Kilala natin si Mommy Diaries PH dahil sa kaniyang trendy parenting videos sa Facebook kasama ang kaniyang little girl at hubby. Ngunit sino nga ba ang supermom behind the success of Mommy Diaries PH?
Meet Mommy Ciara Magallanes of Mommy Diaries PH
Mommy Ciara Magallanes is a 29-year-old mom behind Mommy Diaries PH. Taong 2017 nang magsimula ito. Noong una, nais lamang ibahagi ni Mommy Ciara ang kanyang mga personal experience bilang isang ina.
Sa kanyang website na mommydiaries.co, dito niya ibinabahagi ang kanyang struggles and joy bilang isang mommy. Hanggang sa lumaki ito ng lumaki at ngayon nga ay kita na ang tagumpay rito.
What is ‘motherhood’ for Mommy Ciara?
Si Mommy Ciara ay may isang anak na si baby Olivia. Sa murang edad pa lang nito, makikita mo na agad ang potensyal nito bilang isang bata.
Para kay Mommy Ciara, ang ‘motherhood’ sa kaniya ay isang dahilan para mailabas ang hidden talent ng isang ina, katulad na lamang ng pagligo ng 3 minutes o mabilis na pagtulog!
“I never knew I am capable of, the strengths I didn’t know I had, I discovered them the moment I became a mom. Yet, motherhood also scares me in a way that I couldn’t imagine bad things happening to my kid – things like that.”
TAPfluencer Spotlight: Mommy Diaries PH says “We discipline with intention”
Sa usapang disiplina naman kay baby Olivia, isa lang ang most powerful key para ma-solve ang frustration nito. Ito ay ang power hug! Kung hindi naman ito gumana, kadalasang kinakausap ni Mommy Diaries at Daddy Diaries ang kanilang baby para mabigyan ng “discipline talk” ang kanilang anak.
Lagi rin nilang sinasaisip ang apat na bagay sa pagdidisiplina sa kanilang anak. Ito ay ang:
- We discipline with intention.
- We always see the light in her.
- Also, we listen to her side.
- We don’t “spoil” her sa mga material things.
TAPfluencer Spotlight: Mommy Diaries PH says “We discipline with intention”
Normal na sa isang bata ang magkamali lalo na sa mga bagay na hindi sila sanay na gawin. Kaya naman kung sakaling magkamali si baby Olivia, hindi ito sinasabihan ni Mommy Ciara na “masama kang bata ka”. Mahalaga rin ang pakikinig sa anak para malaman ang kanilang side.
“We listen to her side. Sa bawat “discipline session” namin, palagi naming pinapakinggan ang side niya, ang feelings niya. In the end, natututo siya sa amin, at kami din ay natututo sa kanya.”
Aminado si Mommy Ciara na challenging ang pagging isang ina lalo na kung nagsabay-sabay ang trabaho, chores at family. Ngunit maubusan man siya ng time, uunahin pa rin niyang priority ay ang kanyang pamilya.
Mommy Diaries and Daddy Diaries
Noong una pa lang, aminado na si Mommy Ciara na may paghanga siya kay Daddy Vlad ngunit alam niya sa sarili niyang “He’s the one.”
“Crush ko talaga siya hahaha. The moment we met, ini-stalk ko na Facebook niya at ng family niya haha so bago pa niya ko mapakilala sa family niya, ang hindi nila alam, kilala ko na sila. Pero on a more serious note, I just know and I felt it .”
Katulad ng ibang magulang, pangarap ni Mommy Ciara at Daddy Vlad ang magkaroon ng magandang future ang kanilang baby girl na si Olivia. Pangarap nilang makapagpatayo ng dream house kung saan ipagpapatuloy nila ang pagbuo ng kanilang future.
TAPfluencer Spotlight: Mommy Diaries PH says “We discipline with intention”
At syempre, naniniwala si Mommy Diaries at Daddy Diaries na ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang pag-uugali na kailangan nating sanayin.
“We always say na kaya tayo binebless ni God ay para ma-bless din ang iba. Pangarap po naming na mas maraming pa kaming maabutan ng blessings na ito.”
Para maging updated sa girls bonding nila Mommy Ciara at baby Olivia bisitahin lang ang Mommy Diaries PH on Facebook!
BASAHIN:
TAPfluencer Spotlight: Mommy Nicole believes “Motherhood is a mix of love and chaos.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!