Mahirap at magulo ang paghihiwalay ng mga magulang. Malaki ang bigat na nalalagay nito para sa bawat miyembro ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit may mga mag-asawa ang nanatiling nagasasama dahil sa anak. Ayaw nilang dalhin ng anak ang pasakit na dulot ng paghihiwalay ng magulang.
Ngunit, ano nga ba ang ayon sa mga pag-aaral? Tama bang manatili sa isang pagsasama na wala nang pagmamahalan upang hindi masaktan ang mga anak?
Ayon sa eksperto…
Para kay Dona Matthews, isang developmental psychologist, hangga’t maaari ay ayaw niya ang paghihiwalay ng mga magulang. Ngunit, mayroon talagang mga panahon na ang masayang buhay ay hindi magawang maibigay ng mga magulang dahil sa kanilang pagsasama.
Sa panandalian, maganda ang pilitin ng mga magulang na manatiling nagsasama para sa anak. Ito ay dahil ang mga bata ay kadalasang mas maganda ang nagiging buhay kapag lumaki sa buong pamilya. Ang mga bata ay mas umuunlad kapag lumaki sa matibay na pamilya na may mga magulang na nagmamahalan.
Ang paghihiwalay ay nakapanghihina at nakakapagod maliban kung may pang-aabuso o di pagkakasunduang nangyayari.
Sa pangmatagalan, maaaring mas ikabuti ng bata ang paghihiwalay ng mga magulang. Kapag ang mga magulang ay laging nag-aaway at hindi nagkakasundo, ang paghihiwalay ay nagiging ginhawa sa mga bata. Dito ay makakahinga sila nang maluwag nang walang kasamang bigat ng hindi masayang relasyon ng mga magulang.
Kahit maayos ang paghihiwalayan, ang mga bata ay makakaramdam ng panandaliang problema. Ngunit, matututo rin sila na lumakas lalo at patibayin ang sarili.
Kung ang iniisip ay ang magiging apekto sa magiging buhay ng bata pagtanda, mas makakabuti ang maghiwalay. Maaaring gawin ang lahat upang mapanatili ang pagsasama ngunit huwag pilitin ang sarili sa isang pagsasamang hindi masaya.
Magiging problema ng bata
May iba’t ibang problema ang mga bata kapag naghihiwalay ang mga magulang. Kumpara sa mga bata na nagsasama ang mga magulang, sila ay maaaring makaranas ng:
- Pagkabalisa at galit
- Takot at pangangailangan ng tulong
- Pagsisi sa sarili
- Problema sa pag-aaral
- Problema sa pag-uugali
- Pagkakaroon ng bisyo
- Problema sa emosyon
- Paghahanap ng panganib
Makakapag-pagaan sa paghihiwalay
Maraming bata ang nagiging matibay sa kabila ng paghihiwalay ng mga magulang. Matapos ang ilang taon, makikitang mawawala sa kanila ang ilan sa mga karaniwang problema na nararanasan. Kanilang naiaangkop ang sarili sa bagong gawain at bagong kaayusan sa pamumuhay.
Tumataas ang ganitong posibilidad sa mga bata kung may isang magulang na:
- Sinisigurado sa bata na sila ay ligtas
- Nananatiling malambing at malapit sa mga bata
- Hindi pinagsasalitaan ng masama ang dating kinakasama
- Nakikipagtulungan nang maayos sa isa pang magulang sa mga bagay tungkol sa anak
- Pinapanatili ang magandang relasyon sa isa pang magulang
- Hindi naghahangad ng lampas sa kayang ibigay ng bata
- Nagbibigay ng tamang pagmamatyag sa bata
- Sinusuportahan ang pagpapalakas at pagsasarili ng bata
- Nagtuturo ng kakayahang lumutas ng problema
- Nananatili ng magandang relasyon sa mga kamag-anak, kaibigan at kapit-bahay
- Kumukuha ng propesyonal na tulong para sa sarili o anak kapag kailangan
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bata na may mga magulang na naghiwalay ay makakaranas ng problema. Kadalasan silang nakakabawi matapos ang ilang taon at nagiging mas matibay at mas kinakaya ang mga hamon ng buhay.
Ang tanging kailangan nila habang bata ay isang magulang na tutulong at iintindi sa kanila. Bukod sa paghihirap na dala ng paghihiwalay ng magulang, maaari ring matuto ang bata sa pagpili ng mga magulang na maging masaya.
Source: Psychology Today
Basahin: Are you for or against the divorce bill? Pinoy parents weigh in