Maraming mga pamilya sa Pilipinas ang mayroong higit pa sa isang anak. Pero sa nirebyung pag-aaral ng Psychology Today, nagpahayag ang research na ito na lumiliit na ang bilang ng mga pamilyang may maraming anak. Mas nakikita ito sa statistics ng buong mundo.
Sa Amerika, mula sa pagkakaroon ng average na 3.7 bilang ng anak sa isang pamilya, bumaba ito sa 1.9.
Sa pagkakaroon ng mga pamilyang may nag iisang anak, maraming dahilan din kung bakit ito pinipili ng mag-asawa. Maaaring ito ay dahil sa usaping pinansyal, infertility, edad ng magulang, at iba pang medikal na usapin.
Ngunit, ano nga ba ang merong bago sa trend ng pagkakaroon ng one child?
Nag iisang anak
Sa kasalukuyan, maiisip ng mga magulang na kapag iisa lang ang kanilang anak ay may tendency na mabilis itong mabored. Gayundin, posible rin na mahirapan sa pagdevelop ng social skills at iba pang behavioral issues.
Pero, sa mga lumang pagtalakay pa, ang only-child ay isang disease, ayon sa pioneer ng APA na si Stanley Hall. Sa kanyang pag-aaral, inilarawan niya ang only child bilang selfish, spoiled, antisocial, bossy, at maladjusted.
Sa paglipas ng panahon, bagaman hindi na sinasaligan ang pag-aaral ni Hall, naiiwan pa rin ang mga stereotype sa mga only child.
Mga bagong trend sa only child
Sa makabagong pag-aaral naman ni Susan Newman, may mga bagong trend siyang ipinaliwanag sa pagpapalaki ng nag iisang anak. Ang mga paliwanag na ito, bagaman, ay nakapokus sa western na pagtalakay.
Nagkakaroon ng bagong trend ng only child dahil sa mga sumusunod na katwiran:
- may mga babaeng nagsisimulang mag-settle sa mas later na age kaya bumababa ang tendency na magbuntis
- mataas ang rate ng divorce na legal ito, na nagreresulta sa hindi na tuluyang pag-aanak ng dating mag-asawa
- magastos ang pagpapaaral at pagpapalaki sa maraming anak
- mas marami nang kababaihan na parent ang nagtatrabaho kahit may bata pang anak at hindi na pokus ang pagma-manage ng malaking pamilya
Sa kabilang banda naman, may mabuting epekto rin ang pagiging only child. Kapag mas nabibigyan ng atensyon ang isang anak lalo na sa edad ng pag-abot ng milestones, mas nagpeperform sila ng mas mahusay paglaki. Gayundin, may pag-aaral din sa ibang bansa na mas nagiging masigla ang pamilyang may iisang anak.
Tandaan
Bagaman may trend na ng paliwanag sa only child, mahalaga pa rin na magplano at pag-usapan ng mag-asawa ang kanilang pagbuo ng pamilya. Nasa mag-anak pa rin ang susi sa malusog at masiglang pamumuhay ng mga anak o ng nag iisang anak.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.