Nagbigay na ng pahayag ang pulis mula Baguio sa pagkamatay ng PMA cadet na si Darwin Dormitorio. Ayon sa mga pulis, ang cadet ay namatay dahil sa hazing. Ito ay matapos makita sa autopsy na ‘blunt force trauma’ ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Darwin Dormitorio, ang kadete na namatay dahil sa hazing
Si Darwin Dormitorio ay isang 20 taong gulang na cadet sa PMA. Siya ay nagmula pa sa Cagayan de Oro City. Siya ay bahagi ng PMA Class of 2023.
Ngunit, nuong Miyerkules lamang ay nagreklamo ito na hindi maganda ang pakiramdam. Ayon sa kanya, siya ay nakakaramdam ng pananakit ng sikmura at pagsusuka. Ito ay hanggang sa matagpuan siyang patay sa Room 209 ng Mayo Hall Annex nuon ding Miyerkules nang umaga. Siya ay
Ayon sa opisyal na sanhi ng kanyang pagkamatay, “cardiac arrest secondary to internal hemmorhage” ang ikinamatay nito. Ngunit dahil nakitaan ng PMA ng mga sintomas ng internal bleeding, naghinala na sila na hazing ang totoong sanhi. Ito ang rason kaya pinaimbestigahan na nila ang kasong ito sa pulis ng Baguio City.
Dahil sa natuklasan sa autopsy, idineklara na ng mga pulis na hazing ang ikinamatay ni Dormitorio. Idinagdag din nila na mayroon silang 3 persons of interest sa kasong ito. Inutos narin ng komandante nila Dormitorio na bigyan ng restrictive confinement ang mga nakakataas at mga squadmates ni Dormitorio upang maimbestigahan.
Sa ngayon ay humihingi na ng tulong ang PMA mula sa Scene of tne crime operatives (SOCO) para sa imbestigasyon ng crime scene.
Ano ang hazing?
Ang hazing ay kinikilalang tradisyon ng ilang organisasyon upang maipakita ang tibay ng katawan ng nais lumahok. Dahil dito ay naisabatas ang RA 8049. Nilalayon itong matanggal ang bayolenteng tradisyon na ito. Ngunit, ano nga ba ang mga panganib na maaaring idulot ng hazing? Alamin natin ang mga ito.
Ayon sa Stop Hazing, nahahati sa 3 kategorya ang hazing. Ang mga ito ay ang subtle (patago), harassing at violent.
Subtle
Ang subtle na hazing ay ang nakakapagparamdam ng pangungutya at pagpapahiya. Kabilang dito ang pagpapamemorya ng mga bagay na walang katuturan o pagpapapahiya sa kanila sa mga tao sa kapaligiran. Maaari itong maging sanhi ng depression na magiging daan sa pagpapakamatay ng pledge.
Harassing
Ang harassing na hazing ay ang nakakapagbigay ng pisikal kawalan ng ginhawa at emosyonal na paghihirap. Kasama sa mga ito ang hindi pagbibigay pahintulot na maligo ang pledges o kaya naman ay hindi pagpayag na matulog ang mga ito. Maaari din itong maging sanhi ng depression na magiging daan sa pagpapakamatay ng pledge.
Violent
Ang mga bayolenteng hazing ay ang pinakakilala ng mga tao dahil sa media at mga balita. Kabilang dito ang pag-palo ng paddle, pambubugbog at biglaang pagdukot. Mula sa pangalan nito, ito ay nagdudulot ng pisikal na paghihirap. Kadalasan, ito ang dahilan sa mga nababalitang namatay mula sa hazing.
Basahin din: College student reportedly dies from alleged fraternity hazing