Alamin ang iba’t ibang signs na malalaman mong nahihigpitan mo nang masyado ang iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak
5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak
Of course, parents want the best for their kids. Kaya nga ginagawa nila ang halos lahat ng kanilang effort at nilalaan ang lahat ng time na tingin nila makabubuti sa kanilang anak. Magmula sa kung anong ipapapakain, saang school i-eenroll, ano ang hobbies na gustong pasukin, at marami pang iba.
May mga panahon na aakalain ng mga magulang na ginagawa nila ang tingin nila maganda at ikatutuwa ng bata. Unconsciously, dahil hindi sila naging extra careful ang sana’y maganda para sa kids ay mas lalo lang naging worse.
Overparenting
Ang tawag dito ay overparenting.
Tumutukot ang overparenting sa style ng parents sa pagpapalaki sa kanilang anak. Nangyayari ito kapag nagiging “micromanage” ang pagbabantay ng magulang sa bata. Ito iyong kahit maliliit na detalye na nangyayari sa buhay niya ay nakabantay ka. Hindi mo hinahayaang makaranas ng kaunting sakit, pagkatalo, o even minor mistakes ang bata.
Hindi rin nahahayaan ang bata na harapin ang consequences ng kanilang mga ginagawa dahil nariyan kaagad ang parents para i-solve ito.
Ilan sa mga maaring maging bunga nito ay:
- Pagiging overly dependent ng bata sa kanilang parents.
- Hindi nahahayaang makapag-isip sila ng solution for a certain problem.
- Nalilimitahan ang maraming areas of development ng bata.
- Pagkakaroon ng mataas na level ng stress, anxiety, at regret sa part ng parent.
Signs of Overparenting
Kung sa tingin mo ay ganitong klaseng parents ka na, narito ang ilang signs naman upang malaman kung masyado mo na pang nahihigpitan ang anak:
Micromanaging
Kung parating inaayos at mino-monitor mo ang mga bagay-bagay sa buhay ng anak even the small ones. Sa tingin mo ay responsibility mong malaman at i-solve lahat ng nangyayari sa kanya. Halimbawa na lang pati pagpili ng kanilang damit ay ginagawa mo.
May tendency ang ganitong pangyayari na malimitahan ang bata na makapag-explore ng bagong opportunities.
Ilan sa mga dapat tingnan ng parents ay kung binabantayan nila ang bawat galaw ng kanilang anak. Tulad kahit sa paglalaro nito o pagsusuot ng outfit na hindi matching.
Minsan, tingin ng mga parents ay mayroong right way para gawin ang iba’t ibang bagay. Ngunit para sa mga bata, mas magandang pabayaan silang harapin ang mga small decisions na kailangan nilang gawin para maiwasan ang micromanaging.