Bago pakainin ng mochi ang iyong anak, ito ang dapat mong malaman

Importanteng maging maingat ang mga magulang sa mga pagkain na binibigay sa kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karaniwan na sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng hilig sa mga matatamis na pagkain. At mas totoo ito para sa mga bata, na tila ay sadyang may natural nang “sweet tooth.” Isa sa mga nauusong dessert ngayon ay ang mochi, na isang uri ng rice cake na galing sa Japan. Bagama’t ito ay masarap, at hilig ng maraming matatanda at bata, mayroon rin itong panganib na dala. Ito ay dahil sa Japan, maraming kaso kung saan nabulunan ang bata pagkatapos kumain ng mochi.

Taon-taon nga ay nagsasagawa ng kampanya ang gobyerno upang magbigay ng paalala sa mga magulang na huwag basta-basta pakainin ng mochi ang kanilang mga anak. Gayunpaman, mayroon pa rin itong mga nabibiktima na bata.

Paano nabulunan ang bata sa pagkain ng mochi?

Ang mochi ay isang dessert na gawa sa malagkit kanin, na mayroong matamis na filling sa loob. Ito ang dahilan kung bakit ito masarap nguyain, at gustong-gusto ng mga bata. Ngunit ang texture rin na ito ay ang dahilan kung bakit nabubulunan ang bata sa mochi.

Ito ay dahil kapag masyadong bata ang kumain ng mochi, kahit maliit na piraso ay puwedeng dumikit at bumara sa lalamunan. Noong 2015 lang nga ay 9 na tao ang namatay, 128 ang na-ospital, at 18 ang naiwan sa malalang kondisyon matapos kumain ng mochi.

Hindi lang nga mga bata ang nagkakaroon ng problema sa pagkain nito, ngunit pati na rin ang mga matatanda na nahihirapang ngumuya ng malagkit at madikit na dessert.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya para sa mga magulang na gustong bigyan ng mochi ang kanilang mga anak, siguraduhin na ito ay hiniwa sa maliliit na piraso, at siguraduhin rin na kaya na itong nguyain ng iyong anak upang makaiwa sa sakuna. Bukod dito, mainam rin na palaging bantayan ang iyong anak habang kumakain, upang mabigyan agad ng paunang lunas kung sakaling mabulunan.

Mga dapat tandaan kapag nabulunan ang bata

Minsan kahit nag-iingat, ay hindi talaga maiiwasan na aksidenteng mabulunan ang bata sa kaniyang kinakain. Kaya’t mahalaga na alamin ng mga magulang kung ano ang tamang first-aid upang mailigtas ang buhay ng kanilang anak.

1. Pagsasagawa ng CPR kung ang nabulunan na bata ay walang malay.

Unang isaisip na kung ang nabulunan na bata ay walang malay agad na magsagawa ng CPR. Kung siya naman ay conscious o may malay ay gawin na agad ang pangalawang hakbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasagawa ng CPR: Ihiga muna ang bata sa flat na sahig. Tanggalin ang damit na nakatakip sa kanilang dibdib. Saka ilagay ang matigas na bahagi ng iyong palad sa ibabang bahagi ng kaniyang breastbone. Itulak o i-pump ang kamay na nakapatong sa dibdib ng bata gamit ang isa mo pang kamay at bigyan siya ng 30 compression. Kung matapos ang 30 compression ay wala paring malay ang bata ay ipagpatuloy ito hanggang sa loob ng dalawang minuto. Kung hindi parin nagkakamalay ang bata ay isugod na agad ito sa ospital. Sa oras naman na magbalik ang malay ng isang nabulunan na bata matapos ang CPR ay gawin na ang mga sumusunod na hakbang.

2. Tanggalin ang nakabara sa lalamunan ng bata.

Ito ay maari lang gawin kung nakikita ang nakabarang pagkain o bagay sa lalamunan niya. Ngunit kung hindi ay mabuting huwag ng subukang itong galawin dahil maari lang itong maitulak papasok pa sa lalamunan niya.

3. Bigyan ng back blows ang nabulunan na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpalo sa likod ng bata sa gitna ng kaniyang mga balikat ng limang beses gamit matigas na parte ng iyong palad. Siguraduhing ang gagawing pagpalo ay malakas para matanggal ang bumabara sa kaniyang lalamunan.

4. Isagawa ang abdominal thrusts sa bata.

Ngunit kung ang pagkaing nakabara sa lalamunan niya ay hindi parin naaalis kahit nabigyan na ng back blows ang bata ay isagawa naman ang abdominal thrusts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtayo sa likod ng bata at paglagay ng iyong braso sa ilalim ng braso ng bata at sa paligid ng upper abdomen niya.

Saka isara ang isa sa iyong kamao at ilagay sa gitna ng kaniyang pusod at tadyang. Sunod na ipatong ang isa mo pang palad sa nakasarang kamao para may pwersa. Saka gamitin ito upang itulak ng papasok at pataas ng limang beses ang tiyan ng bata. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pressure sa lungs niya na maglalabas ng hanging maaring makaalis sa pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan niya.

Maalis man o hindi ang pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan ng nabulunan na bata ay dalhin parin siya sa doktor. Upang siya ay agad na matingnan at siguradong mailigtas mula sa kapahamakan.

Source: South China Morning Post

Basahin: 5-anyos, nabulunan sa kinakaing wafer biscuit

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara