Bata nahulog sa condominium habang naglalaro sa bintana

Isang bata ang nahulog sa condominium matapos maglaro sa may bintana ng unit nila. Walang bantay ang bata nang mangyari ang aksidente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas na ipinapaalala sa mga magulang kung gaano ka-importante na huwag iniiwanan ang mga bata nang mag-isa. Marami ang puwedeng mangyari kapag walang nagbabantay sa mga chikiting. Ito ang malagim na aral na huli na nang malaman ng magulang ng isang bata na nahulog sa condominium sa South Korea.

Naglalaro sa may bintana

Sa isang nakakapangilabot na video makikita ang isang batang babae na naglalaro sa may bintana ng bahay nila. Sa viral video, na kinuhaan ng isang kapitbahay, makikita na nakaupo ang bata sa may bintana ng condo unit nila na nasa ika-6 na palapag ng gusali.

Maya-maya ay makikita ang bata na lumabas sa bintana upang maglambitin.

Palagay ng mga tao na bored ang bata kaya naisipan nito na gumawa ng daring na challenge. Ayon sa ulat, walang kasama ang bata sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang segundo pa ay sinubukan na niyang hilain ang sarili niya paakyat ulit ng bintana ngunit hindi siya makakuha ng bwelo para maka-akyat. Tila hindi na nakayanan ng bata ang sarili niyang bigat kaya hindi na nito nakayanan na humawak pa sa bintana at tuluyan nang nahulog.

Wala pang isang minuto mula nang lumabas ang bata sa bintana hanggang sa tuluyan na mahulog ito sa gusali. Hindi malinaw kung nakahingi pa ng tulong ang mga kapitbahay bago mangyari ang aksidente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kasamaang palad, namatay ang bata mula sa pagkakahulog nito sa mataas na palapag ng gusali.

Narito ang video ng pangyayari. Babala: lubos na nakaka-disturb ang video.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips para maging safe ang mga bata sa condo

Narito ang ilang tips upang masiguro ang safety ng mga bata kung nakatira sa mataas na gusali:

1. Maglagay ng grills sa mga bintana. Siguraduhin maliit ang mga puwang upang hindi makalusot ang bata. Siguraduhin din na nabubuksan ito at puwedeng maging escape route sakaling may emergency. Maaaring maglagay ng kandado para maisara ito.

2. Siguraduhing walang mga gamit na malapit sa bintana o balkonahe na maaaring akyating ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Isara ang mga bintana at balkonahe kapag umaalis sa kuwartong iyon. Baka sakaling pumasok ang bata at maglaro malapit dito kapag walang nagbabantay.

4. Huwag kalimutang paalalahanan ang mga bata kung bakit delikado na maglaro sa may bintana o balkonahe.

5. Huwag iwanan ang maliliit na bata nang mag-isa. Siguraduhing parating may bantay ang mga ito.

6. Paalalahanan ang mga kasambahay o ang mga yaya na huwag papapuntahin ang mga bata malapit sa bintana o terrace.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCES: feedy.tv, youtube

Isinalin mula sa Ingles galing sa artikulo ng  The Asian Parent Singapore