Let’s start this story with my favorite quote “progress is not linear.”
Ibig sabihin hindi pare-pareho ang progress mapa-usaping success, trabaho, at swerte sa buhay lalo na sa pag bubuntis. Pwedeng sa iba, mabilis pero hindi naman ibig sabihin na pag mabagal ang proseso ng sayo ay hindi ka na nagpo-progress.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na madalas tayo mahusgahan dahil sa mga epekto ng PCOS.
Ilan sa mga usual na tawag sa atin ay ma-jubis, balyena, mabuhok, matakaw, moody, dugyot (dahil oily skin), may acne at bacne.
Ang mahalaga sa pag kakaroon ng alin man sa nabanggit ay dapat aware o may kamalayan tayo sa ganitong bagay.
Simula nung 13 years old ako, irregular na ang menstration ko. Pinaka matagal ang 6 months na hindi ako dinatnan. At gaya ng karaniwan, masakit at nanghihina ako tuwing mayroon ako.
Dati kasi sabi ng matatanda, normal lang ‘yun. Mag babago pa raw ang cycle ko since kakasimula palang ng buwanang dalaw ko. Hanggang sa natakot na ang mama ko, (akala pa ng nanay ko ay buntis ako) nagpa-check up kami if normal pa ba ‘yun.
Age 15 or 16 ata ako noong una kong narining na “mahihirapan kang magbuntis.” Hindi ko pa inisip ang bigat ng mga katagang yun dahil bata pa ako pero habang tumatanda at nagkaka malay na ako.
Marami akong “what if”. Lahat ginawa namin para mag normalize ang menstruation ko, pinag pills ako (itinigil rin dahil tumataba ako), pinag diet, pinag-exercise, nag change ng lifestyle (from fast food to green and leafy foods) at marami pang iba.
Year 2019, may nakitang bukol sa ovary ko at pinaghihinalaang tumor or ovarian cancer. Hanggang sa nagpacheck up ako for second opinion at doon na na-confirm na—yes, ovarian cancer ito at nagsilabasan ang mga symptoms, gaya ng pasa, severe hair fall, mabilis na pag payat at pag gain ng timbang at marami pang iba. Akala ko talaga noon, wala ng pag-asa. Nilabanan ko kasama ng pamilya ko ang pagsubok na yun.
12 March 2020, bago mag lockdown, ang huling findings sa akin ay remission. It means that the signs and symptoms of my cancer are reduced. Remission can be partial or complete.
In a complete remission, all signs and symptoms of cancer have disappeared. If you remain in complete remission for 5 years or more, some doctors may say that you are cured.
Biglang nawala ang mga signs at dahil hindi naman naniniwala ang siyensya o mga doktor sa “miracle” ang term ay “remission.”
At isa ako sa mga nakaranas ng miracle na ‘yun, at habang buhay kong ipagpapa salamat sa panginoon at sa mga nag dasal para saakin. Kaya ang isip ko, kailangan ko pang malampasan ang 5 to 10 years bago ako mag baby pero look! After 2 years, nag conceived ako!
Kaya sa mga napanghihinaan ng loob, nawawalan ng pag-asa, patuloy na naghihintay at lumalaban. Iba-iba man tayo ng estado ng matres at panahon kung kelan mabibiyayaan, asahan niyong dadating rin ang matagal nyo nang pinagdarasal.
Maniwala ka, dadating ang panahon na babalikan mo lahat ng pagsubok at paghihirap mo ng naka ngiti at umiiyak sa saya dahil nalampasan mo ang PCOS mo.