na hindi matatawaran at hindi mapapantayan ng anumang halaga at ng sinumang tao sa mundong ito.
Noon, gumigising ka ng alas-singko ng umaga at umaalis ng bahay ng alas-sais para pumasok sa trabaho. Dati, kaya mong gawin ang iyong morning routine sa loob ng isang oras. Anyare?
Ngayon, gigising ka ng alas-kwatro ng madaling araw. Sikat na ang araw, hindi ka pa nakakaligo sa dami ng dapat asikasuhin, isama pa ang pag-ungot maya’t maya ni bulinggit na naramdamang wala ka sa kanyang tabi.
Noon, hinding-hindi ka na-le-late sa trabaho at hindi ka uuwi hanggat hindi nag-uuwian ang mga kasama mo. Halos ikaw na nga ang magbukas at magsara ng gate araw-araw.
Ngayon, palagi kang buzzer beater sa umaga at isang minuto pa lang bago ang uwian sa hapon eh nasa may gate ka na.
Noon, halos patayuan ka na ng rebulto dahil hinding-hindi ka umaabsent, kahit masama ang pakiramdam mo.
Ngayon, kulang na lang hingin mo ang leave ng katrabaho mo para lang makaabsent at maalagaan si bulinggit lalo na pag may sakit ito. Araw-araw mo ring pinapanalangin na sana mawalan ng pasok.
Noon, palagi kang nangunguna sa pagdalo kapag may get-together ang barkada. Ikaw pa ang pasimuno sa pagset ng date ninyo.
Ngayon, ang tanong mo lagi, “pwede bang isama si bulinggit?” Kapag hindi pabor na isama siya, next time ka na lang pupunta.
Noon, hinding hindi ka mapapasayaw at mapapakanta sa harap ng madaming tao. Feeling mo lagi kang lulubog sa hiya.
Ngayon, kahit walang tugtog napapasayaw ka malibang lang si bulinggit. At paborito mong playlist ay nursery rhymes. Kahit sa videoke si Old McDonald at Bahay Kubo pa rin ang bida.
Noon, ginagawa mong concert stage ang banyo. Hindi mo na napapansin kung gaano ka na katagal sa loob.
Ngayon, kapapasok mo pa lang sa CR, parang narinig mo na agad na umiyak si bulinggit. Bubuksan mo ulit ang pinto para sumilip, at mapapatawa ka na lang na guni-guni mo lang pala. Magmamadali ka na lang sa pagligo sa takot na anumang oras ay maalimpungatan si bulinggit at hanapin ka niya.
Sa ating mga tagumpay maging sa ating mga kasawian ang ating mga ina ang huli nating kanlungan. Sa kanilang pugad ng pagmamahal doon ay napapawi ang bawat sakit na ating nadarama.Si nanay na minsan ay mistulang matapang ngunit lingid sa kaalaman natin ay durog at wasak ang puso sa bawat sakit na nadarama ng kanyang mga supling.
mas marami naman dun ang mga bagay na nagagawa mo na at magagawa pa dahil sa iyong anak. Dahil wala ka di kakayanin para sa kanya.
Sana sa kanilang pagtanda ay atin silang kalingain at huwag pabayaan. Isipin na lang natin noong tayo ay paslit pa lamang hindi sila nagsawa na umalalay sa atin hanggang sa ating paglaki.
Ngayong sila naman ay matatanda na at mahina na, atin namang ipamahagi ang lakas na minsan ay ibinuhos nila para lang tayo maitaguyod, mapalaki at maging isang produktibo at mabuting tao.