2-anyos, muntik ng mabutas ang lalamunan matapos makalunok ng maliit na baterya

Narito ang dahilan kung bakit dapat itabi ng mga magulang ang mga laruan o gamit na may baterya mula sa maliliit na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakain ng baterya ang isang 2-anyos na bata na muntik niya ng ikamatay kung hindi agad natukoy at naagapan.

Batang nakakain ng baterya

Hindi maipaliwanag ng 29-anyos na inang si Kirsty Duffy ang mararamdaman niya sa tuwing makikitang masaya at masigla ang 2-anyos niyang anak na si Elsie-Rose. Ito ay dahil ilang linggo lamang ang nakakaraan ay muntik ng mawala sa kaniya ang anak.

Kuwento ni Kirsty ay hindi niya malilimutan ang oras na sinabihan siya ng mga doktor na kailangan niya ng bigyan ng kaniyang “one last kiss” ang anak bago ito sumalang sa operasyon. Dahil sa hindi niya pa alam kung paano nangyari ay nakalunok at nakakain ng baterya ang anak na halos bumutas sa kaniyang lalamunan.

Mabuti na nga lang daw at may matagal ng naka-schedule na appointment si Elsie-Rose sa kaniyang doktor dahil sa kaniyang poor eating habits. Dahil kung hindi ay walang ideya ang kaniyang ina na si Kirsty na ito pala ay nakakain ng baterya. Isang pambihirang pagkakataon at itinuturing na himala ng mga doktor na nalampasan ng bata.

Image from DailyMail UK

Peligrong dulot ng nalunok na baterya

Ayon sa mga doktor na tumingin kay Elsie-Rose, tinatayang wala pang 24-oras ng malunok ng bata ang baterya ng ito ay matuklasan. Dahil kung hindi, sa loob ng 24 oras ay hahalo ang electricity mula sa lithium battery sa laway ng bata na mag-poproduce ng caustic soda at bubutas ng tuluyan sa kaniyang lalamunan na maari niya ring ikamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Button batteries are incredibly dangerous and can cause severe injury within hours of young children swallowing them.”

Ito ang pahayag ni Dr. Mike Thompson, ang consultant pediatrician na tumingin kay Elsie-Rose sa Sheffield Children’s NHS Foundation.

Paniniwala ni Dr. Thompson ang lithium battery na nalunok ni Elsie-Rose ay maaring galing sa isa sa kaniyang mga laruan.

Ito din ang hinala ng kaniyang ina na si Kirsty na hindi inakala ang peligrong dulot ng maliit ngunit mapanganib palang baterya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“In no way would I have thought batteries would be a good thing to swallow, but never would I have thought that it could kill a child. It is so important that parents keep these out of reach of children.”

Ito ang na-realize at pinapaalala ni Kirsty ngayon sa ibang mga magulang.

Paalala ng mga eksperto

Para naman kay Katrina Phillips, chief executive ng Child Accident Prevention Trust ang nangyari kay Elsie-Rose ay isang milagro. Dahil ang lithium coin cell battery na nalunok niya ay maaring magdulot ng internal bleeding na puwede niyang ikinamatay kung hindi agad naalis sa pagkaka-stuck sa kaniyang lalamunan. Kaya naman siya ay may babala at paalaala sa mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Symptoms often aren’t obvious until it’s too late, which is why a battery can go undetected for so long. That’s why it’s so important to know where powerful lithium coin cell batteries are in your home – in products as well as spare and “flat” batteries – and keep them well out of reach of small children.”

Ito ang pahayag ni Phillips.

Dagdag na payo naman ni Dr. Thompson sa mga magulang, itago ang mga laruan na battery operated sa mga lugar na hindi makikita o maabot ng mga bata. At kung may suspetsa na nakakain ng baterya ang iyong anak ay agad na pumunta sa pinakamalapit na ospital o emergency department para ito ay agad na matanggal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin dapat bigyan ng kahit anong tubig o pagkain ang sinumang hinihinalang nakalunok o nakakain ng baterya. Ito ay para maiwasan ang iba pang peligro o damage na maaring maidulot ng nalunok na baterya sa katawan habang wala pang treatment o lunas na ibinibigay sa biktima.

Kaya para makasigurado, itago ang mga gamit o laruan na de-baterya mula sa maliliit na bata na madalas na naging biktima ng mga ganitong uri ng sakuna.

Source: DailyMail, Fox News

Basahin: Babala sa magulang: Huwag hayaang maglaro ng baterya ang inyong anak

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement