Puwede bang uminom ng tea ang mga bata? Napakaraming mga sagot at dahilan kung bakit puwede o hindi puwedeng uminom ng bubble tea ang bata. Bukod dito, sikat na sikat rin ang pag-inom ng tea sa mga kabataan, lalong-lalo na ang milk tea na matamis at mayroong malalaking sago.
Ngunit may isang inang nalaman na may masama palang epekto ang pag-inom ng tea na ito. At ang salarin ay ang malalaking piraso ng sago!
Puwede bang uminom ng tea ang mga bata?
Ang Taiwanese milk tea, o kung tawagin na milk tea sa Pilipinas ay masarap na inumin. Dagdag na rito ang pagkakaroon nito ng malalaking piraso ng sago na masarap din nguyain.
Ngunit kung bibigyan niyo nito ang inyong mga anak, mabuting alamin ang naging kwento ni Xiao Lin, isang maliit na bata mula sa Tsina.
Ano ang nangyari?
Sa loob ng anim na buwan, nagtiis si Xiao Lin ng pneumonia, lagnat, at ubo. Hindi ito masyadong pinansin ng kaniyang inang si Lin Lin, at binigyan siya nito ng gamot. Nakatulong ang gamot para mawala ang sintomas ng sakit, ngunit di nagtagal ay bumalik rin ito.
Paglaon, lumala ang kondisyon ni Xiao Lin, at tumaas ang kaniyang lagnat. Ang nakapagtataka pa dito, ay wala ang ibang sintomas ng lagnat tulad ng sipon. Dahil sa pag-aalala, dinala ng kaniyang ina si Xiao Lin sa ospital upang magpatingin.
Napag-alaman ng mga doktor na ilang beses na nagkaroon ng pneumonia si Xiao Lin sa nakaraang anim na buwan.
Naisip nila na baka mayroong nakabara sa lalamunan ni Xiao Lin na naging sanhi ng kaniyang sakit. Dahil dito nagsagawa sila ng endoscopy at natagpuan nila kung ano ang nagpapahirap sa bata.
Kita sa endoscopy na nakabara ang sago sa kaniyang lungs. | Image Source: YouTube
Nakita ng mga doktor na mayroong piraso ng sago na nakabara sa kanyang kanang baga. Dali daling dinala ng mga doktor si Xiao Lin at tinanggal ang nakabarang sago sa kanyang baga.
Ang naging resulta
Nakakagulat na matapos ng anim na buwan, hindi nagbago ang hitsura ng sago!
Ayon sa doktor, ito raw ay dahil hindi naman naglalabas ng asido ang baga. Upang protektahan ang baga, naglalabas ito ng plema na bumabalot sa kung ano man ang bumabara. Ibig sabihin nito, kumakapal lang ang nakabalot na plema, at kung hindi agad naagapan, posible itong makamatay.
Halos hindi nabulok ang sago, kahit na anim na buwan na itong nasa baga ng bata. | Image Source: feedytube.tv
Nakakatakot isipin na hindi agad malalaman kung mayroon bang nakabara sa baga ng isang tao. Buti na lang naisip agad ito ng mga doktor, at kanilang naagapan bago pa ito lalong lumala.
Panoorin dito ang video ng naging pangyayari:
Anu-ano ang matututunan ng mga magulang?
Mabuting palaging mag-ingat ang mga magulang, lalo na kung pinapakain ang kanilang mga anak. Kahit na akala mong safe ang isang pagkain, baka ito ay makasama sa mga bata.
Heto ang ilang tips.
Mga pag-iinga na kailangan sa pagkain at inumin:
Sanggol at bata
- Hiwain ng maliliit ang pagkain. Huwag bigyan ng malalaking piraso ng pagkain ang iyong anak.
- Umiwas sa mga masyadong maliit na pagkain na puwedeng bumara sa lalamunan, tulad ng mani, beans, etc.
- Palaging bantayan ang iyong anak kapag kumakain o umiinom.
- Paupuin sila habang kumakain.
- Umiwas rin sa malalapot na pagkain tulad ng peanut butter, dahil baka sila mahirinan pag kinain ito.
Puwede ring mabulunan ang mga bata sa pagkain ng ubas. | Image Source: Stock photos
Mas malalaking mga bata
- Huwag silang bigyan ng lobo. Minsan, kahit malalaki nang mga bata, ay bumabara pa rin ang lobo sa kanilang lalamunan.
- Turuan silang ngumuya ng mabuti, at huwag lumunok ng lumunok.
- Kapag tingin nila sila ay nabulunan, turuan silang humingi ng tulong agad-agad sa ibang tao.
Ano ang puwedeng gawin kapag nabubulunan?
- Subukang paubuhin ang iyong anak. Minsan nakakatulong ito para mailuwa nila ang pagkain
- Puwede mo ring paluin ang likod ng iyong anak para lumabas ang pagkain. Paluin ng limang beses ang gitna ng likuran ng iyong anak, at silipin kung nailuwa na nila ang pagkain. Siguraduhing ipaluwa sa inyong anak kung ano man ang kanilang nginuya.
- Puwede ring gawin ang heimlich maneuver. Panoorin dito kung paano ito gawin.
Huwag mag atubiling tumawag ng ambulansya, o humingi ng tulong kung sakaling mabulunan ang iyong anak.
Panoorin ang video na ito upang malaman ang dapat gawin kapag nabulunan ang isang sanggol.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/can-kids-drink-tea
Basahin: One-year-old girl dies after choking on a piece of hotdog
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!