Paano naihahawa ang sakit na TB o tuberculosis?

undefined

Narito kung paano kumakalat ang sakit na TB at paano mapoprotektahan ang pamilya mo mula sa sakit.

Nakakahawa ba ang TB o tuberculosis? Kung isa ito sa tanong na gumugulo sa isip mo. Narito ang mga sagot mula sa mga credible health sources mula sa buong mundo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Patungkol sa sakit na tuberculosis
  • Uri ng tuberculosis
  • Sintomas ng tuberculosis

Ano ang sakit na TB o tuberculosis?

Ayon sa CDC, ang TB o tuberculosis ay isang uri ng sakit na dulot ng bacteria na kung tawagin ay Mycobacterium tuberculosis. Ang bacteria na ito madalas na umaatake sa lungs o baga ng isang tao. Subalit maaari ring maapektuhan nito ang iba pang bahagi ng katawan tulad ng kidney, spine at utak.

Ang tuberculosis ay isang seryosong sakit at maaaring itong maging mapanganib kung hindi malulunasan. Sa katunayan, isa ito sa itinuturing na top 10 deadly disease sa buong mundo. Base nga sa tala ng World Health Organization o WHO, may 10 milyong tao sa mundo ang naitalang nakaranas ng sakit na TB o tuberculosis nitong 2019. Nasa 1.4 milyon rito ang nasawi dahil sa sakit.

Nakakahawa ba ang TB

Medical vector created by brgfx – www.freepik.com 

Nakakahawa ba ang TB o tuberculosis?

Dagdag pa ng CDC, ang sakit na TB ay nakakahawa. Ang bacteria nito’y naikakalat sa hangin tuwing ang taong infected ng sakit ay nagsasalita, umuubo o kumakanta. Kapag ang bacteria nito na humalo sa hangin ay nalanghap ng taong kasama ng may TB malaki ang posibilidad na ito’y mahawaan na ng sakit.

Paglilinaw ng CDC, tanging sa pamamagitan lang ng nalanghap na bacteria ng TB maihahawa ang sakit. Hindi maihahawa sa pamamagitan ng paghalik, paghawak sa kamay, pag-share ng pagkain at inumin o pag-share ng toothbrush, kumot o unan. Kaya naman kadalasan, ang nahahawaan ng sakit na ito’y ang mga madalas na nakakausap ng taong infected ng sakit. Maaaring ang mga kasama niya sa bahay o trabaho.

BASAHIN:

Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

6 easy tips upang lumakas ang baga

6-month-old baby na may sakit sa puso at baga, nalabanan ang COVID-19

Dalawang uri ng TB

Paliwanag pa ng CDC, hindi lahat ng infected ng sakit na TB o tuberculosis ay nagkakasakit. Mayroong ilang kaso nito ang nanatiling healthy o malusog. Kaya naman ang tuberculosis ay nahahati sa dalawang uri. Ito ay ang latent TB at active TB.

Ang latent TB ay ang uri ng sakit na kung saan ang bacteria ay nasa katawan na ng isang tao ngunit nanatili sa inactive state o hindi nagdudulot ng anumang sintomas ng sakit. Sa latent TB, ang taong infected ng sakit ay hindi nakakahawa.

Kung ang latent TB ay hindi naagapan o napabayaan ito ay maaring mauwi sa active TB. Ito ang pangalawang uri ng TB na kung saan nagsisimula ng magkasakit ang taong infected ng TB bacteria. Dito na siya maaaring maging nakakahawa at makaranas ng mga sumusunod na sintomas ng TB disease.

Sintomas ng tuberculosis

Nakakahawa ba ang TB

Medical photo created by freepik – www.freepik.com 

  • Ubo na tumatagal ng 3 linggo o higit pa.
  • Pananakit ng dibdib.
  • Pag-ubo na may kasamang dugo o plema.
  • Panghihina o labis na pagkapagod.
  • Pagkapayat o biglaang pagbawas ng timbang.
  • Kawalan ng gana kumain.
  • Chills o pangangatog ng katawan.
  • Lagnat.
  • Pagpapawis sa gabi.

Sa oras na makaranas ng mga nabanggit na sintomas ay dapat magpunta na agad sa doktor. Upang malaman ang tunay mong kalagayan at ito ay agad na malunasan.

Paano nalalamang positibo sa sakit na TB ang isang tao at paano ito nalulunasan?

Para matukoy kung positibo sa sakit na TB ang isang tao ay kailangan niyang sumailalim sa mga test. Tulad ng TB skin test, blood test at analysis ng kaniyang sputum. Saka siya kukunan ng chest X-ray para malaman kung anong klaseng TB ang mayroon siya. Sa oras na makumpirmang infected nga siya ng sakit ay dapat agad na siyang simulang gamutin.

Nakakahawa ba ang TB

Photo by Anna Shvets from Pexels

Pagdating sa lunas ng sakit ay naiiba-iba ang ibinibigay na medikasyon base sa uri ng TB na tumama sa isang tao. Ngunit madalas ito ay kombinasyon ng mga gamot na isoniazid, rifampin, ethambutol, at pyrazinamide. Ang mga gamot na ito ay kailangang inumin ng 6-9 buwan depende sa edad at lala ng TB na ang nararanasan.

Paano maiiwasan ang TB?

Sa ngayon, ang pangunahing paraan upang maiwasan ang sakit na TB ay sa pamamagitan ng pagbabakuna. Ang bakuna para sa TB ay tinatawag na Bacillus Calmette-Guerin o BCG vaccine. Ito ‘y ini-rerekumendang ibigay sa sanggol, ilang araw matapos siyang maipanganak hanggang siya ay mag-anim na buwang gulang. Maaari rin itong ibigay sa mga matatanda na edad 35 pababa na hindi positibo o hindi infected ng TB bacteria.

Pero kung wala pang bakuna laban sa TB, mas mabuting umiwas sa matataong lugar o manatili sa mga kwartong well-ventilated. Dahil ang TB bacteria ay mas mabilis kumalat sa mga confined spaces na mas kaunti ang hangin. Ipinapayong gawin ito ng mga taong mas mataas ang risk na makuha ang sakit o ang mahina ang immune system. Ang mga taong ito ay ang sumusunod:

  • May sakit na HIV o AIDS
  • Nakakaranas ng sakit na diabetes
  • May severe kidney disease
  • Mayroong head and neck cancers
  • Sumasailalim sa cancer treatment o chemotherapy
  • May mababang timbang o poor nutrition
  • Umiinom ng mga gamot para sa organ transplants.
  • Ganoon rin ang iba pang gamot para sa rheumatoid arthritis, Crohn’s disease, at psoriasis.
  • Mga sanggol na wala pang bakuna laban sa sakit.

 

Source:

Healthline, Mayo Clinic, WebMD, CDC, WHO

Photo:

Cover photo created by jcomp – www.freepik.com

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!