Isang 11 taong gulang na batang babae ang nabangga ng sasakyan kamakailan sa UK. Sa kasamaang palad ay kahit mayroong dumating na mga paramedics, hindi na nasagip ang buhay niya.
Ating alamin kung ano ang mga nangyari sa noong araw na iyon.
Batang babae nabangga ng sasakyan sa UK!
Pauwi na galing sa paaralan ang batang gymnast na si Marianne Haboc o MJ sa kaniyang pamilya at kaibigan, nang siya ay nabangga ng isang sasakyan. Ayon sa isang balita, isang Range Rover na SUV daw ang nakabangga sa kaniya.
Nakarating agad ang mga paramedics upang tulungan si Marianne, ngunit hindi na siya ma-revive. Na-declare siyang dead on the spot ng mga paramedic.
Hinuli rin ang driver ng SUV na nakabangga kay MJ, ngunit pinalaya rin ito, dahil kailangan pang magsagawa ng imbestigasyon.
Tinawag siyang “little superstar” ng kaniyang pamilya
Lubos na nagluluksa ang kaniyang pamilya, pati na rin ang mga kaklase at kaibigan niya sa paaralan.
Ayon sa kaniyang pamilya, si MJ daw ay isang masayahing bata at award-winning na gymnast.
Bahagi siya ng Rochdale Olympic Gymnastics Club at marami na siyang napanalunang mga award sa club at sa kaniyang paaralan.
Nagbahagi naman ng isang video ang kaniyang club upang ibahagi ang kaniyang mga masasayang alaala.
Palaging mag-ingat kapag nasa daan
Bagama’t aksidente ang nangyari kay MJ, hindi natin dapat balewalain ang pagiging ligtas sa daan.
Importante sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak kung paano ang road safety, at mahalaga rin sa mga magulang na nagmamaneho ang mag-ingat kapag nasa kalsada.
Heto ang ilang tips:
- Sundin palagi ang mga road signs.
- Kapag tumatawid, tumingin muna sa kaliwa at sa kanan upang masiguradong walang biglang dadaan na sasakyan.
- Tumawid lamang sa tamang tawiran, at tingnang mabuti ang stoplight kung pwede nang tumawid.
- Maglakad sa sidewalk at hindi sa gitna ng kalsada.
- Kapag naglalakad kasama ang iyong anak, hawakan mabuti ang kanilang kamay at alamin palagi kung nasaan sila.
- Kung ikaw ay nagmamaneho, huwag magmaneho ng mabilis, at palaging alamin ang mga tao at bagay na nasa paligid mo.
Source: Rappler
Basahin: Terrible car accident leaves 1 dead, and 4 injured, including a 1-year-old