Tanong ng Mommy-to-be: Pwede ko bang kainin ito?

Anu-ano nga ba ang pwede at hindi pwedeng kainin ng mga mommy-to-be? At mayroon bang mga uri ng pagkain na magdudulot ng masamang epekto kay baby?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ng Mommy-to-be, “Pwede ko bang kainin ito?”

Ang pagbubuntis ay nangangahulugan ng mas maingat na pag-iisip, lalo na sa mga iniinom at kinakain—dahil hindi lang ito para sa mga mommy-to-be, kundi lalo na para sa batang dinadala kaya mainam na kainin ang mga pwede sa buntis.

Napakaraming sabi-sabi at paniniwala ng mga matatanda tungkol sa mga bawal na kainin kapag buntis. Alamin ang totoo at kung alin ang kathang isip lamang, para malayang kainin ang gusto ng walang pangamba na makakasama ito kay baby. Narito ang mga kadalasang tanong maaaring kainin ng isang mommy-to-be.

1. Isda

Mayaman sa protina at omega-3 ang isda, tulad ng salmon at tuna, na kailangan at pwede sa katawan ng isang buntis. Ang karaniwang babala ng mga doktor ay ang mga isdang nagtataglay ng labis na mercury at iba pang contaminants na taglay ng mga isdang tulad ng pating, swordfish, at king mackerel. Ang ibang isda tulad ng tilapia at at trout ay mababa ang taglay na mercury. Pwedeng kumain ng mga isdang ito hanggang 2 beses sa isang linggo lamang. Kaya din pinapaiwas sa pagkain ng sushi ang mga buntis, dahil ang tuna na hilaw ay maaaring may mga taglay na parasites na makakasama sa bata at sa ina. Kaya ang isda na pwede sa buntis ay healthy para sa kanilang diet.

2. Mga herbs: peppermint, parsley, at sage

Ito ang mga pampalasa ng pagkain, kaya’t parang wala namang panganib sa mga buntis. Ang problema lang ay maaaring maka-apekto ang labis na pagkain ng mga ito sa lactation o produksiyon ng gatas.

Tanong ng Mommy-to-be, “Pwede ko bang kainin ito?” | Image from

3. Itlog

Ang hilaw na itlog ay may salmonella, isang bacterium na sanhi ng lagnat, pagsusuka at diarrhea. Iwasan ang mga pagkain na hilaw na itlog para sa buntis, lalo na kung hindi niluto sa bahay o ikaw mismo ang nagluto. Delikado ang mga pagkaing may hilaw na itlog tulad ng  Caesar salad dressing, hilaw na cookie dough, at itlog na hindi lutung luto tulad ng prito at soft-boiled na itlog. Kung lutung luto ang itlog, walang problema. Kaya naman iwasan ang pagkain ng hilaw na itlog para sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Mani at ibang nuts

Ligtas ang pagkain ng mani at ibang nuts kapag nagbubuntis, ayon kay Adam Fox, Consultant paediatric allergist ng BabyCentre, basta’t hindi ka allergic dito. Kapag kontrolado at hindi labis ang dami ng kinakain, nakakabuti pa nga ito sa kalusugan ng nagbubuntis dahil mayaman sa protina at healthy fats. Huwag lalabis sa 20-25 gramo ang kainin kada araw. May mga uri din ng nuts na mas makakabuti, tulad ng walnuts, almonds at peanuts, pati na rin hazelnuts, pecans at pistachio nuts, na kilalang mga “heart-healthy nuts”, ayon sa Food and Drug Administration.

Payo ni Dr. Fox, kung mayrong history ng peanut allergy sa pamilya, mas makakabuting ikunsulta sa doktor kung ano ang maipapayo niya, o kung kailangang iwasan ang peanuts sa pagbubuntis, dahil sa posibilidad na makasama ito sa bata.

5. Maaanghang na pagkain

Ayon kay Mary Lake Polan, M.D., chair emeritus of the department of gynecology and obstetrics at Stanford University School of Medicine, at isang OB GYN, hindi nakakasama ang maaanghang na pagkain para sa sanggol sa sinapupunan, maliban na lang kung allergic dito ang nagbubuntis. May mga nagkakaron ng heartburn, at ang pagkain ng maanghang na pagkain ay nakakapagpalala dito. Ang iba ay nagkakaron ng iba pang digestive problems, at ang iba naman ay nakakaranas ng malalang morning sickness kapag kumakain ng maanghang na pagkain kapag nagbubuntis.

6. Gatas

Ayon kay Julie Redfern, isang registered dietitian, mas mabuti ang nonfat o low-fat milk kapag nagbubuntis, dahil ang whole milk ay may fat na saturated at hindi makakabuti sa kalusugan. Piliin ang 1 percent or skim (nonfat) milk lalo kapag nagbubuntis. Ang healthy fats ang kailangan ng katawan, tulad ng nakukuha sa isda, olive oil, avocado at nuts. Kaya naman pwedeng pwede sa mommy-to-be ang kainin o inumin ang gatas.

Para naman sa kailangang calcium habang buntis, uminom ng 3 baso ng non-fat na gatas (8-ounce kada inom) sa isang araw. And soy milk ay mabuting alternatibo din. Makukuha din ang calcium sa mga pagkaing mayaman dito tulad ng keso, yoghurt, berdeng gulay (kale at spinach, lalo na) almonds at orange juice.

7. Keso

Dating pinagbabawal sa mga buntis ang pagkain ng keso, dahil sa maaaring pamahayan ito ng listeria. Pero sa ngayon, inilathala na ng FDA na ang soft cheese  tulad ng Brie ay ligtas kapag nagbubuntis, basta’t gamit ay pasteurized milk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ng Mommy-to-be, “Pwede ko bang kainin ito?” | Image from

8. Tea

Ang tsaa ay may caffeine, na maaaring makagambala sa pagtulog o sleep pattern ng nagbubuntis, pati na ng bata sa sinapupunan. May mga pag-aaral din na nagsasabing nakakapigil ito sa pagpasok ng iron sa sistema, kaya’t maaaring mabilis mapagod at bumaba ang energy. Kung iinom ng tsaa, huwag gawing madalas o araw araw, at huwag uminom kapag kakakain lang ng mga pagkain na sagana sa iron tulad ng lean meat, berdeng gulay, o fortified breakfast cereals.

9. Mga inuming maraming asukal

Mga inuming tulad ng soft drinks, soda at bottled o mga tetrapack juice ay may taglay na maraming asukal at calories na walang nutrisyon. Nakakapukaw ng uhaw, pero walang buti ito sa kalusugan ng ina at sanggol. Mayron ding caffeine at iba pang kemikal na hindi makakabuti sa kalagayan. Kung maaaring iwaksi nang tuluyan habang buntis at nagpapasuso pagkapanganak, mas mabuti. Huwag din maniwala na ang salitang “diet” sa kahit anong inumin ay   may mas kaunti o walang anumang asukal o kemikal—mas marami pa itong caffeine at artificial sweeteners. Ang saccharine, ang ingredient na ginagamit sa artificial sweeteners ay nagiging sanhi ng birth defects sa isang sanggol. Kapag madaming nainom nito ang ina habang nagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

10. Alcohol o alak

Walang buting maidudulot ang inuming ito sa ina at sanggol. Sinasabi ng iba na kaunting alak ay hindi masama, pero pinapayo ng mga doktor na mas makakabuting iwasan na ito ng tuluyan sa loob ng 9 na buwan lang naman ng pagbubuntis. Ang pag-inom ng alak ay nagiging sanhi ng premature birth, stillbirth at pagklaglag ng bata. Nakakaapekto ang alak o alcohol sa paglaki ng bata sa sinapupunan, at napatunayan nang sanhi ng Fetal Alcohol Syndrome (FAS). Ang hindi maayos na brain development ng fetus, abnormal na facial features, hyperactivity, learning at speech delays, at mental retardation.

Tanong ng Mommy-to-be, “Pwede ko bang kainin ito?” | Image from

11. Chocolate at kape

Parehong may caffeine ito, kaya’t mas makakabuting bawasan, o limitahan ang pagkonsumo nito, o piliin ang decaf na kape. Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, hindi dapat lumagpas sa 200 milligrams ng caffeine ang naiinom ng mga nagbubuntis kada araw. Itanong sa doktor kung ilang tasang kape ang ligtas para sa iyo. Dahil mas mabuting personal ang pagpapayo nito, dahil siya ang nakakaalam ng partikular na kalagayan mo.


Ligtas naman ang pagkain o pag-inom ng tsokolate, basta’t huwag sosobra dahil maaaring magkaron ng panganib ng preeclampsia. Ang 9 na piraso ng Hershey’s kisses ay mayron lamang 10mg ng caffeine, halimbawa. Kapag sobra din, nakakawalang gana ito, kaya’t hindi na makakakain ng mga pagkain masustansiya. Kapag mayron nang mataas na lebel ng blood sugar o gestational diabetes, o di kaya ay bumibigat na ang timbang. Kaya naman hindi muna pwede na kainin ng isang mommy ang pagkaing mataas ang sugar level katulad ng chocolate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12. Mga pagkaing may sangkap na nitrate

Ito ay mga pagkaing tulad ng hot dog at mga cured na karne tulad ng bacon at sausage. Nitrate ang additive na sinasabing may kinalaman sa pagkakaron ng brain tumor at diabetes. Bagamat hindi pa tapos ang mga pag-aaral tungkol dito. Makakabuti na ring limitahan o tuluyang iwaksi ang pagkain nito, kahit habang buntis man lang.

Kapag nagbubuntis, dapat ay kumakain si Mommy ng iba’t ibang masustansiyang pagkain. Lalo ang prutas at gulay na sariwa, sa araw araw. Ito ang paraan para makasigurong malusog din si baby. Ang mga sariwang prutas at gulay ay sagana sa bitamina at fiber, na kailangan ng isang nagdadalan-tao. Hugasan lang mabuti at huwag iluto ng sobra, para hindi mawala ang sustansiya ng gulay.

At tulad ng kahit anong bagay, huwag sosobra, at huwag magkukulang. Gawing balanse ang mga kinakain, para hindi magkaron ng anumang sakit o panganib para sa sanggol na dinadala. Maging maingat, at kapag hindi sigurado, itanong agad sa iyon OB GYN.

 

Basahin: What are the most common types of food that moms crave during ‘paglilihi’?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement