Pilipinas naghahanda na sa posibleng paglaganap ng Monkeypox, alamin kung ano ang sakit na ito

Nagkahanda na raw ang Department of Health sa posibleng outbreak ng monkeypox virus sa Philippines simula pa nang tumaas ang kaso nito sa ibang mga bansa noong Mayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Agad na pinaghandaan ng Department of Health (DOH) sa Philippines ang monkeypox response matapos itong ideklarang public health emergency of international concern (PHEIC) ng World Health Organization.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Monkeypox response sa Philippines pinaghahandaan ng DOH
  • Ano ang monkeypox at mga sintomas nito

Monkeypox response sa Philippines pinaghahandaan ng DOH

Wala pa mang naitatalang kaso ng monkeypox sa tao sa Philippines ay pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagpasok nito sa bansa. Ayon sa DOH, nag-isyu ng Temporary Recommendations (TRs) ang WHO upang maging gabay sa tamang pagresponde kontra monkeypox sa Philippines.

Para sa mga bansang tulad ng Philippines na wala pang naitatalang kaso ng monkeypox, narito ang mga rekomendasyon ng WHO:

Larawan mula sa Freepik

  1. Magkaroon ng multi-sectoral coordination mechanisms for readiness and response para mapigilan ang human to human transmission o para maiwasan na magkahawaan.
  2. Iwasan ang diskriminasyon sa mga taong maaaring naimpeksyon ng monkeypox. Ito ay para maiwasan na itago ang kalagayan at malimitahan ang undetected transmission.
  3. Palakasin ang epidemiology at disease surveillance
  4. Patatagin ang kakayahang ma-detect ang monkeypox virus sa pamamagitan ng pagbibigay ng training sa mga health worker para magkaroon ng tamang kaalaman hinggil sa virus.
  5. Mag-raise ng awareness tungkol sa kung paano naipapasa ang monkeypox virus, at ang mga kaugnay na prevention at protective measures hinggil dito. Mahalaga ring malaman ang mga sintomas at senyales ng monkeypox sa bawat komunidad.
  6. Makipag-ugnayan sa mga community-based group at civil society networks para maipakalat ang reliable at factual na mga impormasyon.
  7. Mag-focus sa pagkakaroon ng risk communication at community support efforts sa mga lugar kung saan mayroong close contact sa virus.
  8. Agad na i-report sa WHO ang mga probable at confirmed case ng monkeypox.
  9. Ipatupad ang lahat ng mga kailangang aksyon para maging handa sa pagpasok ng monkeypox sa Philippines. Para naman sa mga bansang may detected cases na ay maaari pa ring i-apply ang temporary recommendations kung ito ay first-time detection pa lamang ng suspected, probable, o confirmed case ng monkeypox.

Saad ng DOH, bilang paghahanda sa monkeypox response sa Philippines ay ginagawa na nila ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Drafted, approved, and circulated interim technical guidelines para sa implementasyon ng monkeypox surveillance, screening, management, at infection control.
  • Online townhalls at meetings sa mga health care workers, DOH regional offices, at local health officials para pag-usapan ang naturang isyu.
  • In-optimize na rin ang Realtime PCR assay ng DOH Research Institute for Tropical Medicine para madaling ma-detect ang monkeypox virus.
  • Nagtatag ng Philippine Inter-agency Committee on Zoonosis kasama ang mga myembro nito kabilang ang Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, at iba pang ahensya.
  • Nakikipag-ugnayan na rin umano ang DOH sa local civil society organizations, community-based groups, social hygiene clinics, at mga advocate upang maayos na maipaalam sa mga komunidad ang risk ng monkeypox transmission.

Ayon kay Dr. Maria Rosario Vergeire, OIC ng DOH, wala pa rin umanong naitatalang kaso sa ngayon ng monekypox sa Philippines at titiyakin nila ang pagbibigay ng factual information sa mga Pilipino.

Samantala, mayroon nang mahigit 16,000 kaso ng monkeypox sa higit 75 bansa at limang namatay dahil dito sa Africa.

Ano ang monkeypox at mga sintomas nito

Ang monkeypox ay virus na naipapasa mula sa mga hayop patungo sa tao. Mayroong dalawang uri ng monkeypox virus: ang West African clade at Congo Basin clade. Hango ang pangalan ng virus sa initial discovery ng virus sa mga unggoy sa Danish laboratory noong 1958. Ang unang kaso ng monkeypox sa tao ay na-detect sa isang bata sa Democratic Republic of Congo noong 1970.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naipapasa ang monkeypox virus mula sa isang tao patungo sa isa pa sa pamamagitan ng close contact sa sugat, body fluids, respiratory droplets tulad ng laway, at mga kontaminadong gamit tulad ng sapin sa higaan.

Ilan sa mga sintomas ng monkeypox ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng ulo
  • Masakit na likod
  • Asthenia o panghihina
  • Pamamaga ng mga lymph nodes
  • Pananakit ng mga muscle at kasukasuhan
  • Mataas na lagnat mula 38.5 degree celcius
  • Rashes

May pagkakatulad ang mga sintomas nito sa smallpox patients, clinically less severe lamang ang monkeypox. Subalit, posibleng mataas ang risk ng severe symptoms ng monkeypox sa mga bata, buntis, o mga taong may mahinang immune system dahil sa health conditions.

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karaniwang tumatagal ng anim hanggang 13 araw bago lumabas ang sintomas ng monkeypox matapos ang impeksyon. At tatagal naman ito ng lima hanggang 21 araw bago gumaling.

Ang rashes na dulot ng monkeypox ay karaniwang lumalabas isa hanggang tatlong araw nang pagkakaroon ng lagnat. Ang mukha ang mas apektado ng rashes kompara sa ibang bahagi ng katawan. Nagsisimula ito bilang macules o flat na rash hanggang umumbok ito na tila mayroong yellowish fluid sa loob. Pagkatapos ay matutuyo ito at magkakaroon ng langib.

Kapag napuna ang mga nabanggit na sintomas sa iyo o sa iyong anak ay agad na kumonsulta sa inyong doktor para malaman kung ito ba ay monkeypox o hindi. Mahalagang ipaalam sa doktor ang nararasang sintomas para malapatan ng tamang paggamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DOH, WHO

Sinulat ni

Jobelle Macayan