Tuwing tag-ulan dumadami na rin ang mga lamok at tumataas ang kaso ng nagkakaroon ng dengue, kung ikaw ay isang plantita o plantito, magandang malaman ang mga mosquito repellent plants sa Philippines na maaaring ilagay sa inyong bahay.
Maganda na sa environment at makakatulong pa para umalis ang mga lamok sa inyong bahay. Inilista namin sa inyo ang mga mosquito repellent plants sa Philippines. Ito ay ang mga sumusunod:
Talaan ng Nilalaman
Mosquito repellent plants Philippines
Ang mga halaman ay hindi lamang nagpapaganda sa ating kapalirigiran. Nakakatulong rin ito sa pagbibigay ng malinis at malamig na hangin sa atin.
Napatunayan ring ang mga ito ay nakakabawas ng stress at fatigue. Nakaka-boost din ito ng mood, concentration, productivity at creativity ng isang tao.
Ngunit maliban sa mga nabanggit, may ilang halaman rin ang nakakataboy ng mga lamok o mosquito repellent. Ito ay ang tinatawag na anti mosquito plants na maari at madaling itanim sa paligid ng ating bahay.
Ilan nga sa mga mosquito repellent plants Philippines o anti-mosquito plants na available dito sa Pilipinas ay ang sumusunod:
Mga anti-mosquito plants
1. Marigold
Ang magagandang bulaklak ng marigold ay hindi lang kaaya-ayang tingnan. Ang mga ito ay nakakatulong rin na mataboy ang mga lamok sa ating bahay.
Ito ay dahil ang mga bulaklak ng marigold ay nagtataglay ng chemical na kung tawagin ay Pyrethrum, isa sa mga ingredient na inilalagay sa mga insect repellents. Ang unique aroma rin ng marigold ay nagtatagboy ng mga gumagapang na insekto.
2. Mint
Kung para sa ating mga tao ang amoy ng mint ay nakakarefresh. Para sa mga lamok, langgam at mga bugs ang amoy nito ay hindi kaaya-aya. Kaya naman iniiwasan at nilalayuan nila ito.
3. Basil
Hindi rin gusto ng mga lamok at insekto ang matapang na amoy ng basil. Kaya naman ang pagtatanim nito sa bakuran mo ay hindi lang magpapasarap ng pasta, pizza o iba pang lutuin, itinataboy rin nito ang mga lamok sa bahay ninyo.
4. Citronella
Hindi rin gusto ng mga lamok ang matapang na amoy ng citronella. Kaya naman karamihan ng mga insect repellant sa ngayon ay nagtataglay nito bilang kanilang main ingredient.
Maliban sa pagiging anti mosquito plant, ang citronella ay ginagamit rin upang mailabas ng katawan ang mga bulate o parasites sa tiyan. Nakakatulong rin ito upang ma-kontrol ang muscle spasms at madagdagan ang urine production.
5. Lemongrass
Bagamat magkatulad ng itsura, ang citronella at lemongrass ayon sa mga eksperto ay magkaiba. Dahil una ang mga citronella ay may kulay pulang stems, habang ang lemongrass naman ay kulay green. Ngunit pagdating sa pagtataboy ng lamok ay parehong effective ang dalawa.
Dito sa Pilipinas, ang lemongrass ay mas kilala sa tawag na tanglad. Ito ay inihahalo bilang pampabango at pampalasa sa tinola. Inilalagay rin ito sa mga inumin at tsaa.
6. Citronella Geranium
Hindi lahat ng geraniums ay maaring magtaboy ng mga lamok. Natatanging ang citronella geranium lang ang maaring makagawa nito. Ito ay dahil tinataglay nito ang amoy ng citronella na kinaawayan ng mga insekto.
7. Rosemary
Hindi lang masarap na pampalasa ang rosemary sa mga karne at maraming putahe. Ito rin ay effective na natural mosquito repellent. Ito ay dahil sa woody scent nito na kinaayawan ng mga insekto. Madali rin itong itanim at maraming naibibigay na benepisyo.
8. Lavender
Ang mga lavender ay hindi lang nagtataglay ng magagandang bulaklak. Nakaka-relax rin ang amoy nito na napatunayang nakakatulong para mabawasan ang stress na nararanasan ng isang tao. Pero kung para sa mga tao ay nakaka-kalma ang amoy ng lavender, ayaw naman ito ng mga insekto tulad ng lamok. Kaya naman perfect na itanim ito sa paligid ng bahay. Dahil maliban sa ito ay maganda, ito ay anti-mosquito plant pa!
READ MORE:
4 na sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok—bukod sa dengue
Parent’s Guide: 7 things you need to know about this deadly disease caused by mosquitoes
9. Sambong
Ang dahon ng sambong ay hindi lang mabisang halamang gamot. Ito rin ay isang anti-mosquito plant. Lalo na kung ang mga dahon nito ay susunugin na hindi kaaya-aya sa pang-amoy ng mga lamok.
10. Peppermint
Tulad ng mint ang peppermint ay mabisa ring pangtaboy ng mga lamok. Ito ay dahil din sa matapang na amoy nito. Maliban sa naitataboy nito ang lamok, ang oil na mula sa peppermint ay mabisa ring pangtanggal ng discomfort o kati na dulot ng kagat ng lamok.
12. Catnip
Ang catnip ay nagtataglay ng oil na kung tawagin ay nepetalactone. Ang oil na ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto ito ng mga pusa. At ito rin ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ito ng mga lamok.
13. Chives o dahoon ng sibuyas
Hindi lang masarap na pangdagdag sa salad, soup at iba pang pagkain ang dahon ng sibuyas. Mabisa rin itong pang-taboy sa mga lamok ng dahil sa matapang na amoy nito.
14. Garlic
Tulad ng dahon ng sibuyas, ayaw din ng mga lamok ang matapang na amoy ng bawang. Maliban nga sa pagtatanim nito sa inyong bakuran ay maarin ring ikuskos ang juice ng bawang sa inyong balat para gawing natural insect repellant.
15. Bee Balm
Ang Bee Balm ay isa ring mosquito-repelling plant na karaniwang tinatawag na wild bergamot at horsemint. Nag-a-attract din ito ng mga bubuyog at paro-paro. Kadalasang ginagamit din ito sa mga jelly, tea, at garnish sa mga salad.
16. Floss Flower
Nagtataglay ang Floss flower ng chemical na tinatawag na coumarin na ginagamit para sa mga mosquito repellant creams o lotion. Kaya naman mabisa ito para iwas lamok sa inyong bahay.
17. Sage
Sage is commonly used for spiritual cleansing in different cultures and is often burned in certain rituals. Burning sage is also a great way to keep mosquitoes away! Throw some sage leaves in a backyard fire pit or in your fireplace to fill your home with refreshing aromas and a natural mosquito-repelling scent.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga mosquito repellent plants Philippines o anti-mosquito plants na available dito sa Pilipinas.
Marami pang mga halaman sa ating paligid ang hindi lang maganda sa paningin at masarap sa ating panlasa. Kung hindi may malaking maitutulong rin sa ating kalusugan. At higit sa lahat ay nagbibigay ng proteksyon sa atin mula sa mga insektong nagdadala ng sakit tulad ng mga lamok.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.