Hello momshies! Nais ko lang ibahagi ang early labor story at birth experience ko. Nanganak ako last September 20, 2022 sa lying-in clinic. Walking distance lang ito sa bahay namin, 39 weeks na si baby that time. Pero bago pa ako manganak nag-early labor ako, noong 33 weeks ako. Napakasakit nang aking tiyan noon.
Siyempre ang una kong ginawa ang pumunta sa lying-in clinic na malapit sa amin para magpa-check-up. Sobrang baba na raw ni baby tapos tila “kalyo”raw ang matris ko medyo manipis na, delikado nga raw na mag-early labor ako. Kaya naman pinag-bed rest ako ng midwife ko.
September 18, 2022, noong magsimulang may lumabas sa akin na dugo pero wala namang kasamang sakit. 2cm open cervix na raw ako that time. Kaya naman pagsapit ng Septermber 20 ay nanganak na nga ako.
My early labor story
Grabe ang takot ko noong nalaman kong nag-early labor ako kasi galing ako sa isang miscarriage bago ang pagbubuntis ko na ito. Natatakot lang ako na maulit ‘yong nangyari noon.
May dalawang anak na babae na ako, pangatlong pagbubuntis ko noong nakunan ako, lalaki sana iyon kaso nawala pa sa amin. Kaya sabi ko baka hindi pa talaga para sa amin ng asawa ko ang magkaroon ng lalaki.
Kaya laking pasasalamat namin mag-asawa noong malaman namin na finally lalaki ulit ‘yong pinagbubuntis ko. Sobrang saya ko nung umabot siya ng 39 weeks, all glory to God! Sobrang sarap sa pakiramdam na marinig ‘yong unang iyak niya, ‘yong chine-check kung ilang pounds siya. Kung gaano siya kataas, kung gaano kalaki ‘yong ulo niya. Iyon lang, ang nais kong ibahagi kaya naman sa mga mommies diyan na buntis, doble ingat talaga tayo.
Kasi ako hindi naman bugbog sa trabaho pero nangyari pa rin sakin iyon. Lagi lang ako sa kwarto nagkakulong dahil ayokong makalanghap ng usok ng sigarilyo kaya hindi ako lumalabas, lumalabas lang ako kapag bibili ng gamit ni baby minsan thru online pa ako bumibili pero sobrang bumaba pa rin si baby kahit hindi naman ako tagtag sa trabaho o sa paglalakad.