Eczema, nakakahawa ba? Alamin ang tungkol sa kundisyong ito

May iba't ibang kundisyon sa balat at isa na nga rito ang eczema, maraming mga tao pa rin ang hindi alam ang sagot kung nakakahabawa ba ang eczema. Alamin kung nakakahawa nga ba ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang eczema, nakakahawa ba ito? Alamin kung ano ito upang maunawaan ang kundisyon na ito, ang mga sintomas, at ano ang gamot para rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagpapaliwanag sa eczema
  • Sanhi ng eczema
  • Sintomas ng eczema
  • Gamot sa eczema

Ano ang eczema?

Nakakahawa ba ang eczema? | Larawan mula sa iStock

Ang eczema ang isang kundisyon sa balat kung saan nagmamarka ito ng kulay pula, makati na rashes sa balat. Ito’y tinatawag na dermatitis. Mayroon ilang mga bagay na nakakapagpa-trigger sa sa eczema. Mula sa allergies hanggang sa pagkontak sa mga irritating material. Dagdag pa riyan maaaring mag-iba ang trigger na maranasan ng iba’t ibang tao.

Maliban kung alam mo kung ano ang magpapa-trigger sa ‘yo kung mayroon ka nito. Ang eczema ay mahirap na gamutin. Maaaring tumagal ng ilang buwan na wala kang sintomas pero bigla na lamang itong lalabas.

Nakakahawa ba ito?

HINDI! Hindi nakakahawa ang eczema. Kahit na marami ng lumabas na rashes sa iyong katawan hindi ito nakakahawa. Hindi ito maaaring maipasa ang kundisyon na ito sa ibang tao. Subalit ang eczema ang kadalasang nagdudulot ng cracks sa balat. Kaya naman mataas ng tiyansa ng impeksyon. Ang pangalawang infection ay maaaring nakakahawa. Pero tandaan hindi nakakahawa ang eczema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga uri ng eczema

Maraming uri ng eczema hindi ibig sabihin na ang iba’y uri nito ay nakakahawa ba sa iba. Hindi pa rin ito nakakahawa.

Ang sanhi nang pagkakaroon ng eczema ay maraming dahilan at ilan sa mga ito ay hindi lubos na maunawaan ng mga eksperto.

Atopic dermatitis

Isa ito sa mga pangkaraniwang uri ng eczema. Kadalasang namamana ito at madalas na lalabas kapag childhood.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakahawa ba ang eczema? | Larawan mula sa iStock

Allergic eczema 

Ito’y maaaring namama rin. Ang mga taong may ganitong uri ng eczema ay nagde-develop ng mga rashes matapos ang exposure siya sa mga certain allergens.

Katulad ng:

  • pet dander
  • polen
  • amag
  • pagkain
  • certain fabrics, katulad ng wool

Kailangan na isaisip na maaari ka ring makapag-develop ng panibagong allergy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema

6 karaniwang sakit sa balat at mga panandaliang gamot dito

Eczema sa mga bata: 10 bagay na dapat malaman tungkol sa sakit sa balat na ito

Contact dermatitis

Ang isa pang karaniwan na uri ng eczema ay ang contact dermatitis. Kadalasan itong nakakaapekto sa mga taong mayroong sensitibong balat. Maaaring makaranas ng mga flare-ups kapag nagkaroon ng kontak sa mga irritant ang taong may eczema. Maaaring iba-iba ang irritants na ito sa mga tao.

Ilang sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

  • pabango
  • pangkulay ng buhok
  • nickel o iba pang metal
  • synthetic na tela
  • usok mula sa sigarilyo

Sintomas ng eczema

Nakakahawa ba ang eczema? | Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pinakamahalagang tandaan patungkol sa sintomas ng eczema ay iba-iba ito sa tao. Maaaring iba ang sintomas mo sa iba. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na ito eczema. Iba-iba ang nararanasang sintomas ng mga taong may eczema dahil nga may iba’t ibang uri ang kundisyon na ito.

Subalit narito ang mga karaniwang sintomas nito:

  • Pangangati
  • Dry at sensitibong balat
  • Namumulang balat
  • Magaspang, o makaliskis na balat
  • Pagbabalat
  • Pamamaga ng ilang bahagi ng katawan na apektado

Pwede kang makaranas ng mga ganitong sintomas sa eczema o hindi, pwede ring kaunit lang. Ang pinakamainam pa rin na paraan upang malaman kung mayroon ka ngang eczema ay magpakonsulta sa iyong doktor. Upang masuri talaga ng mga propesyunal ang iyong sintomas at matukoy kung ano ba talaga ito.

Maaari bang maiwasan ang eczema?

Hindi laging naiiwasan ang eczema subalit may ilang mga pamamaraan na pwede kang gawin upang bumamaba ang tiyansa mo sa pagkakaroon nito.

  • pag-iwas sa pagkamot ng mga bahagi na apektado ng eczema katulad ng mga crackers.
  • Laging maglagay ng lotion sa iyong balat para lagi itong moisturized. Makakatulong ito para mabawasan ang pangangati. Gumamit lamang ng mga lotion na naka-designed para sa mga eczema-prone na balat.
  • Magpasuri sa isang dermatologist upang matukoy kung anong klaseng eczema ang meron ka at malaman mo kung ano ang mga triggers na mayroon ka. Para maiwasan mo ito.

Nagagamot ba ang eczema?

Walang cure o gamot sa eczema pero mayroong mga treatments para rito. Ang mga treatment na pwede para sa kundisyon ng eczema ay nakadepende sa edad ng tao. Mayroong mga over-the-counter na remedies, prescription ng topical medicatiosn, phototherapy, immunosuppressants at biological drugs. Maraming taong may eczema ay nakakatagpo ng tagumpay sa isang pagsubok sa mga natual at alternative na treatments.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilang pamamaraan upang manage ang eczema lalo na kapag nagpapakita ang mga sintomas nito:

  • Alamin ang mga bagay na nagpapa-trigger sa iyong eczema upang maiwasan mo ang exposure rito.
  • Mag-implement ng araw-araw na pagliligo at moisturizing routine.
  • Gamitin ang mga over-the-counter at prescription ng iyong doktor ng tuloy-tuloy.

Kaya sa tanong kung nakakahawa ba ang eczema, ang malinaw na sagot ay hindi. Hindi nakakahawa ang eczema. Subalit ito’y pang habambuhay na na kundisyon sa balat ng isang tao. May mga pamamaraan lamang upang maibsan at maiwasan ang pagkakaroon ng sintomas nito.

 

Source:

healthline,

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Marhiel Garrote