Pagiging payat, nasa DNA ng tao—ayon sa isang pag-aaral

18 porsiyento ng pagkakaroon ng payat na pangangatawan ay nasa DNA ng mga tao. Alamin kung paano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga taong sadyang hindi tumataba at namamana ang pagiging payat ng kanilang mga magulang o kamag-anak. Ang pananatiling payat ng ilan ay resulta ng isang genetic advantage at hindi lang dahil sa disiplina nila sa pagkain. Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na ginawa ng ilang scientists sa University of Cambridge sa Estados Unidos kamakailan. May kinalaman umano ang genes kung bakit nananatiling payat ang isang tao.

Namamana ang pagiging payat dahil sa genes

Ayon sa pag-aaral ng mga scientist, may ilang ispesipikong serye ng genes ang mga tao na may mabilis na metabolism. Ang genes na ito ang siyang tumutulong na mas mapabilis ang pagtunaw ng fats sa katawan ng isang tao, mas mabilis sa karaniwang metabolism.

“The research shows for the first time that these healthy thin people are generally thin because they have a lower burden of genes that increase a person’s chances of being overweight and not because they are morally superior,” sabi ni Professor Sadaf Farooqi, senior author ng pag-aaral sa Wellcome-MRC Institute of Metabolic Science ng University of Cambridge.

Ang genes na ito ay natagpuan sa 1,600 participants na mga payat, ngunit malulusog, na mga tao. Kasama na rito ang mga kababaihan na nasa 98 pounds ang bigat at mga kalalakihang nasa 133 pounds ang bigat.

Hinala noon na sa two-thirds ng mga participants na ito ay may genes na pumipigil sa interes nila sa pagkain. Ngunit sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral, lumabas na kabaligtaran ito ng una nilang hinala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Resulta ng pag-aaral sa ‘skinny gene’ ng tao

40 porsiyento ng study group ay lumabas na kinakain nila ang anumang uri ng pagkain na nais nila nang hindi man lang tumataba. Karamihan sa kanila ay malalakas kumain.

“We found that there are thin people who are not interested in eating, which may be in their genes,” sabi ni Professor Farooqi.

“But other people told us they really like their food and eat lots but do not put on weight. This is proof that there are groups of people who really can eat what they want and stay thin,” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinaniniwalaan ngayon ng mga researchers na ang mga participants nila ay may natatanging uri ng genes at plano nilang gumawa ng hiwalay na pag-aaral upang makita ang mangyayari sa katawan ng mga taong hindi tabain kapag sila ay kumain ng labis o overeat.

Paano ginawa ang pag-aaral sa genes

Kumuha ang mga researchers ng mga British participants na payat ngunit malusog ang pangangatawan at walang anumang eating disorders. Hindi isinama sa pag-aaral ang mga taong nag-eehersisyo ng higit sa tatlong beses sa isang linggo. Ang mga participants, na karamihan ay nasa edad 40, ay halos buong buhay na payat ang pangangatawan.

Kumalap ng mga saliva sample ang mga scientist mula sa 1,622 participants upang masuri ang kanilang mga genes at ikinumpara ito sa saliva samples ng 10,000 average-weight volunteers at 2,000 severely-obese volunteers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lumabas sa kanilang pagsusuri na may apat na bagong genetic regions na mag-uugnay sa pananatiling payat ng isang tao – Dalawa sa mga ito ay natagpuan sa genes ng mga Asians. Ito ang magpapaliwanag kung bakit namamana ang pagiging payat, lalo na kung ang mga magulang ng isang tao ay may natural na payat na pangangatawan.

Ano ang magagawa ng pag-aaral na ito sa buhay ng mga tao

Kinumpirma ng mga may-akda ng pag-aaral na malaki ang bahagi ng DNA ng isang tao sa pagiging mataba o payat ng mga susunod na henerasyon. Makatutulong umano ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga bagong gamot at teknolohiya na gagayahin ang epekto ng ‘skinny gene’ sa katawan upang tulungan ang mga taong may problema sa kanilang timbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This is an important and well-conducted study confirming that the precocious severe obesity is often genetically determined and showing convincingly that those who very thin are genetically different from the general population,” sabi ni Professor Tom Sanders, emeritus professor ng Nutrition and Dietetics ng King’s College London.

“However, most obesity is acquired in adult life and is linked to the obesogenic environment we live in – a sedentary lifestyle and abundant access to calorie-dense foods.” dagdag niya.

Ang pag-aaral na ito ay inilathala sa Journal PLOS Genetics at kanilang pinagtibay na 18 porsiyento ng pagkakaroon ng payat na pangangatawan ay nasa DNA ng mga tao at ang nalalabing porsiyento ay nauugnay sa iba’t-ibang lifestyle ng mga tao.

 

Source: Journal Plos Genetics, The Independent, DailyMail UK, ABC11

Images: Shutterstock, DailyMail UK

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN: Ayon sa mga eksperto, kailangang magpapayat muna bago magbuntis