“I just wonder if you have ever slept with a heavy heart, thinking that I have lost my love for you.” Iyan ang nakakabagbag-puso na mensahe ng isang ama para sa kaniyang gay son.
Trending ang usapan ng anonymous na mag-ama sa social media matapos ang naganap na Pride March Parade 2018 sa Marikina noong Sabado, Hunyo 30. Ni-repost ito ng isang Facebook user at umaani ito ng likes galing sa LGBT community.
Batay sa screenshot ng text conversation ng mag-ama, tila hindi nakadalo ang gay son sa martsa ngunit nagpunta pa rin ang kaniyang pamilya upang ipahayag ang kanilang suporta sa LGBT community na kinabibilangan nito.
Naikuwento ng ama sa kaniyang gay son na plano lamang niyang maghintay sa sasakyan habang nakikisali ang kaniyang asawa at anak na babae sa mga kaganapan, ngunit nagbago ang isip nito at naki-martsa na rin.
Ayon sa ama, hindi lamang mga miyembro ng LGBT community ang nasa martsa, kundi pati na rin mga magulang na tulad niya.
Saad pa nito, may nakilala raw siyang isang mabait babae na nag-aaral sa UP (Unibersidad ng Pilipinas). Binigyan daw siya nito ng tubig at nakipag-kuwentuhan tungkol sa kaniyang buhay.
“She talked about her family and how she is not accepted but still she is at peace with herself.”
Nang marinig ang kuwento ng babae, napaisip ang ama kung nagkaroon ba ng pagkakataong nagduda ang kaniyang anak sa pagmamahal niya rito. Siniguro naman ng kaniyang anak na hindi.
Nag-reply ang ama: “Natututo pa rin ako araw araw at salamat sa pasensya. Thank you for not disrespecting me for all the times I wronged you and the likes of you. But I do know this and thanks to your mom for reminding me all those moments when I am very clouded with my own judgment.”
Dagdag pa ng ama na hindi hadlang ang pagiging gay ng kaniyang anak upang mahalin niya ito ng lubos.
“You are my son and I will love you through and through. Mahal kita kahit sino man ang piliin mong mahalin. I may not always show it but please always remember. I told you this when you were young and it still stands. Your fight is mine. Hindi lang hanggang suntukan. Kahit ano pa iyan…”
Sinabi pa ng ama na patuloy niyang tinuturuan ang sarili upang maging instrumento ng pagbabago at makatulong sa ibang mga magulang na nasa ganito ring sitwasyon.
Bilang magulang, ano ang magiging reaksiyon mo kung malaman mong gay, lesbian, bisexual o transsexual ang iyong anak?
Narito ang advice ng isang ina kung ano ang puwede mong gawin kung ikaw ay nasa ganitong kalagayan.
BASAHIN: The best thing you can do for your gay child