Hi mga mommies! I just want to share to you the greatest gift that I ever had in my life. I just turned 23 years old noong nalaman ko na buntis ako. Actually to be honest hindi ko talaga malalaman na buntis ako kung hindi ako sinabihan ng aking tita na parang may iba sa katawan ko.
Problema ko sa aking boyfriend
Hindi ko naman pinansin noong una dahil month before nun ay nagka-period pa ako. It was September 2018, medyo hindi din maganda ang relasyon namin ng boyfriend ko noon at kaka-regular ko lang sa trabaho.
I was at work nang may nag-chat sa akin na babae, hindi ko siya kilala at kahit common or mutual friends, wala kami. Ang message pa ni girl sa akin, “Girlfriend ka po ba ni J?”. And I was like, “Yes, why?”
Deep inside kinakabahan na ako, nanginginig habang naghihintay ng reply niya.
Then tumugon na siya at sinabing, “Nililigawan niya kasi ako, sabi niya single siya. Na-curious ako sa kanya kasi nahuhulog na din ang loob ko kaya naman nag-try akong mag-investigate kung talagang single siya. Then nakita ko may ibang Facebook account pa pala siya at doon ko nakita sa cover photo at profile pic niya, na in a relationship pala siya at matagal na kayo.”
Tutulo na ang luha ko kaya naman I ask my bestfriend na kung pwede samahan niya ako sa CR. Then doon ako talagang nagwala at umiyak nang sobra. Ang sakit lang kasi akala ko iba siya.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, nag-decide akong mag-half day sa trabaho at puntahan siya para kumprontahin.
Noong una ay in denial pa siya. Pero in the end ay umamin din siya na may isang account pa nga siya. At doon may mga nakaka-chat siya. Gusto kong makipaghiwalay sa kanya nung time na ‘yon pero ang sabi niya is hindi na raw mauulit.
What he did right after that, binigay niya lahat ng accounts at passwords niya sa mga social media para daw mapanatag at magtiwala ako ulit sa kanya.
Matapang kong in-open ‘yong mga accounts niya sa Facebook. Para makita kung sino-sino mga nakaka-chat niya. And to my surprise, kahit pala noong bago pa lang kamiay may mga ibang nakaka-flirt na siya.
Mga flirt messages na masakit mabasa pero pinagpatuloy ko pa rin basahin. From 2015 na naging kami hanggang sa year 2018 ay may mga girls siyang nakakalandian, single at kahit may mga anak na. After reading the messages, nag-decide ako na manghingi ng space sa kanya. Gusto kong mag-isip.
Knowing about my pregnancy after confrontation with my partner
A week after ng confrontation namin, parang sumagi sa isip ko ulit yung sinabi ng tita ko na mag-pregnancy test ako dahil baka nga buntis ako. Kinaumagahan nag-PT ako. Then seconds lang, clear na two lines.
Hindi ko alam ang gagawin kaya naman tinawagan ko agad ang boyfriend ko. At sinabi sa kaniyang buntis ako through phone call, his initial reaction was like a disappointment.
Hindi pa raw siya ready na maging ama at may minungkahi pa na ikakapahamak ng aming baby.
Nalungkot ako dahil parang isang kasalanan ‘yong ginawa namin at parang ako pa sinisisi niya. Pero sa mga naka-chat niya na may anak, may sinasabi pa siyang, “Handa akong maging ama sa anak mo sagutin mo lang ako”.
Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. I made a promise to myself na ready or not hindi ko ipapalaglag ‘yong baby namin. I deleted all the communication between us, I blocked him sa social media and kahit sa phone.
A month after, bigla siyang pumunta sa bahay. Then sinabi niya na sorry at nakipagbalikan sya. I gave him another chance since ayokong magkaroon ng broken family because of my pregnancy. I am a product of a broken family kaya ayaw kong pati yun ay mangyari sa anak ko.
Naging martir ako sa kabila ng lahat tinanggap ko ulit siya, hoping na tutuparin niya mga pangako niya.
Sa ilang buwan ng pagbubuntis ko, naging supportive naman ang BF ko. Super ingat din kami although aminado akong isa akong dakilang pasaway na buntis. Yung rice is life talaga kahit sa meryenda plus mga cold drinks pa.
I did not experience any morning sickness. Kahit pamamanas ng mga binti o paa wala. Siguro dahil sa sobrang likot ko at talagang lakad ako ng lakad. ‘Yong tipong hindi mo mahahalatang buntis ako pag nakatalikod. Ang tawag nga sa akin ng mga officemates ko ay ‘butete’.
Complete din ako sa mga prenatal care gaya ng mga vitamins, check ups, tests at gatas. Sa office nga minsan, laging may nagbibigay sa akin ng pagkain at talagang bawat galaw ni baby sa tiyan ko ay inaabangan nila.
Naghuhulaan na din sila kung babae ba o lalaki. Blooming nga daw ako nung time na ‘yon kaya akala nila girl. But after we did the ultrasound para malaman ang gender ni baby, super naging happy si BF dahil boy ang baby namin.
My funny pregnancy journey
Nagsimula ang aking funny pregnancy journey noong May 7 when I had my check up after work. Mga 7 PM ako natapos sa checkup at sabi ng OB ko na I am 2cm dilated. At anytime soon ay pwede nang lumabas si baby. Forgot to mention na May 24 is my due date.
Super lucky lang na hanggang sa kabuwanan ko ay nakakapasok pa ako sa office. Kinamusta ako ng mga ka-work ko. At nang sabihin ko ang sinabi ng doktor ay hindi na nila ako pinapasok.
At first, hindi ko ko alam kung matutuwa ba ako. Dahil maternity leave na ako for my pregnancy, pero ayaw ko pa kasi ‘di ko pa talaga feel na lalabas na siya.
Kinabukasan, nakaramdam ako ng pain although tolerable naman siya. Then ginawa ng mama ko, dinala na ako sa lying-in malapit sa amin. Pero sabi ng kumadrona na maglakad-lakad pa daw ako dahil ‘di pa naman daw lalabas si baby.
Kumain ako ng pinya. Uminom ng salabat. Pinainom ng primrose para lang mapabilis ang dilation ko pero wala pa rin. May 10, may lumabas na brown discharge sa akin, takbo ulit kami sa lying in. Pero pagka-IE (internal examination) sa akin, pinauwi pa rin ako. 5 cm pa lang daw kasi ako.
Habang nasa bahay, nag-squat ako para lang bumaba ‘yong tiyan ko. Naglalakad sa umaga para matagtag. Hanggang sa napagod ako, nag-decide akong magpa-admit sa lying in ng May 11. Inabot kami dun ng halos isang linggo pero ayaw pa din lumabas ni baby.
Siguro nagtataka kayo bakit hindi ako nagpa-admit sa ospital kahit sinasabi ng makailang beses ng OB ko na for admission na ako for my pregnancy. Ito ay dahil sa kulang pa ang ipon namin ng BF ko. At alam namin na sa kalagayan kong may hika at maliit na pangangatawan, possible for Caesarean delivery ako.
It was May 17, nag-decide akong magpunta ng SM para maglibot-libot muna bago magpa-record sa isang government hospital na possible pwede kong pag-anakan. With only a small bag na ang laman ay wallet at mga documents during my pregnancy, nagpunta kami sa hospital.
Pagdating don, imbis na magpapa-record lang, pinagalitan pa ako ng doctor, “Manganganak ka na nagawa mo pang maggala!”
I was like, “Hala sorry po wala po kasi talaga akong nararamdaman na sign ng labor.”
Tinawagan ng tita ko ang boyfriend ko para papuntahin dala ang mga gamit naming ni baby. Guess what, I only had P3,000 in my wallet, hindi kasi talaga ako prepared. Wala pang 1 hour ay nakarating na siya sa ospital.
I was admitted at 2 PM then lumabas si baby at exactly 5:20 PM weighing 3.5 kilograms and length of 55cm. The day my son was born was very significant sa relationsip namin ng father niya.
BASAHIN:
REAL STORIES: “Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago.”
Mom Confession: “I have a lot of priorities to make, but my daughter is always on top of it.”
Husband confession: “Nakakapagod magkaroon ng kabit—kailangan parating magtago”
Memorable day of my pregnancy
17th of the month is also our monthsary date. And siguro nga, mukhang gusto din ni baby na maging mas memorable ang number 17 para sa aming pamilya. Kaya naman pinili ng aming munting sanggol na lumabas sa mismong araw ng monthsary namin ng daddy niya.
Nakakatawa lang kasi akala ko ‘yong mararamdaman ko is ‘yong parang napapanuod ko sa mga movies or palabas. ‘Yong naiiyak sa tuwa, ‘yong ang unang mabanggit is “thank you lord”.
Pero in my case, hindi ko alam kung bakit pero, hindi umiyak si baby kaya akala ko patay na siya dahil sa kalagitnaan ng pag-ire ko ay inatake ako ng hika kaya naman ang ulo ni baby ay naipit.
Salamat sa tulong ng nurse, nadaganan ang tiyan ko para lang maipagpatuloy ang paglabas ni baby. Muntik na akong ma-CS pero I told the nurses na, “Please kaya ko pang inormal to”.
Nang iabot nila sa akin si baby, ang unang nasambit ko ay “Doc, akin po ba yan?”
Natawa na lang si Dok sabay sabing, “Wala namang ibang nanganak sa kwartong to kundi ikaw. Kaya sa tingin mo kaninong anak to?”
I just replied, “Ang laki at ang puti po kasi, baka lang napalitan hehe.” Dahil doon pinagtawanan nila ako.
Pero I am just so happy and relieved kasi sa wakas ay natapos na.
Nag-stay kami sa hospital for 3 days. On the first night right after manganak ay sobrang lantang gulay talaga ako. The second day kahit papaano nakakakilos na ako. Worry lang is si baby, hindi pa nakakawiwi kaya akala ko walang gatas na lumalabas sa akin.
Sa tuwing tinititigan ko si baby, napapangiti ako dahil di ko akalaing may isang magandang anghel ang nakaya kong dalhin sa loob ng siyam na buwan. Si boyfriend, sa labas lang. Hindi siya allowed sa loob kaya naman naawa ako noon sa kanya. Kasi gustong gusto niyang nasa tabi ni baby the whole time.
Sa mga documents na need asikasuhin para sa name registration ni baby, partner ko ang umasikaso. Hanga ako sa kanya nung time na yun kasi siya ‘yong tipo ng tao na takot kumausap or magtanong sa iba. Mahiyain kumbaga.
Advice to other mommies
Kaya nga napapangiti na lang ako dahil hindi ako sumuko on my pregnancy. At napapasabi sa sarili ko na, “Salamat at ipinaglaban kita anak.”
Kaya sa mga mommy dyan na, nakakaramdam ng lungkot o kaya naman panghihina. Sa mga mommy na solong pinagdadaanan ang pagbubuntis, huwag kayong matakot. Kaya niyo yan!
Kung ako nga na, niloko na muli pang nagtiwala para sa kapakanan ng anak ko eh. Iba iba tayo ng experiences habang nagbubuntis. Siguro swerte na lang ako na naging madali ang pagbubuntis ko, sa paglabas lang ni baby nahirapan.
Kudos to the moms out there na hinarap at hinaharap ang laban ng pagbubuntis.