5-anyos, nabulunan sa kinakaing wafer biscuit

Narito ang mga first aid techniques na dapat gawin kapag nabulunan ang isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nabulunan na bata, paano nga ba maililigtas sa kapahamakan? Narito ang mga paraang dapat gawin.

5-anyos, nabulunan sa kinakaing wafer biscuit | Image from Medical Net

Batang nabulunan ng kinakaing biscuit

Isang 5-anyos na bata mula sa Sipalay City, Negros Occidental ang patay matapos mabulunan ng kinakain niyang wafer biscuit.

Naganap umano ang insidente ang insidente habang naghahanda ng hapunan ang ina ng biktima. At ang bata naman ay kumakain ng wafer biscuit sa kanilang sala.

Sinubukan din daw isalba ng ina ng biktima ang buhay ng kaniyang anak. Ito ang kwento at nadatnan nina Dionilo Bogtae, executive assistant for public safety ng Sipalay City, ng rumesponde sila sa bahay ng nabulunan na bata. Ngunit, dagdag pa niya ay wala na daw itong malay ng sila ay dumating. Ganoon pa man sinubukan parin nila itong bigyan ng first aid at CPR o cardiopulmonary resuscitation. Pero hindi na daw talaga ito nagrerespond.

Nang makarating sa ospital ang bata idineklara itong dead on arrival.

Hiniling naman ng pamilya ng nabulunan na bata na itago ang kanilang pagkakakilanlan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling mabilaukan si baby?

Mahalagang malaman nating mga magulang ang sintomas na nabibilaukan na si baby. Narito ang ilan sa kanila:

Sintomas na nabibilaukan si baby

  • Impit na iyak at tila hindi mapakali
  • Namumula ang mukha
  • Maputla o kulay blue na labi
  • Hindi makahinga
  • Pagkawala ng malay

First aid sa nabulunan na bata

5-anyos, nabulunan sa kinakaing wafer biscuit | Image from Freepik

1. Pagsasagawa ng CPR kung ang nabulunan na bata ay walang malay.

Unang isaisip na kung ang nabulunan na bata ay walang malay agad na magsagawa ng CPR. Kung siya naman ay conscious o may malay ay gawin na agad ang pangalawang hakbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasagawa ng CPR: Ihiga muna ang bata sa flat na sahig. Tanggalin ang damit na nakatakip sa kanilang dibdib. Saka ilagay ang matigas na bahagi ng iyong palad sa ibabang bahagi ng kaniyang breastbone. Itulak o i-pump ang kamay na nakapatong sa dibdib ng bata gamit ang isa mo pang kamay at bigyan siya ng 30 compression. Kung matapos ang 30 compression ay wala paring malay ang bata ay ipagpatuloy ito hanggang sa loob ng dalawang minuto. Kung hindi parin nagkakamalay ang bata ay isugod na agad ito sa ospital. Sa oras naman na magbalik ang malay ng isang nabulunan na bata matapos ang CPR ay gawin na ang mga sumusunod na hakbang.

2. Tanggalin ang nakabara sa lalamunan ng bata.

Ito ay maari lang gawin kung nakikita ang nakabarang pagkain o bagay sa lalamunan niya. Ngunit kung hindi ay mabuting huwag ng subukang itong galawin dahil maari lang itong maitulak papasok pa sa lalamunan niya.

3. Bigyan ng back blows ang nabulunan na bata.

Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpalo sa likod ng bata sa gitna ng kaniyang mga balikat ng limang beses gamit matigas na parte ng iyong palad. Siguraduhing ang gagawing pagpalo ay malakas para matanggal ang bumabara sa kaniyang lalamunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5-anyos, nabulunan sa kinakaing wafer biscuit | Image from Freepik

4. Isagawa ang abdominal thrusts sa bata.

Ngunit kung ang pagkaing nakabara sa lalamunan niya ay hindi parin naaalis kahit nabigyan na ng back blows ang bata ay isagawa naman ang abdominal thrusts.

Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtayo sa likod ng bata at paglagay ng iyong braso sa ilalim ng braso ng bata at sa paligid ng upper abdomen niya.

Saka isara ang isa sa iyong kamao at ilagay sa gitna ng kaniyang pusod at tadyang. Sunod na ipatong ang isa mo pang palad sa nakasarang kamao para may pwersa. Saka gamitin ito upang itulak ng papasok at pataas ng limang beses ang tiyan ng bata. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pressure sa lungs niya na maglalabas ng hanging maaring makaalis sa pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan niya.

Maalis man o hindi ang pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan ng nabulunan na bata ay dalhin parin siya sa doktor. Upang siya ay agad na matingnan at siguradong mailigtas mula sa kapahamakan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Manila Bulletin, NHCPS

BASAHIN:

5 Unusual choking hazards parents need to know about

2 years old na bata patay matapos mabilaukan ng dahil sa lollipop

Bata, namatay matapos ma-choke sa laruan na bola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement