Nakakapayat ba ang pagpapasuso?

Bakit may mga nanay na mabilis pumayat matapos manganak, habang ang iba naman ay hirap kahit pareho silang breastfeeding? Nakakapayat ba ang pagpapasuso?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakapayat ba ang pagpapasuso?

Bakit may mga nanay na mabilis pumayat matapos manganak, habang ang iba naman ay mas hirap kahit pareho silang breastfeeding? Nakakapayat ba ang pagpapasuso? Bukod sa pagbibigay ng nararapat na nutrisyon sa iyong sanggol upang hindi ito magkasakit, ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa pagkabawas ng iyong timbang o pregnancy weight.

Kapag ikaw ay nagpapasuso, ang fat cells na nakaimbak sa iyong katawan habang ikaw ay buntis, gayon din ang calories mula sa iyong kinakain, ang ginagamit sa pag-produce ng gatas at pagpapadede ng iyong anak.

Ang pagbawas ng timbang ang maaaring mangyari kung susundin ang recommendation na kumain ng karagdagang 300 hanggang 500 calories kada araw upang ma-maintain ang iyong lakas at milk production.

Nakakapayat ba ang pagpapasuso? | Image from Freepik

Ngunit kadalasan, matapos ang agad na pagkabawas ng timbang na naglalaro sa 15 pounds o 5.8 kilograms, nagiging mas marahan na ang weight loss. Ito ay nasa isa hanggang dalawang pounds o 0.45 hanggang 0.9 kilogram kada buwan, sa unang anim na buwan matapos manganak. Kadalasan ay umaabot ng anim hanggang siyam na buwan bago tuluyang mawala ang nadagdag na timbang sa pagbubuntis.

Pwede ba mag diet ang nagpapadede?

Ang pagpayat matapos manganak ay hindi lamang nakasalalay sa iyong pagpapadede. Upang mapatunayan kung nakakapayat ba ang pagpapasuso, may mga lifestyle and diet changes na puwedeng gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kumain ng whole grains tulad ng oatmeal, brown rice, whole wheat pasta o bread.
  • Kumain ng maraming prutas at gulay.
  • Uminom ng maraming tubig.
  • Iwasan ang added sugars at saturated fats na nakukuha mula sa soft drinks, desserts, pritong pagkain, cheese, whole milk, at matatabang karne.

Kung pagkatapos ng anim na buwan ng pagpapasuso ay mas nais mo pang mabawasan ang iyong timbang, puwedeng mas i-restrict ang calories mo kada araw, dahil sa panahong ito nagsisimula nang kumain ng solid food si baby kasabay ng kanyang pagdede.

Makakatulong din ang moderate physical activity kung ikaw ay nagpapasuso.

Bakit tumataba pagkatapos manganak? | Image from Jernej Graj on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Puwede bang mag-exercise habang nagpapasuso?

Walang masamang epekto ang pag-eehersisyo sa pagpapadede, kung ang dami at composition ng gatas ang pag-uusapan. Wala ring epekto sa paglaki ni baby ang pa-eexercise habang breastfeeding. May ilan lamang pag-aaral na nagsasabing ang high-intensity exercise ay nagdudulot ng dagdag na lactic acid sa iyong gatas kaya minsan ay nagiging maasim ang lasa nito dahilan upang ayawan ni baby, ngunit madalang itong mangyari. Ang tanong, pwede ba mag diet ang nagpapadede?

Kung mag-eexercise habang nagpapadede, mainam kung padedehin si baby bago mag-work out, o kung mag-pump na ng gatas bago mag-work out.  Puwede rin namang mag-exercise muna, maligo, mag-express ng onting amount, at matapos ang kalahati o isang oras, saka mag-direct feed kay baby.

Depende kung gaano kakumplikado ang iyong panganganak, maaari nang magsimulang mag-exercise ilang araw matapos ang iyong delivery. Kung ikaw ay nanganak via C-section, nagkaroon ng vaginal repair at iba pa, makipag-usap sa iyong doktor kung kailan ka puwedeng magsimula.

Simulan sa low-impact na aktibidad gaya ng paglalakad sa iyong bakuran o neighborhood. Kung mas nakakatulong sa iyo ang may kasabay mag-exercise, puwedeng ma-enroll sa gym o hanapin kung may libreng klase sa inyong barangay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede ba mag diet ang nagpapadede? | Image from Alex Pasarelu on Unsplash

Mga ehersisyong puwedeng simulan:

1. Pelvic tilt

Subukan ito ilang beses isang araw upang mapalakas ang iyong abdominal muscles. Humiga at i-bend ang iyong tuhod, habang nakalapat ang mga paa sa sahig. Patigasin ang abdominal muscles at iangat nang bahaygya ang iyong pelvis mula sa sahig. I-hold nang 10 segundo. Ulitin nang limang beses, at dahan-dahang iangat ang bilang ng pag-ulit habang tumatagal.

2. Kegel exercise

Gawin ito upang palakasin ang iyong pelvic floor muscles, na sumusuporta sa iyong uterus, bladder, small intestine, at puwit. I-contract ang iyong pelvis muscles, na parang nagpipigil ng agos ng ihi. I-hold ito nang 10 segundo saka i-release, at mag-relax nang 10 segundo. Ideally, dapat ay maka-tatlong sets ng 10 ulit kada set sa isang araw. Huwag itong gawin habang umiihi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguraduhing mag-warm up at mag-cool down, uminom ng maraming tubig, huwag biglain ang iyong katawan, at itigil kung nakaramdam ng anumang sakit sa katawan.

 

Sources: 

Mayo Clinic

Basahin:

Pagiging payat, nasa DNA ng tao—ayon sa isang pag-aaral

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Romy Peña Cruz