Nakakasira sa relasyon ang pagbali ng tiwala ng iyong partner. Bakit nga ba big deal kapag ikaw ay nagsimulang kumausap ng iba?
Bakit nakakasira ng relasyon?
Image from Freepik
Dahil mararamdaman ng iyong partner na hindi ka na kuntento na siya lang ang iyong kausap. Magsisimula siyang mag-isip isip kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi tama na makipag-usap lang basta kahit sa kaibigan mo pang sobrang kakilala mo na, kung ganito ang mga sumusunod niyong topic.
Messages na hindi dapat i-send ng mga taong kasal na
1. Flirty texts
Malamang lang ay hindi ka na dapat nakikipag-flirt sa iba kapag ikaw ay may asawa na. Kahit pa sabihin mo na iyong mga texts ay friendly lang, alam mo dapat kung saan ang boundaries mo at kailan nagiging flirty na ang “friendly”.
2. Pagkumusta sa ex
Bakit mo pa ba ito kailangang gawin? Interesado ka pa ba sa nangyayari sa kanya o nagpapapansin ka ba para balikan ka niya?
3. Complain tungkol sa iyong asawa
Kahit ang rants mo tungkol sa iyong asawa ay dapat sa inyo na lang. Hindi mo dapat inilalaglag ang iyong asawa sa ibang tao dahil pride at reputasyon niya ang pinag-uusapan dito.
4. Tungkol sa inyong problema
Huwag din mag-share ng inyong mga personal na problema dahil kung may makakaalam niyan ay dapat kayo lang. Mas maiging mapag-usapan ang mga ito para maresolba kaagad.
5. Angry message
Iwasan din mag-text ng mga tao kapag ikaw ay galit. Sa kasong ito, hindi lang sa ibang tao ka hindi dapat magsend nito. Maging sa iyong asawa. ‘Wag kang mapangunahan ng galit, dahil importante sa relasyon na maging pasensosyo at maunawain.
6. Personal na impormasyon tungkol sa inyong pamilya
Kung kayo ay may mga anak na o kahit wala pa, ugaliing gawing private lang ang mga personal niyong impormasyon. ‘Wag mong ilagay sa peligro ang inyong buhay. Dahil sa panahon nga ngayon, lahat ay nasa Internet na kaya naman dapat ay pangalagaan mo ang inyong privacy.
7. Sexually explicit images
Higit sa lahat, ‘wag na ‘wag kang magse-send ng mga ganitong larawan. Ito ay form of cheating na at isipin mo na lang ang mararamdaman ng iyong asawa sakaling malaman niya na ginagawa mo ito.
Hindi naman kailangang maging masyadong mahigpit sa iyong asawa. Sa katunayan, mas nagtatagal ang mga relasyon na may open communication. Mahalaga na nagkakaintindihan kayo pagdating sa mga bagay na hindi mo na dapat gawin. Iwasan na ang sa tingin mong makakapaglagay ng bahid sa inyong relasyon.
Narito ang mga puwede mo pang gawin
Mapa-trabaho man yan o sa para sa iyong kalusugan ay mga pagbabagong lahat tayo ay dapat pagdaanan para sa mas maganda at better version ng ating sarili. Gano’n din sa relasyon natin sa ating asawa.
Aminin mo man o sa hindi ay mga pagkakamali kang kailangan mong tanggapin at itama para makaiwas sa problemang maaring maging banta sa inyong pagsasama. Ilan nga sa mga ito ay sa iyong pag-uugali o pakikitungo sa iyong asawa. Para mas maliwanagan, narito ang ilan sa mga dapat mong baguhin sa iyong sarili para sa mas masaya ninyong relasyon ng iyong asawa.
Photo: Pixabay
Mga dapat baguhin sa sarili para sa mas masayang relasyon
1. Mag-focus sa positive sides ng partner mo.
Ayon kay Dr. Lena Aburdene Derhally, isang relationship therapist, kalimitan ang mga couples na matagal ng magkasama ay madalas na tumitingin o nagfo-focus sa maling ginagawa ng kanilang partner kesa sa mga positive at tamang ginagawa nito para sa kanila.
Sa pagdaan daw ng panahon, ang maling gawing ito ay maaring magdulot ng resentment o sama ng loob. Kaya naman mas maigi na tingnan ang mga magagandang ginagawa ng partner mo para sa iyo at maging vocal at i-recognize ito.
Tulad ng pagpapasalamat sa simpleng pag-timpla ng kape mo o iba pang bagay na nakakatulong sa iyo. Sa ganitong paraan ay nararamdaman ng iyong partner na siya ay iyong na-appreciate at mas lumalim ang connection ninyong dalawa. At sa tuwing may hindi kayo pagkakaintindihan o may pagtatalo, ay laging isipin ang magagandang pinagsamahan at positive sides ng partner mo para marefresh ka at mas umigting ang pagmamahal mo sa kaniya.
2. Magsabi ng kung ano ang kailangan mo.
Kahit matagal na kayong magkasama, hindi kayang basahin ng partner mo ang nasa isip mo, ayon iyan sa New York based-psychotherapist na si Dr. Rachel Wright. Kaya naman kung mayroon kang kailangan o gustong ipaalam sa partner mo ay dapat sabihin mo ito.
Huwag mong hayaang hulaan niya kung ano ang dapat niyang gawin. Dapat baguhin sa sarili ang pagiging maligoy. Bigyan mo siya ng opportunidad na tulungan o pagsilbihan ka sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya mapa-gawaing bahay man niyan o usapang sex life na.
3. Matutong makipag-communicate.
Ayon parin kay Dr.Wright, ang pagpasok sa isang relasyon ay walang training. Habang nasa loob nito ay doon ka matuto at dito mo malalaman kung ano ba ang hindi o dapat gawin na nakadepende sa pangangailangan ng inyong relasyon.
Ngunit para mas matuto at magtagumpay sa isang relasyon ay dapat baguhin sa sarili ang pagiging sarado—dapat marunong kang makipag-communicate o ang pagsasabi sa tamang paraan ng nararamdam mo.
Sa isang relasyon upang maiwasan ang isang problema ay dapat iwasan mo ang paggamit ng mga “you” statements lalo na sa isang pagtatalo. Imbis ay gamitin ang mga “I” statements para mabawasan ang tunog na tila sinisisi mo ang iyong partner sa mga gulo ng pagsasama ninyo.
4. Sumubok ng bago o kakaiba sa sex life ninyo.
Ang sex ang isa sa nagpapatibay ng isang relasyon. Ito rin ang isang paraan kung saan naipapakita o naipaparamdam ang pagmamahal o intimacy ng isang couple. Kaya naman dapat ang isang magkapartner ay laging excited at may oras para gawin ito.
Ayon nga kay Dr. Zhana Vrangalova, ang pagsubok sa ibang bagay o paglabas sa sexual comfort zone mo ay makakatulong para mas maging masaya at exciting ang pagsasama ninyong mag-asawa. Maari mong kausapin ang partner mo tungkol dito.
Pupuwedeng sumubok kayo ng bagong sex position o hindi kaya naman ay gumamit ng sex toys o gawin ang mga sexual fantasies ninyo na komportable sayo at sa partner mo.
5. Mag-couple’s therapy o counseling kahit walang problema.
Lingid sa inaakala ng nakararami, ang pagdaan sa isang couple’s therapy o counseling ay hindi lamang para sa mga magkarelasyon na may problema.
Ayon kay Dr. Geoffrey Steinberg, isang psychologist, ito ay isang paaran para mas lumalim ang connection ng isang magkarelasyon at mas tumibay ang kanilang pagsasama. Sa pamamagitan ito ng pagharap sa mga issues ng magkasama na walang kinalaman sa hiwalayan.
Kung sakaling kayong dalawa ng partner mo ay nagplaplano ng second step sa inyong relasyon gaya ng pagpapakasal o pagiging engage mas mabuting dumaan muna kayo sa counseling ng magkasama para ma-set ang expectations niyo sa isa’t-isa.
Ang isang masayang relasyon ay nakadepende sa dalawang taong nasa loob nito. Hindi naman kinakailangan na baguhin mo kung sino ka para sa isang relasyon. Bagkus ay maging bukas ka samga dapat baguhin sa sarili para mapagbigyan ang demands ng inyong pagsasama. Dahil ang pakikipagrelasyon nga raw ay isang mutual agreement na kung saan ang dalawang taong mayroon nito ay pantay na nagbibigay at tumatanggap.
SOURCE: TheAsianParent
BASAHIN: ALAMIN: Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!