Nalunok na buto ng manok, naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol

undefined

Sinong mag-aakalang dahil lamang sa nalunok na buto ng manok ay mamamatay ang isang taong gulang na sanggol na si Javen Lee Joaquin?

Hindi dapat hinahayaan na kumain ng kung anu-ano ang mga bata. Minsan baka makakain sila ng nakakalason sa kanila, o kaya naman ay bumara sa kanilang lalamunan at dito mahirapan silang huminga. Ganun na nga ang nangyari sa 1 taong gulang na bata dahil sa nalunok na buto ng manok.

Paano kaya ito nangyari, at paano ito maiiwasan ng mga magulang?

Nalunok na buto ng manok, naging sanhi ng pagkamatay ng bata

Nalunok na buto raw ng manok ang ikinamatay ng 1 taong gulang na sanggol na si Javen Lee Joaquin, mula sa Laoag, Ilocos Norte.

Ayon sa lola ng bata, kumakain daw sila ng tinolang manok nang mapansin ng ina ng bata may sinubo raw at nilunok ito. Dahil dito, agad dinala ng ina sa ospital ang kaniyang anak, upang malaman kung ano ang nalunok nito.

Ngunit pagdating sa ospital ay pinauwi rin ang mag-ina, at sinabing obserbahan daw muna ang bata. Ngunit pagdating ng hapon, lalong mas nahihirapan nang huminga si Javen, kaya’t bumalik ulit ang mag-ina sa ospital.

Dalawang oras daw sila nag-antay para sa doktor, ngunit nalaman na lang nila na nakauwi na daw pala ito. Sabi ng lola ng bata, hindi daw nila narinig na tinawag sila sa ospital.

Dahil sa kritikal na kondisyon ni Javen, inilipat siya ng ospital sa La Union. Dito, binigyan siya ng x-ray at natagpuan na may nalunok raw na matulis na bagay ang bata. Pinaghihinalaan ng pamilya na baka raw ito buto ng manok dahil tinola ang kanilang naging tanghalian.

Sa kasamaang palad, hindi na nagamot si Javen, at namatay siya ng 3am ng madaling araw.

Ayon sa doktor na tumingin kay Jayven, sinabihan daw niya ang ina ng bata na bumalik kaagad kung sakaling nahirapan itong huminga. Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng ospital ang insidente upang malaman kung sino ang dapat managot sa pagkamatay ng bata.

Bantayan ang mga kinakain ng iyong anak!

Bagama’t aksidente ang nangyari kay Javen, mahalaga pa rin na siguraduhin ng mga magulang na walang malulunok ang kanilang anak na posibleng bumara sa kanilang lalamunan. Heto ang ilang mahahalagang tips pagdating sa pagpapakain ng bata:

  • Siguraduhing malambot ang pagkain, at dapat maliliit ang mga piraso nito. Hiwain o himayin ang karne, gulay, atbp bago ibigay sa iyong anak upang masiguradong hindi sila mabubulunan dito.
  • Palaging bantayan ang iyong anak kapag kumakain. Mahilig sumubo ng kung anu-ano ang mga bata kaya dapat tutukan ng mga magulang ang nilulunok ng mga bata.
  • Kapag nabulunan ang iyong anak, puwedeng gawin ang tinatawang na heimlich maneuver. Kung hindi pa rin mailuwa ng iyong anak ang kanilang nalunok, dalhin agad sa ospital.
  • Ilayo sa kanila ang kahit anong maliliit na bagay na puwede nilang malunok. Mga holen, battery, maliliit na screw, barya, atbp.
  • Ilayo din ang mga masasamang kemikal tulad ng drain cleaner, bleach, at gamot sa mga bata. Hindi alam ng mga bata kung ano ang laman ng mga lalagyan nito, kaya posibleng akalain nila na ito ay candy o juice, at kanilang inumin.

 

Source: ABS-CBN

Basahin: One-year-old girl dies after choking on a piece of hotdog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!