4 na downside kapag nakikitira sa bahay ng biyenan

Ikaw, kumusta ang relasyon ninyo ng biyenan mo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakikitira sa bahay ng biyenan? Narito ang karanasan ng isang netizen na nagpapakita na mas maganda pa rin ang nakabukod kung may sariling pamilya na.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento at karanasan ng isang netizen sa pagtira sa iisang bubong kasama ang kaniyang biyenan.
  • Apat na dahilan kung bakit hindi magandang ideya ang nakikitira sa biyenan.

Isa na ata sa pagsubok na mararanasan sa pag-aasawa ay ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa mga biyenan. Dahil minsan ayaw mo man sa kanila o hindi ay kailangan mo silang tanggapin at intindihin. Sapagkat sila ang magulang at pamilya ng pinili mong maging kabiyak sa iyong buhay.

May mga mag-asawa namang suwerte sa mga biyenan nila. Pero marami ang tila hindi pinalad na magkaroon ng biyenan na hindi makikialam sa buhay at pagpapamilya ng anak niyang may asawa na.

Para sa iba, ang bawat okasyon na makikita nila ang kanilang biyenan ay kasumpa-sumpa na. Paano pa kaya kung ang biyenan ay kasama mong nakatira sa iisang bubong at araw-araw mong nakikita?

Para sa isang inang netizen, ito ang pinaka-pangit na ideyang ginawa nilang mag-asawa. Sapagkat mula sa privacy, space at pagiging magulang sa anak nila ay pinanghihimasukan ng biyenan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by rawpixel.com – www.freepik.com 

Kuwento ng isang netizen na nakikitira sa biyenan niya

Ayon sa netizen na ibinahagi ang kaniyang kuwento sa Reddit, mahal at gusto niya ang biyenan niya. Pero ito ay walang konsepto ng boundaries at pinanghihimasukan ang buhay nilang mag-asawa.

Sa sobrang pushy at nosy nga umano ng biyenan niya ay sumuko na lang ang mister niya at sinabing mabuting sumunod na lamang sa gusto nito para walang problema.

Pero para sa inang netizen na mahalaga ang konsepto ng privacy ay hindi ito nakakatuwa at ito ay nagdudulot na ng mental stress sa kaniya.

Paliwanag ng netizen, masyado ng nakikialam ang biyenan niya. Hanggang sa pagdidisiplina sa anak niya ay pinanghihimasukan na nito, habang isinasantabi ang role niya na pagiging ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit nga umano ang mothering moments niya sa kaniyang anak ay inaagaw narin nito. Pati na nga ang personal niyang buhay ay hindi nakaligtas sa pakikialam nito.

Pagsasalarawan ng netizen, masyadong maliit ang bahay na tinitirhan nila. Masyado ring manipis ang mga dingding nito, kaya naman konting kibot dito ay maririnig agad ng biyenan niya.

Kaya naman ang ending papasok ito at agad na makikialam sa eksena. Ito umano ang problema sa biyenan niya. Lahat na lang gustong pakialaman at hindi na ginalang ang boundaries nilang mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ng netizen, noong una pa lang ay nag-set na siya ng boundaries sa pagitan ng kaniyang biyenan at iba pang mga in-laws niya. Pero ito ay minasama ng mga ito, kaya naman may lamat na ang samahan nila.

Sa awa ng Diyos, kahit papaano naman umano ay umaalma ang mister niya sa mga paandar ng ina nito. Bagama’t ito umano ay hindi pa sapat para sa kaniya.

Lalo na sa parte kung paano niya pinalalaki ang mga anak niya at kung paano nito kinukuwestyon ang parenting methods niya sa harap ng mga ito.

Reaksyon ng mga netizens

Maraming netizens ang nagpakita ng suporta sa inang nakikitira sa biyenan niya. Ito nga ang sinabi at payo ng isa sa mga netizens sa kaniya.

“Ang tanging solusyon lang sa problema mo ay ang hindi na makasama sa iisang bubong ang biyenan mo. Alam ko minsan mahirap, pero kailangan mo itong gawin na may kaakibat na sakripisyo. Ang isang tahanan ay dapat isang peaceful na lugar pero kung ang biyenan mo ay hindi peaceful na tao, ito ay malabo.”

Mahalaga talaga na bawat pamilya ay magkaroon ng sarili nilang space para mag-grow, nurture at mag-develop. Bagama’t ang mga magulang o in-laws ay parte ng inyong pamilya, hindi naman katanggap-tanggap ang pakikialam nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ibig sabihin nito na lahat ng mag-asawa ay may problema sa mga biyenan nila. Pero para maiwasan ang problema mas mabuti na ang bumukod o humiwalay para sa kapayapaan ng bawat isa. Upang mapanatili pa ang maayos na relasyon at samahan sa pagitan ng pamilya.

Narito nga ang apat na dahilan kung bakit ang pagtira kasama ang biyenan sa iisang bubong ay hindi magandang ideya.

BASAHIN:

17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan

10 tips para masolusyunan ang problema sa biyenan

“Tinawag na ‘pagkakamali’ ng biyenan ko ang anak ko”

4 na dahilan kung bakit hindi magandang ideya ang nakikitira sa biyenan

1. Wala kayong privacy.

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Bagong kasal man o hindi, ang bawat mag-asawa ay kailangan ng privacy. Hindi lang para maglambingan at magpakita ng pagmamahal sa isa’t isa kung hindi para narin magkaroon ng sarili nilang space na kung saan mapag-uusapan at mahaharap ang mga disagreements o pag-aaway nila.

Dagdag pa na ang mga couples o mag-asawa ay nais syempreng magsimula ng buhay na naayon sa gusto nila. Tulad na lang ng dekorasyon na ilalagay nila sa kanilang bahay o kaya naman sa mga pagkaing gusto nilang ihanda sa pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag kasama mo sa iisang bahay ang iyong in-laws ay hindi mo ito magagawa. Sapagkat sila mismo ay maglalagay ng sarili nilang rules at traditions na malamang sa hindi ay maaring salungat sa gusto o paniniwala mo at ng iyong asawa.

2. Hindi ka na makaangal dahil masyado ng palagay ang loob nila na makialam.

Maaring, oo kilala mo na ang biyenan mo at iba pang miyebro ng pamilya ng iyong asawa. Pero hindi mo pa sila lubos na makikilala hanggang sa hindi mo pa sila nakakasama sa iisang bubong. Doon mo makikita ang tunay na ugali nila.

Bagama’t mabuti na ituturing ka nilang hindi iba, may mga pagkakataon na hindi rin ito maganda. Halimbawa, dahil masyado ng palagay ang loob nila sa ‘yo ay inaasahan kang gumawa ng gawaing-bahay o mag-contribute sa gastos na pamilya.

Kapag hindi mo ito magawa ay may masamang masasabi sila. Ganoon din kapag umalma o kumontra ka sa gusto o paniniwala nila.

3. Mahilig silang magbigay ng unsolicited advice.

Dahil sa sila ang mga magulang mo sa loob ng bahay, asahan ng maliban sa komento ay may pa-advice lagi sila sa ‘yo. Ito ay kahit hindi mo naman hinihingi ang opinion nila sa problema mo.

Nasa sa ‘yo naman kung susundin mo ang payo nila o hindi. Pero minsan nakakainis na marinig na tila ba alam nila ang nararamdaman mo, kahit sa totoo ay hindi.

Sa oras pa nga na hindi ka sumunod sa payo nila ay siguradong may mga maririnig kang paninisi at komento. Subalit magkaganoon man, mali rin na agad na hindi pakinggan ang mga payo ng biyenan mo.

Sapagkat baka mukha man silang nakakainis kung minsan pero deep inside ay concern naman talaga sila sayo.

4. Nakikialam sila sa pagpapalaki mo sa anak mo.

Family photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Isa pa nga sa laging inirereklamo ng mga magulang partikular na nating mga ina ay ang mga mahilig mag-spoiled na lolo at lola. Lalo na sa tuwing dinidisiplina mo ang iyong anak at papasok sila sa eksena na parang magiging savior nila.

Dagdag pa ang pagbibigay ng mga gusto ng ating anak na iniiwasan nating kasanayan nila. Dahil bilang magulang ay may sarili tayong style ng pagpapalaki ng ating anak.

Kaya naman masakit para sa atin na nababalewala ito. Tila nasasapawan ang role natin bilang magulang sa ating anak, ganoon din ang boses natin sa sarili nating pamilya.

Sa kabuuan, para maiwasan ang mga problemang nabanggit ay mainam na bumukod nalang ang mag-asawa sa biyenan nila. Ito ay para hindi lang sa ikakatahimik ng buhay nila.

Kung hindi para ma-preserve rin ang maayos na samahan sa pagitan ng pamilya at hindi magkaroon ng isyu o samaan ng loob sa isa’t-isa.

Orihinal na nailathala sa wikang Ingles sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.