Nakuryente at binawian ng buhay ang ka-awa-awang sinapit ng isang bata mula sa bansang India dahil sa naiwang phone charger na nakasaksak pa.
Batang nakuryente dahil sa phone charger
Ayon sa mga reports, ang insidente ay naganap habang nagbabakasyon ang bata at kaniyang ina sa bahay ng kaniyang mga lolo at lola.
Matapos ang 100 kilometers na biyahe papunta sa bahay ng kaniyang mga grandparents ay iniwan umano muna ng ina ng bata na naglalaro itong mag-isa sa loob ng bahay.
Ayon sa report ng The Times of India, matapos mag-charge ay naiwan umano ng ina ng bata na nakasaksak pa ang phone charger sa electrical outlet. Nakita ito ng bata, pinaglaruan at sinubo. Dito na umano nakuryente ang bata.
Isa pang local newspaper, ang The Hindustan Times, ang nagsabing naisugod pa sa ospital ang bata ngunit hindi na ito umabot at agad na binawian ng buhay. Siya ay idineklarang dead on arrival sa ospital.
Ayon naman sa mga pulis mula sa Jahangirabad, India na kung saan nangyari ang insidente, sa ngayon ay hindi pa nagfi-file ng reklamo ang pamilya ng bata. Ngunit kung sakali daw na may lumapit sa kanila at mag-file ng complaint laban sa nangyari ay tutugunan nila ito ng ayon sa batas.
Walang malinaw na report kung ilang taon ang bata o kung babae man ito o lalaki.
Ngunit ang insidente ay isang paalala sa mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak. At maging mas mapanuri at maingat sa paggamit ng mga electrical devices at appliances. Ito ay para maiwasan mangyari ang trahedyang kumitil sa buhay ng isang walang muwang na bata.
Para sa kaligtasan ng inyong mga anak, narito ang electrical safety tips na dapat ninyong tandaan at gawin sa inyong bahay:
- Huwag hayaang magsaksak ng kahit anumang electrical appliances ang mga bata.
- Takpan din o lagyan ng covers ang mga electrical outlet sa inyong bahay para hindi ito mapaglaruan o kalikutin ng mga bata.
- Huwag ding hayaang magswitch-on ng ilaw ang mga bata lalo na kung basa ang kanilang mga kamay.
- Ipaliwanag sa kanila ang maaring mangyari kung sila ay maglalaro ng mga gamit na may kuryente.
- Turuan silang huwag gumamit ng appliances na basa ang kamay o paa.
- Bilang magulang, siguraduhing walang maiiwang nakasaksak na appliances na maabot ng iyong mga anak.
Source: News.com.au , TheAsianParent, Sun
Basahin: Grade 5 student, namatay matapos makuryente ng extension cord