Feb.11,2022Nalaman kong ako’y nagdadalangtao. Excited na kinakabahan dahil alam kong mahirap ang manganak pero lahat yun napawi ng masilayan ko ang aking anak. Araw araw iniisip ko kung magiging mabuti ba akong nanay sa kanya, magiging masaya ba sya na ako ang naging nanay nya?. Lahat ng it o ay palaging malaking tanong sa isip ko. Pero nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil hindi nya ako pinabayaan at nagpapasalamat din ako dahil wala akong naging problema sa pagbubuntis ko everything was fine ni hindi nga ako nakaramdam ng morninf sickness na tinatawag at hindi rin ako nawalan ng gana sa pagkain kaya isa yun sa malaking bagay na pinapasalamatan ko sa Panginoon. At nung ako’y manganganak na hindi rin nya ako pinahirapan dahil tatlong ire lang lumabas na agad ang aking anak. Sa panganganak labor lang talaga ang mahirap nag labor ako ng almost 12 hours at that time iniisip ko kakayanin ko kaya via normal delivery? And once again hindi din ako pinabayaaan ng Panginoon. Dahil normal kong nailabas ang aking anak. Kaya sa mga soon to be mom diyan, manalangin lang tayo lagi at naniniwala ako na hindi din kayo pababayaan ng Panginoon.
Mga bagay na naranasan ko:
1st Trimester- antukin, laging tulog, gustong kumain lagi ng maasim
2nd Trimester- lumakas sa pagkain, tulog ng tulog
3rd Trimester- nahihirapan ng matulog,kumilos.
Lahat ng yan naranasan ko bilang isang first time mom hindi madali dahil nangangapa pa ako sa mga bagay na dapat at hindi dapat kong gawin. Pero nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil alam ko gimabayan nyan ako at malaking bagay din na kasama mo pa ang mga magulang mo at pamilya mo na tutulong sayo. Masasabimg kong mapalad ako dahil may Panginoon ako at Pamilya na nakagabay sa akin. At balang araw ikukuwento ko ito sa anak kung gaano kahalaga ang naniniwala sa Diyos at kung gaano ka importante ang magkaroon mg suporta mula sa pamilya.