Pagpapabakuna ng flu shot, hindi nakakapagpalaglag ayon sa mga eksperto

Walang dapat ipangamba ang mga nagdadalantao sa pagpapabakuna ng flu shot ayon sa mga eksperto. Alamin kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Talaga nga bang nakakapagpalaglag ang bakuna? Ang sagot ng mga eksperto ay hindi.

Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral ng mga researchers na kanilang ipinresenta kamakailan sa Advisory Committee on Immunization Practices ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Ligtas ang pagpapabakuna kahit buntis

Inilabas ang resulta ng pag-aaral matapos na dumami ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon na nakakapagpalaglag ang bakuna.

“This is a very definitive study for a recent, relevant time period of flu and should remove all doubts a woman might have about whether it is safe to be vaccinated during pregnancy,” sabi ni Dr. Edward Belongia, director ng Center for Clinical Epidemiology and Population Health sa Marshfield Clinic Research Institute in Wisconsin.

Hindi lamang ligtas ang pagpapabakuna, kinakailangan din ang bakuna sa mga buntis. Ipinunto sa CDC guidelines ang importansya nito sa pagdadalantao.

“There’s lots of evidence of the severity of flu for a pregnant woman, more chance of hospitalization, more risk of death, especially as she enters the second and third trimester,” sabi ni James Donahue, senior epidemiologist at lead investigator sa Marshfield Clinic Research Institute.

“There are also many studies that show the mother’s vaccination will help protect the newborn baby from flu, which is critical since the baby cannot be vaccinated until 6 months of age,” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi nakakapagpalaglag ang bakuna

Sina Dr. Belongia at James Donahue ang inatasan ng Centers for Disease Control and Prevention na gumawa ng imbestigasyon kaugnay sa naunang pag-aaral na ginawa noong taong 2010-2011 at 2011-2012. Una kasing lumabas sa resulta ng 2010-2011 at 2011-2012 reports na maaaring may kinalaman ang flu shots sa ilang miscarriages report noon at nakakapagpalaglag ang bakuna.

“Those results were unexpected, and we weren’t convinced they represented a causal association. So we designed another study that was much larger to investigate the unusual finding,” sabi ni Donahue.

Ang unang lumabas na resulta ng pag-aaral ay taliwas sa mga naunang research na nagpapatunay na walang kinalaman ang bakuna sa miscarriages ng ilang kababaihan.

Bukod dito, kokonti lamang ang respondents na kinuha sa pag-aaral kaya sinubukan nilang pag-aralan ang mga case studies sa mga sumunod na batch.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinag-aralan nila ang mga batch na 2012-2013, 2013-2014 at 2014-2015 nang hiwa-hiwalay at magkakasama. Ang mga respondents na kinuha sa mga batch na ito ay tatlong beses na mas marami kumpara sa 2010-2011 at 2011-2012 batch.

“We looked at more current seasons. We matched on previous season’s vaccination status and matched tighter on age groups, with three age groups instead of two,” sabi ni Donahue.

Pinag-match nila ang 1,236 na pares ng kababaihan na sa bawat pares ay may isang nakunan sa pagitan ng 6 at 19 linggo at ang isa naman ay matagumpay na nakapagsilang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kanila ring pinag-pares ang mga kababaihan na nagpabakuna bago magdalantao at mga kababaihan na hindi nagpabakuna. Nakakuha sila ng 627 pares ng nabakunahan at 609 pares ng hindi nabakunahan.

Lumabas sa resulta na walang kinalaman ang influenza vaccine sa pagkakaroon ng panganib ng miscarriage ng mga buntis sa unang 28 araw mula ng pagpapabakuna. Wala ring koneksyon ang miscarriage at bakuna sa ika-29 at ika-56 araw na risk window at sa mga sumunod pang araw.

“It didn’t seem to matter which season of flu or whether they were vaccinated in the prior season or not. The odds ratios of having a miscarriage were pretty less than or close to one,” sabi ni Donahue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“In other words, the minor variations could be explained by chance. There was nothing that might show an association caused by the influenza vaccine,” sabi ni Dr. Belongia.

“The findings provide a high level of reassurance regarding the safety of influenza vaccine in early pregnancy and through pregnancy and support the current recommendations of an influenza vaccination for all pregnant women,” dagdag ni Donahue.

 

Source: CNN, CDC

Images: Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN: STUDY: Bakuna sa tigdas (MMR), hindi nagdudulot ng autism