Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang mga taong nagpapakalat ng mga Momo videos online. Ito ay bagama’t marami ang nagsasabi na peke ang “suicide challenge” na ito, tuloy-tuloy pa rin ang mga masasamang loob na nagpo-post ng mga videos sa YouTube.
At ayon sa mismong police force ng Spain, bumalik raw ulit si Momo sa YouTube. At sa pagkakataong ito, ay nakatago raw ito sa loob ng mga “Baby Shark” na video.
Momo videos, kumakalat muli ayon sa mga pulis
Marami ang nagsasabi na fake at hoax lang ang mga Momo videos. At dahil sa mabilis na pagkalat nito sa internet at sa social media ay nagdulot ito ng panic sa mga magulang.
Ngunit naniniwala ang Spanish police na mayroong mga nagpapakalat ulit ng mga videos ni Momo. Sa pagkakataong ito, itinatago raw nila ito sa loob ng mga videos na pambata katulad na lang ng Baby Shark.
Dahil dito, naglabas sila ng warning sa social media na inuudyok ang mga magulang na mag-ingat at bantayan ang kanilang mga anak.
Ayon sa post, “No, Momo does not exist, it is an old viral character that has resurfaced with some damaging modifications.”
Dagdag pa nila, “We have to work together to not allow it to spread.”
Kasalukuyan daw silang nag-iimbestiga ng ilang mga videos na ini-report sa kanila. Humihingi rin sila ng tulong mula sa publiko na mag-report ng mga kahina-hinalang videos sa kanila.
Marami ang nagsasabi na konektado raw ang character na si Momo sa mga suicides ng mga bata sa buong mundo. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatunayan kung totoo nga ba ang mga suicides na ito. Ngunit malinaw na hindi mabuti ang ganitong klaseng videos para sa mga bata, at kailangang mapigilan kung sino man ang nagpapakalat ng mga ito.
Ano ang magagawa ng mga magulang?
Fake man o hindi ay sinasabi ng mga awtoridad at experts na sana ang Momo challenge ay magsilbing wake-up call sa mga magulang na bantayan at limitahan ang paggamit ng internet at gadgets ng kanilang mga anak.
Ayon nga sa IT expert na si Jerry Liao ay dapat daw mag-exert ng oras ang mga magulang sa kanilang anak sa real world pati narin online.
Hindi daw dapat gamiting “pacifier” ang mga gadgets para patahimikin ang kanilang anak at hayaan lang itong manood ng videos at maglaro ng games para hindi sila guluhin.
Para naman sa isa pang IT expert na si TJ Dimacali ay dapat daw i-explore ng mga magulang ang paggamit ng mga filtering at monitoring software tools sa internet.
Isa na raw rito ang parental control na maari nilang i-activate at i-set para mag-filter ng mga hindi kaaya-ayang content sa mga bata.
Ayon parin kay Dimacali, ang pinakasimpleng paraan raw para protektahan ang mga bata mula sa dangers ng online trends ay ang pagbibigay ng oras sa kanila at pag-alam sa kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan o ginagawa online.
Maari raw subukang manood sa tabi nila ng mga Youtube videos na kinahihiligan nila para ma-check kung ano talaga ang nilalaman nito at maiiwas agad ang bata sa content na hindi karapat-dapat sa kanilang edad.
Ayon naman sa DepEd ay dapat mag-maintain ng open communication ang mga magulang at guardians ng mga bata sa kanila. Dapat din daw ay turuan silang maging responsable sa kanilang online behavior at i-monitor kung ano ang kanilang ina-access online.
Dapat din daw ay ipaintindi sa mga bata na ang mga magulang o kanilang guardians ang unang mga taong puwede nilang pagsabihan ng mga bagay na nagpaparamdam sa kanila ng uncomfortably o feeling ng pagiging unsafe.
Pinapaala naman ng mga kapulisan sa mga magulang na ipaintindi rin sa mga bata ang kahalagahan ng hindi pagbibigay ng kanilang personal information sa mga taong hindi naman nila kilala.
Dapat din daw ay ipaliwanag sa kanila na walang sinuman ang may karapatang magsabi sa kanila na gawin ang mga bagay na hindi nila gustong gawin.
Pero higit sa lahat ang paglalaan ng oras at pakikipag-usap sa mga bata ang isang mabisang paraan para magabayan sila at maiiwas sa mga bagay na maaring ikapahamak nila gaya ng suicide challenge na ito sa real world man o online.
Source: The Sun
Basahin: Momo suicide challenge: Fake nga ba?