X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Para sa mga mommies na gusto pumayat: Tama na!

4 min read
Para sa mga mommies na gusto pumayat: Tama na!

Katulad mo din ako dati. Ginugutom ko ang sarili ko, at nagpapakahirap magpapayat, pero lalo lang akong nalulungkot sa ginagawa ko.

Ikaw,

Oo, ikaw na nahihirapan, hindi dahil sa pag-aalaga sa baby mo, pero dahil hindi ka masaya sa nangyari sa katawan mo matapos mong manganak.

Ikaw na nagtatago sa mga kamag-anak at kaibigan mo kasi natatakot ka sa mga sasabihin nila sa’yo. Kahit alam mo na pabiro lang, masakit pa din ang tawagin kang mataba lalo na’t kakatapos mo lang manganak.

Ikaw na halos ginugutom na ang sarili para lang masuot mo ang dati mong mga damit. Ikaw na kailangan na magsuot ng maluluwag na damit para lang hindi mapansin ng mga tao na wala nang hugis ang dibdib mo dahil sa breastfeeding at pumping para may gatas ang anak mo.

Tama na!

Kinakausap ko lahat ng mga mommies na nahihiya sa hitsura nila matapos nilang manganak, alam kong naghihirap kayo para lamang mawala ang dagdag na timbang na nakuha niyo noong nagbubuntis pa kayo. Alam kong mahirap mag-alaga ng bata habang pinipilit niyong mag-diet at mag exercise para lang pumayat, at hindi isipin ng mga tao na “losyang” na kayo.

Para sa mga mommies na gusto pumayat: Tama na!

Para sa mga bagong mommies na nahihirapan magpapayat, isa lang ang masasabi ko. Tama na! Wag mong kalimutan na ang katawan mo ngayon ay ang nagdala sa pinakamamahal mong baby ng 9 months, at ngayon nagbibigay sa’yo ng kaligayahan.

Wag mo na pahirapan ang sarili mo sa pag-diet, wag mong hayaan ang sarili mo na maging miserable para lang pumayat ka. Mas mahalaga ang kaligayahan mo. Walang saysay ang pagpayat kung hindi ka naman masaya sa nangyayari sa’yo.

Katulad mo rin ako dati…

Katulad mo rin ako dati. Ginugutom ko ang sarili ko, at gumagawa ng kung anu-ano para lang pumayat. Naging mainitin ang ulo ko, naiinis ako na kahit anong gawin ko, hindi pa din ako pumapayat . Minsan, sinisigawan ko ang aking asawa dahil lang sa mga maliliit na bagay. Pagkatapos, sira na agad ang araw ko.

Sa huli, natutunan ko ding mahalin ang katawan at ang sarili ko. Naisip ko na sa sobrang pilit kong magpapayat, pinapahirapan ko lang ang sarili ko, at hindi na talaga ako masaya. Kaya hinayaan ko na lang at tinanggap na ganito na ang katawan ko. Natuto kong mahalin ang sarili ko, kahit tumaba man ako o nagbago na ang hitsura ko dahil sa pagbubuntis.

Para sa mga mommies na gusto pumayat: Tama na!

Pagkatapos nun, nawala na ang pagiging mainitin ng ulo ko, mas nakakatulog at nakakapahinga na ako, at hindi ko na ginugutom ang sarili. Nagulat na lang ako isang araw nang mapansin ko na dahan-dahang bumababa ang timbang ko. Napansin ko na mas naging masaya ako at nakikita talaga sa katawan ko ang pagbabago.

Sobrang sarap na maging isang ina. At sa halip na sayangin natin ang oras natin sa pag-aalala tungkol sa mga bagay na hindi naman talaga mahalaga, mas mabuting tanggapin na lang natin ang ating bagong buhay bilang isang ina, at maging masaya tayo sa pag-aalaga sa ating pamilya.

Wag mong isipin na gusto mo pumayat para maging maganda o para lang masabi na pumayat ka. Ang pinakamahalaga ay magpapayat ka para maging malusog ka at malakas para alagaan ang pamilya mo. Hindi naman mahalaga na puro medium ang sinusuot mo na damit, mas importante na wala kang sakit at malakas ang katawan mo.

Kaya sa sunod na maisipan mong tanungin ang asawa mo, wag mong tanungin ng “Pumayat na ba ako?” Mas magandang tanungin na “Maganda ba ako?”

 

Sumasaiyo,

Isang malusog, at mas masayang ina

(Images courtesy: Pixabay)

Republished with permission from: theIndusParent

READ: An open letter to my wife who thinks she’s not sexy

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Avantika Kukreti

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Para sa mga mommies na gusto pumayat: Tama na!
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.