MY PREGNANCY JOURNEY

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nung nalaman kong buntis ako, iba't-ibang emosyon ang naramdaman ko. Nag-aaral pa kase ako that time and buti na lang talaga online class due to pandemic kaya naipagpatuloy ko yung pag-aaral ko. I was 21 years old at that time and wala pa akong plano sabihin sa parents ko or even my friends kase feeling ko parang ang aga kong nabuntis (fyi guys, I am independent woman actually since 17 years old tumayo na ako sa sarili kong paa dahil kailangan). My 1st trimester was really really hard kase ultimo yung gustong gusto kong kainin is isusuka ko rin and grabe yung hilo, sakit ng ulo, maya maya suka tas napaka sensitive ko sa mga maaamoy ko and bigla-bigla na lang nag-iiba yung mood ko and yung paglilihi? Grabe talaga. Minsan naiiyak na lang ako kase grabe talaga yung pinagdadaanan ko and totoo talaga yung sinasabe nila na napaka-emosyonal ng mga buntis, yung tipong ang babaw lang grabe na tawa ko and kapag may napanood ako na something or nakita bigla nalang akong maiiyak basta hindi ko rin ba maintindihan and mga momsh, andami kong mga bagay na iniwasan para sa health namin dalawa ni baby. And ganon pala yung pakiramdam no? Kapag nakita mo yung baby mo I mean not actual but thru technology like ULTRSOUND, parang maiiyak ako that time nung nakita ko si baby sa screen and dun ko lang na feel and narealized na mommy na pala ako and sobrang sarap sa pakiramdam na tipong parang ang sarap ng iluwal ni baby dahil sa excitement na gusto mo na siyang makita sa personal. Share ko lang sainyo mga mamsh na, sobrang swerte ko sa partner ko dahil talagang prinovide nya yung mga needs namin ni baby simula sa milk,vitamins,check-ups and etc. Ultimo check ups ko? Lagi siyang kasama kahit late na sya sa work talagang sasamahan nya ako at ihahatid sa bahay pauwi, kung ano gusto ko binibigay nya and sobrang bait pa and responsableng tao talaga sya. Plus, ang swerte ko rin sa byenan ko dahil napaka-bait din, very supportive and caring minsan nga parang ako ung mas anak nya kesa dun sa partner ko and wala akong masabe sa byenan ko na yun dahil sa kabutihan ng puso nya. Back to my journey, 2nd trimester ko is parang medyo okay okay na dahil nakakakain na ko ng mga gusto kong pagkain na hindi ko sinusuka, yun nga lang lumalaki na ang tyan kaya medyo mabigat na sa pakiramdam and dun ko nafi-feel na nahihirapan nako maligo kase ang nahihirapan nakong sabunin mga paa ko ganon and nagstart na rin akong umihi ng madaling araw and nung nag-six (6) months na tyan ko nagsimula ako mag-exercise dahil shempre ayaw nating mahirapan manganak dibaaaa. Then sa 3rd trimester, ay grabe mga mamsh nung 2nd trimester kaya kaya ko pa magsabon sa paa kahit medyo hirap pero nung 3rd trimester na, naku po sobra sobra ang hirap and kailangan pa mag-ingat baka madulas sa cr, and sobrang maya maya yung pag-ihi ko, pati sa madaling araw maya maya ihi ko (grabe nangingitim na yung mga mata ko dahil sa eyebags ko dahil nga may times na hindi pako naaantok at napuputol yung tulog ko dahil nagigising nga ako sa madaling araw para umihi) and isa sa mga worst na na-experience ko is yung magka-cramps yung mga paa ko and nagigising talaga ako sa madaling araw dahil sa sobrang sakit ng paa ko samahan pa na ang hirap huminga kase feeling ko nalulunod ako kapag hihiga or nakahiga na ako dahil nga malaki na ang tyan ko. Parang araw araw ata ng kada-hapon is lakad lakad ako para di mahirapan sa pag-labor and kinakausap ko si baby na huwag pahihirapan si mommy.

—-LABOR—-

Mga mamsh sobrang hirap mag-labor, bale 9 hours ako naglabor sa baby ko and napagdaanan ko ata lahat ng cm haha. Simula 2,3,4,6,7,9 up to 10 cm ang naexperienced ko bago lumabas si baby and grabe IE mga mamsh kase maya maya nila ako ina-IE ang sakit na ng pwerta ko sa kaka-IE pero tiis talaga para kay baby. And sobrang sarap sa pakiramdam na nailabas ko na si baby ng healthy at maayos and grabe na excitement ko nun makasama ang baby ko kase gustong gusto ko na sya yakapin,halikan,padede-in. Dahil sa malaki ang baby ko hanggang puwet ang tahi ko mga mamsh and ang nakakangilo pala kapag nililinis ang matres at ang sakit ng tahi huhuhuhuh.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement



Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

jelosa rodrigo