Malaking blessing para sa isang pamilya ang pagkakaroon muli ng baby. Pero hindi maiwasan ni Mommy Krisanta ang mag-alala sa kanyang panganay dahil nasundan agad ito at maagang magiging ‘kuya’.
Kaya naman sumulat si Mommy Krisanta ng open letter para sa kanyang first born para iparamdam dito na hindi mababawasan ang kanilang pagmamahal sa kanya, ano man ang mangyari.
Open letter ni Mommy kay ‘Kuya’
Johann Anak,
Mommy found out that we are pregnant. Yaaaay! You are going to be a ‘Kuya’!
I just know that you are going to be a good “Kuya” because you have always been kind, sweet and loving and you are not even one year old! Mommy is happy that we have a new addition to the family at magkakaroon ka na ng kalaro.
May aaminin sana ang Mommy sa iyo, ‘Nak ha? Bukod kasi sa pagiging happy, Mommy is also sad, worried and feeling guilty na nasundan ka agad ng kapatid.
Hindi pa kasi tapos ang Mommy na i-baby ka eh at hindi din ako siguradong tapos ka na magpa-baby sa amin. Mahal na mahal ka ng Mommy, Anak, at nag-aalala ako kung kaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya ng pagmamahal ko sa iyo.
Para bang naaawa ako sa kapatid mo dahil pakiramdam ko ay naibigay ko na lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay at wala ng maibubuga pa si Mommy. I was told by your Lola though, na hindi nauubos ang pagmamahal as it grows and the heart expands to accommodate others kaya naman kahit papaano ay nakampante din ako.
Anak, gusto ko sana i-remind ka na hindi mawawala ang Mommy sa iyo kapag dumating na si “Ading” ha? Ang change lang na mangyayari ay may ka-share ka na sa oras at attention ng Mommy.
Kapag dumating ang panahon na iyon, huwag mo sanang iisipin na hindi ka na mahal ng Mommy. Hinding hindi mangyayari iyon, Anak!
Pakakatandaan mo kuya na mahal ka ng Mommy araw-araw. Hindi iyan magbabago. In fact, napaka-special mo at nang meron tayo dahil ikaw ang dahilan ng pagiging “Mommy” ko.
Ikaw ang nagturo ng motherhood sa Mommy, Anak. Na-experience natin ang napakaraming ‘firsts’ ng mag-iina na habang buhay kong babaunin at ichi-cherish.
Malaking pasasalamat ng Mommy sa Diyos na ikaw ang first born naming dahil napakabait mo at andali mong alagaan. Sa kabila ng nararamdaman ko ito, hindi maiwasan ng Mommy na maisip na kawawa si ‘Ading’. Naaawa ako sa kanya dahil never niyang mai-experience yung mga na-experience natin together.
Hindi rin niya mararanasan ang undivided attention na katulad ng naibigay naming sa iyo.
Pero hindi na bale, sisikapin natin nina Daddy na busugin ng pagmamahal si ‘Ading’ at paniguradong hindi niya mararamdaman na kulang ang natatanggap niya.
Anak, panigurado mami-miss mo ang elaborate routine natin na tayong dalawa lang sa araw-araw. Yung routine na punung-puno ng laro, kantahan at kwentuhan kahit pa hindi ka pa naman marunong talaga magsalita. Panigurado kasi Anak, mababawasan ang oras natin na tayong dalawa lang.
Magkagaanon pa man, looking forward din ang Mommy at Daddy na may bagong dagdag sa ‘barkada’ natin ngayong kuya ka na. Nai-imagine ko na mas magulo at for sure mas masaya ang lumalaking family natin. Bibili na tayo ng mas malaking palanggana na mas malalim sa kung ano yung meron tayo sa bahay para magkasya kayo ni “Ading” doon kapag sabay kayo na maligo.
Tatlo na tayong kakanta ng “May patay na baboy sa ilalim ng tulay” at “Bahay Kubo” habang naliligo.
Matutulungan mo ba si Mommy na ituro ang sound of the letters sa kanya? Kung hindi mo pa man master yun by then, sabay ko na lang kayong tuturuan.
Tatlo na kayo nila Daddy ang maglalaro ng wrestling sa kama bago matulog ng gabi. Baka mas late na ang bed time ninyo niyan dahil sa sobrang paglalaro.
Magkakaroon na ng whole new meaning ang word na “share” hindi lang sayo but sa buong family natin. We’ll create new memories with ‘Ading’ and for sure mas fun because we have you and ‘Ading’ with us.
Kung sakali man at mangyari na hindi agad ang pagtanggap mo, Anak, at magselos ka, naiintindihan ng Mommy at Daddy. Nandito kami ng Daddy to support you and make you feel that you are loved and seen.
Please know that you will always be Mommy’s baby no matter how old you become. I love you, Anak, now and forever.