Nagpapabili ng laruan ang iyong anak? Narito ang isang trick na ginawa ng isang ina sa kaniyang anak upang siya ay matanggihan ng walang kahirap-hirap at walang iyakan.
Likas na sa mga bata ang magpabili ng kung anu-anong uri ng laruan lalo na kapag kayo ay napadaan sa isang tindahan na puno ng mga makukulay na laruan. Ngunit hindi asa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo silang bilhan nito.
Nagpapabili ng laruan na bata
Malamang bilang magulang ay naranasan mo ng may hiniling sayo ang iyong anak na gusto niyang bilhin tulad ng laruan. Ayos lang ito kung paminsan-minsan lang ngunit kung sa lahat ng oras na mapadaan kaya sa toy store at gusto niyang mag-uwi ng isa mula rito ay malaking problema na iyan sayo. Lalo na kung very tight ang budget at may mas mahagalaga pang dapat paglaanan kaysa dito.
Ngunit bilang magulang mahirap silang tanggihan at lalo na ang mapaliwanagan. Dagdag pa kung umatake na ang tantrums nila kapag hindi napagbigyan. Pero may isang ina ang nagbahagi ng isang trick sa tuwing ganito na ang eksena niya at ng kaniyang anak. Na ayon sa kaniya ay very effective at mas nababawasan pa ang guilt na nararamdaman niya sa tuwing hindi napagbibigyan ang gusto ng anak.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi nga ni Mommy Kristina Watts, isang ina mula sa Washington, USA ang clever trick na ginagawa niya sa tuwing nagpapabili ng laruan ang kaniyang anak na si Emmie. Very effective nga daw ito na very useful din ngayong nalalapit na naman ang pasko.
Ayon kay Mommy Kristina, dati rati ang pagpunta nila sa mga department store ay lagi may kasamang iyakan sa tuwing nagpapabili ng laruan ang kaniyang anak. Pero simula ng maisip niya ang trick na ito ay mas naging relax na ang kanilang pamimili at hindi na nagtatantrums ang kaniyang anak. Paano ito?
Trick kung paano sila tanggihan
Ito ay sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa laruang gustong bilhin ng anak mo. Saka sabihing ipapadala ninyo ito kay Santa o kaya naman sa isang tao na bibili at magbibigay nito sa kaniya.
“Take a picture. It’s that simple.”
“Pause for a second, comment on the thing they’re pointing out, and say, “Let’s take a picture with it and send it to Santa so he knows you want it!” Note: you can send it to Santa, grandma, TeeTee Stephanie or whoever it is you can pawn it off on. Totally up to you and can be different every time.”
Ito pagpapaliwanag ni Mommy Kristina sa trick na ginawa niya sa tuwing nagpapabili ng laruan ang kaniyang anak. At ang resulta nga daw nito ay parang magic, walang iyakan, walang tantrums kahit hindi niya napagbigyan ang gusto nito.
“Magically, Emmie smiles, says cheese, asks to see the picture, then PUTS THE TOY DOWN AND WALKS AWAY. It’s magical. No tears. No tantrums (by either of us). And she forgets about all of them within minutes.”
Dagdag na pagbabahagi pa ni Mommy Kristina.
Paalala sa mga magulang
Ang trick na ito ay maaring hindi o maging effective sa anak mo. Pero wala namang mawawala sa iyo kung iyong susubukan. Ngunit, kung sakaling hindi maging effective ito ay huwag mag-alala. Dahil ang eksena na ito sa iyong anak ay paraan para lang siya ay matuto. At napakahalaga ng iyong ginagampanang papel para maturuan siya ng tamang pag-uugali sa ganitong mga pagkakataon.
Tandaan lang na sa oras na siya ay iyong tatanggihan sa kaniyang request ay dapat mong ipaliwanag kung bakit mas makakabuti sa kaniya ang desisyon mo. Saka siya offeran ng isang bagay na kapalit para hindi naman sumama ang kaniyang loob at agad na maiiwas dito ang kaniyang atensyon. At higit sa lahat huwag mong kalimutang purihin ang iyong anak sa mga oras na nagpapakita siya ng magandang asal tulad sa mga pagkakataong ito na siya ay nakikinig at sumusunod sa mga sinasabi mo.
Photo: Unsplash
Basahin: Too many toys can harm your child’s development, says research