My Pregnancy / Birth Story
For those who know me, nakita nyo how hard my 1st trimester was. Diagnosed with Hyperemesis Gravidarum and got hospitalized. I lost weight imbes na madagdagan. I can't eat nor drink and puro suka lang and little to no pre-natal vitamins talaga at sinusuka ko lang.Plus I live off drinking soda for 3-4weeks as in!Plus noodles at yan lang kaya ng katawan ko itake.Thankfully hindi ako na diabetes pero ngka UTI ako. Totoo na "Not all pregnancies are made of rainbows and butterflies"
Fast forward to my birth story. At 36 weeks I had strong contractions kala ko talaga mapapa aga ang labas ni Baby. Yung hilab was getting closer and closer ang interval but God is good. I kept praying wag po muna maaga pa, pls let our baby have ample time to grow inside pa. From 4am to 8am nahilab siya pero miraculously tumigil ng mag 9am na. Praise God talaga.
5-6 days prior to giving birth, I had no signs of labor and my due date is nearing naman. Ito nanaman kakaba kaba nanaman ako at baka ma overdue 😅. Mommy problems walang katapusan talaga. Then last check up my 1cm na pero close pa cervix nubeyen. Nag primrose at C2 rasberry pangpa bilis daw yan sabi ng mga mommy saken. I was lucky mapasama sa October Preggy Mommy GC. We can ask and share each others experiences para kahit papano mawala wala ang worries ng mga buntis.
Ito pa totoo talaga na pag kakausapin mo si baby susunod siya. Ito mga request ko ky baby:
😁"Anak wag muna sa 37weeks ha kasi pasukan nila ate mo."
😁" Anak wag muna this week ha at papasok din si Kuya Neal mo walang mag aasikaso."
😁" Anak palampasin mo lang election sa school nila ate mo at PTA meetings ha"
😁" Anak wag weekdays ha at mahirap kasabay ng pagpasok mga ate mo"
😁" Anak wag madaling araw ha gawin mo naman umaga"
😁" Anak kahit hanggang Sept. 30 huling tawad at my vaccine si Kuya Neal mo"
Believe or not sinunod niya lahat yan. Oct 1 siya lumabas at 7:54am at hindi niya pinahirapan. Pass 7am kami dumating sa Ate Aloy's Paanakan niyan ha walang pang 1hour baby out na.
Also share ko sa inyo ang pinag anakan ko Ate Aloy's Paanakan – Pila Branch very convenient at 5-10mins away lang sa bahay at no traffic. Napaka ganda ng facility, malinis, malakas aircon at friendly staff. Specially si Mam Luisa the owner and midwife na nagpa-anak saken. I had the best experience kahit masakit ang labor they made me feel safe and important. Napaka affordable lalo na kung my philhealth ka. Free pa ang postpartum care nila. See each pictures below ganda ng facility nila and service. ☺️ Highly recommended ko talaga na sanay sa hospital manganak. Kung taga Laguna ka meron sila branch sa Pila at Pagsanjan.
Thank you sa pag-basa mga inay! Kung preggy 🤰 ka pa dont worry too much:
🤰Pahinga ka if pagod ka, wag mo pilitin mgpa tagtag at need mo ng lakas pg ire.
🤰Take one step at a time wag mo stress sarili mo sa gamit matatapos at makumpleto mo din yan.
🤰Hanap ka ng mapag kakatiwalaan mong OB/MidWife.
🤰Pili ka ng recommended na hospital/Lying In yung may naka subok na talaga.
🤰Nag C2 Rasberry ako nakaka help sa labor.
🤰Nag rootbear at raw egg ako ng naglalabor for stamina
🤰Kumain ka muna rice para hindi sikmurain.
🤰Mag warm bath.
🤰Mag primrose kung meron reseta.
🤰Focus ka sa paglabas ni baby, wag mo iipitin pg masakit para pag labas tapos na.
🤰Most of all pray ka ky Lord 🙏
#PregnancyJourney #BirthStory #HyperemesisGravidarum #LyingIn #NewBorn