Nakapagluto pa ako ng sopas, manganganak na pala ako

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat tayong mga ina ay may kanya-kanyang karanasan sa panganganak, mayroong mabilis at mayroon din namang matagal.

Ako si Aji at ito ang aking karanasan sa aking panganganak. Bago ang lahat, ako nga pala ay unang beses na naging ina.

ika-3 ng Disyembre, taong 2021, tuwing umuuwi ang aking asawa ay nakaugalian ko na magluto ng hapunan para sa amin. Nakabili na ako ng mga rekado ng sopas at nakapagluto na ako. Masaya kaming kumain ng sopas bilang aming hapunan. Nagtatawanan pa at nag-uusap tungkol sa naging araw naming dalawa.

Pagkatapos kumain ay agad akong pumunta sa palikuran at bumungad sa akin ang dugo sa aking underwear na tinatawag nilang sumilim dahil kabuwanan ko na.

Sinabi ko agad ito sa asawa ko, siya naman ay nataranta dahil hindi raw normal ang pagdurugo sa buntis, marahil may alam din siya dahil isa siyang nurse.

Maya’t maya ko naman inoobserbahan ang dami ng dugo na lumalabas sa akin dahil ni wala akong maramdamang contractions o sakit dulot ng labor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami rami nang dugo ang lumabas na parang kulay cranberry.

Hindi ko na pinatagal pa at tumawag na kami ng ambulansya. Dinala ang mga nakaimpake kong mga gamit at agad akong dinala sa lying-in, pagkatapos ako ay nagpa-internal examination sa kumadrona at sinabing ako pala ay nasa 4-5cm na.

Hindi na ako pinauwi pa sa lying-in. Kada dalawang oras ang IE sa akin magdamag. Totoong masasabi mo ang hirap ng isang ina bago manganak noon. Naisip ko na wala pa ako sa kalahati ng panganganak ko pero suko na agad ako sa IE pa lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa hinintay na lamang ako ay mag 9-10cm para ilagay sa delivery room.

Bago iyon ay yumakap pa ako ng mahigpit sa aking asawa, alam naming ang panganganak ay mistulang nasa hukay ang isang paa ng ina pero mabait ang Diyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Disyembre 4, 2021 matagumpay na nai-normal delivery ko ang aking sanggol na may bigat na 2.6kg ng 37 linggo at 3 araw.

Sa pagbubuod ay mayroon pa lang mga kagaya ko na walang sakit na nararamdaman hanggang sa mag 8 cm. Isang normal na araw na nagluto pa ako ng masarap na sopas bago ang araw ng panganganak ko.

Kaya naman sa mga nagdadalang-tao ay agad magpatingin sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman o nangyayari sa pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

aji adriatico