Ayaw tantanan si Nadine Lustre ng mga fake news matapos kumalat sa social media ang intrigang pregnant daw ang aktres.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Pregnant? Nadine Lustre denies rumor
- Saan nagmula ang pregnancy issue
- Nadine enjoy sa France with Christophe
- Sintomas ng pagbubuntis
Pregnant? Nadine Lustre denies rumor
Pinag-usapan ng mga netizen ang usap-usapang buntis daw ang Viva actress. Ngunit marami rin ang hindi naniwala dahil pumutok ito kasabay ng April Fool’s Day.
Noong Sabado ay nagsalita na si Nadine Lustre sa pamamagitan ng kanyang Twitter account kung saan kinontra niya ang mga alegasyon na siya’y pregnant.
Maikli pero malaman ang naging sagot ni Nadine para pasinungalingan ang issue.
“How TH am I pregnant every year.”
Pero hindi pa rin natigil ang pang-iintriga kay Nadine matapos niyang mag-tweet na gusto niya kumain ng chicken inasal.
Isang netizen ang sumakay sa intriga at nagbiro na baka raw naglilihi na si Nadine Lustre.
Ngunit mabilis na depensa ng aktres, “Gutom lang talaga to.”
Saan nagmula ang pregnancy issue
Ilang Twitter account na dedicated para kay Nadine Lustre ang nagpasimula ng usapang buntis nga raw ang Kapamilya star. Ayon sa kumalat na rumor, 2 months na umanong pregnant ang aktres.
Sa YouTube account na ‘Meet Carlo’, naka-upload ang isang video na may titulong “NADINE LUSTRE IS PREGNANT! Buong Detalye at Katotohanan isiniwalat mismo ni Nadine Lustre!”
Mayroon nang lampas 6,000 views ang naturang video sa YouTube. Ngunit kung papanoorin, walang ginawang pag-amin si Nadine hinggil sa pagbubuntis aniya nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawan ng issue si Nadine Lustre na may kaugnayan sa pagdadalang-tao.
Noong 2019 sa isang press conference, pinasinungalingan din ni Nadine ang kumalat na rumor na siya’y pregnant.
“Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana huwag nang paniwalaan, ‘di ba.”
Pahayag ni Nadine noong 2019 nang may mga haka-hakang siya’y buntis.
Sa YouTube video ni Dr. Aivee Teo nakausap niya si Nadine Lustre at binahagi ng aktres tungkol sa pagbuo ng pamilya.
Lahad ni Nadine, sa ngayon ay wala siyang balak magkaanak. At kung sakali mang gustuhing magkaroon ng kids ay mag-aampon daw siya.
“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt.”
BASAHIN:
Angelica Panganiban nang malamang buntis siya: Mababaliw ako
Nadine enjoy sa France with Christophe
Sa kabila ng fake news, masaya naman si Nadine Lustre lalo’t nasa bakasyon siya kasama ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou.
Sa Instagram post ni Nadine, napalibutan siya ng snow sa Val d’Isère, isang ski resort sa France.
Makikita si Nadine na nakasuot ng gear para sa skiing kasama ang kanyang boyfriend na si Christophe, na isang Filipino-French na negosyante.
Bago ginawin sa France ay matagal ding nag-stay sina Nadine at Christophe sa isla ng Siargao.
Matatandaan na noong salantahin ng bagyong Odette ang Siargao ay agad na tumulong sina Nadine at Christophe. Nagsagawa sila ng feeding program at tumulong sa pamimigay ng ayuda sa mga residente.
Lahad ni Nadine, nakatulong ang isla para sa improvement ng kanyang mental health. Simple rin daw ang buhay sa Siargao kaysa sa Maynila. At normal siyang nakakapamuhay sa kabila ng pagiging sikat na celebrity.
“I’m really considering on moving to Siargao. Just because I’ve always wanted to be closer to nature.”
“And just being on the island really helps with my mental health. Everything is simple there, which is something that I really love.”
Sintomas ng pagbubuntis
Hindi dinatnan ng monthly period
Unang senyales ng pagdadalang-tao ay ang hindi pagkakaroon ng mestruation. Kapag ilang linggo na ang nakalipas sa inyong inaasahang menstrual cycle ay may posibilidad ng pagbubuntis.
Morning sickness
Posibleng maramdaman ang madalas na pagkahilo — pwedeng samahan ng pagsusuka — kapag isa o dalawang buwan nang buntis ang isang babae.
Fatigue
Isa rin sa posibleng sintomas ng pregnancy ay ang madalas na kapaguran o pagiging antukin. Ang fatigue ay isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis.
Madalas na pagpunta sa banyo
Mapapansin din ng kababaihan ang madalas na pagtungo sa CR para umihi kapag buntis. Ito ay dahil tumataas ang supply ng dugo ng mga babaeng pregnant kaya dumarami ang nililinis ng kidney na nagiging urine.