Sa isang presscon ng Lactum 3+ #BiboPanaloMoments noong ika-27 ng Oktubre sa Adventure Zone, Shangri-La at the Fort, Taguig, present sa naturang presscon ang celebrity mom na si Nadine Samonte.
Nagkuwento nga si Nadine patungkol sa kung paano niya binabalanse ang sarili sa kaniyang toddler na si Heather Sloane at newborn na si Austin Titus.
“It starts with the mother initiating things.” – Nadine Samonte
Ngayon nga’y isang ina si Nadine Samonte sa dalawa ng bata, si Heather ay tatlong taong gulang at si Austin naman ay anim na buwan, sa asawang si Richard Chua.
Paano nga ba nababalanse ng celebrity mom na si Nadine ang atensyon, pagmamahal, at sarili kung pareho pang clingy ang parehong anak?
Kuwento ni Nadine, “Actually it’s hard, kasi pareho silang malambing, sobrang they want my attention talaga.”
Aniya, “So pagyung isa nagmi-milk, yung isa gusto rin niya alam mo yun sumiksik.”
Isang breastfeeding mom nga si Nadine sa kaniyang anim na buwan na si Austin kaya clingy ito sa ina.
Subalit clingy din ang panganay niyang si Heather, sapagkat matagal-tagal rin na siya lang ang baby ng kaniyang mommy.
“So for me kasi ang maganda very smart si Heather alam na niya yung parang hindi na siya, hindi na siya nakikipag-agawan, pero may kaunti pa ring selos factor kahit papaano hindi naman maiiwasan yun sa magkakapatid, di ba?” paliwanag ng aktres.
“Pero yun nga, so ahmm…mahirap ayusin sa umpisa, pero if Heather sees me kung ano ang ginagawa ko sa kapatid niya, ganun din yung ginagawa niya,” dagdag niya.
“So yun yung parang way na parang tinutulungan niya ako, ayan yung magandang part sa nangyari sa akin ngayon,” sambit pa ni Nadine.
Dahil nga gusto nating lumaking bibo at independent ang ating mga anak lalo na ang ating mga panganay, “it starts with the mother initiating things,” basically kailangan maging good example tayong mga magulang.
Lalo na sa mga bata ngayon, magaling nga di-umano ang mga bata na gayahin o i-mirror ang bawat galaw ng kanilang mga magulang, kaya ang maganda kapag sinimulan mo ng maaga natututunan nila ang mga dapat nilang matutunan ng maaga rin.
Ang bata naman kapag nag-set ka sa kanila ng magandang example, iyon ang kanilang susundin sapagkat yun ang nakikita nilang tama sa kanilang paningin.
Basahin: Camille Prats: “Hay, the life of having a toddler and a newborn.”