Karamihan sa mga estudyante ang tuwang-tuwa pagdating ng rainy season—maaari kasing makansela ang ang klase tuwing bumabagyo. Ngunit para sa isang estudyante sa Malate, Manila, kalbaryo ang hatid ng walang tigil na ulan.
Naantig ang puso ng isang GMA Youscooper nang makita niya ang batang kalsada na nag-aaral sa ulan. Makikita sa video kung paano pilit na tinatakpan ng bata ng tela ang kaniyang libro at notebook para hindi ito mabasa. Mapapansin din na may kasama siyang isang babae na natutulog sa sidewalk at isa pang bata sa tabi nito.
Pinayuhan ng netizen na nag-upload ng video na sumilong muna ang bata para hindi ito mabasa ngunit tumanggi ang bata. Saad nito, ayaw niyang umalis sa kanilang puwesto dahil baka tuluyan silang paalisin sa lugar.
Nais ng netizen na magsilbing inspirasyon ang pursigidong bata na nag-aaral sa ulan sa mga kapwa niyang estudyante.
SOURCE: GMA News
Paano ma-ecourage ang anak mo na mag-aral
Kulang ba sa motibasyon ang anak mo sa pag-aaral? Narito ang 5 simpleng paraan kung paano mo siya ma-e-encourage na mag-aral:
- Hayaan mo na sila ang gumawa ng sarili nilang homework.
Imbis na ikaw ang gumawa ng homework nila, panoorin mo sila habang ginagawa nila ito. Alalayaan mo sila kung kinakailangan pero dapat sila pa rin ang gagawa ng kanilang takdang aralin. - Hayaan mo sila na solusyunan ang mga problema nila.
Kapag parati mo silang tinutulungan sa problema, maaaring mag-quit sila tuwing may mga hamon silang haharapin. Hayaan mo sila na humanap ng solusyon. - Hayaan mo sila na mag-usisa at maging malikhain.
Kadalasan na napakaraming tanong ng mga bata. Maging mapagpasensya at subukang sagutin ang mga ito. Sa ganitong paraan, natututo silang maging mausisa at magkaroon ng malikhaing pag-iisip. - Pakinggan mo sila nang mabuti.
Maglaan ng oras para kausapin ng masinsinan ang bata. Iwasan na gumawa ng ibang bagay habang nagkukuwento ito tungkol sa mga nangyari sa kaniya ng araw na iyon. - Suportahan ang kanilang paaralan at mga guro.
Kalahati ng araw ay nasa eskwelahan ang bata. Dito niya natututunan ang karamihan sa mga leksiyon. Makipagtulungan sa mga guro upang magandang learning environment at mas matuto ang iyong anak.