Nanay, namatay sa panganganak dahil 'di umano sa naka-inom na doktor
Duktor na nagpaanak sa ina, kailangan umanong uminom para maibsan ang panginginig ng kamay niya.
Namatay sa cesarean delivery ang isang 28-anyos na ina sa France. Ang itinuturong dahilan ng kaniyang pagkamatay, ang doktor na nagpaanak sa kaniya na nakainom umano ng isagawa ang operasyon.
Ina na namatay sa cesarean delivery
Lungkot at hinagpis ang hanggang ngayon ay nadarama ng pamilya ng 28-anyos na si Xynthia Hawke. Si Xynthia nasawi noong September 2014 matapos sumailalim sa cesarean section delivery. Ayon sa report, ligtas na naisilang ni Xynthia ang kaniyang baby boy noong September 26, 2014. Pero si Xynthia naiwan sa irreversible coma at namatay apat na araw matapos maisilang ang kaniyang anak.
Base sa imbestigasyon, lumabas na mali ang pagkakalagay ng breathing tube ni Xynthia ng ito ay nanganak. Bumaba ang oxygen levels nito at nakaranas ng cardiac arrest na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Pahayag ng mga witness, ito’y resulta ng kapabayaan ng 51-anyos na anesthetist na si Helga Wauters. Dahil ayon sa kanila ito umano’y nakainom ng isagawa ang operasyon kay Xynthia.
Ayon sa ginawang imbestigasyon ukol sa insidente, gusto sana ni Xythia na sumailalim sa natural birth. Ngunit dahil sa malaki ang kaniyang baby ay nagdesisyon ang mga doktor na isailalim nalang siya sa emergency section delivery. Dito pinapunta sa maternity clinic ang on-call anesthetist na si Wauters. Binigyan niya ng epidural injection si Xynthia at sinignalan ang surgeon na puwede ng simulan ang cesarean section operation.
Dahil sa kapabayaan ng nagpaanak sa kaniya
Naipanganak ni Xynthia ang kaniyang baby boy na malusog at ligtas bandang 10:22 ng gabi. Hindi ito nakita ni Xynthia, dahil siya ay unconscious o walang malay ng mga oras na iyon. Sa loob ng kuwarto na pinag-anakan ni Xynthia ay maraming medics ang naroon. May surgeon/obstetrician, pediatrician, talong nurse at isang midwife. Lahat sila ay nakasaksi sa naranasan ng kanilang pasyente.
Pahayag ng surgeon na nagsagawa ng operasyon kay Xynthia, napansin niyang blueish na ang balat at uterus nito ng isagawa niya ang first cut bandang 10:20pm. Palatandaan ito na nakakaranas na ng oxygen deprivation ang ina. Ang pahayag na ito ng surgeon ay sinuportahan din ng iba pang medical staff na nakapansin din ng pangingitim ng balat niya.
Habang isinasagawa ang operasyon ay nagpa-panic na ang mga medical staff sa loob ng operating room. Ngunit nagdesisyon lang silang tumawag ng medical services bandang 11:21pm. Ang oras na kung saan nagising at nag-iiyak na si Xynthia sa sobrang sakit na nadarama. Nasundan ito ng pagkakaalis ng oxygen tube niya at pagsusuka.
Ayon sa mga witness sa nasabing pangyayari ay may suka sa breathing tube ni Xynthia. May pasa o bruise din sa esophagus niya. Ang mga ito ay palatandaan na mali ang pagkakalagay ng breathing tube na naging dahilan sa labis na pagbaba ng oxygen levels ng kaniyang katawan. Ang pagsisiguro umano ng tamang posisyon nito ay responsibilidad ni Wauter na ayon sa isa sa mga witness ay amoy alak ng mga oras na iyon. Hindi rin daw agad itong rumesponde ng makita ang nangyayari sa kaniyang pasyente.
Ang doktor isa palang alcoholic
Dahil rito ay inimbestigahan ng mga pulis si Wauter. Doon nila nalaman na ito ay isang alcoholic. Katunayan may nakitang 14 empty bottles ng vodka sa bahay niya. Mayroon ding isang plastic bottle na may lamang tubig na hinaluan ng vodka sa kotse niya. Umiinom din daw ito ng wine kasama ang kaniyang kapitbahay bago ipatawag sa ospital para sa operasyon ni Xynthia.
Hindi naman itinanggi ni Wauter ang pagiging alcoholic niya. Ayon sa kaniya, paraan niya ito upang mapigilan ang panginginig ng mga kamay niya. Lumabas din sa test na isinagawa sa kaniya na lagpas sa drink-drive limit ng alcohol ang taglay ng kaniyang katawan. Nakaabang na nga rin daw na mawalan ito ng trabaho sa maternity clinic na pinapasukan dahil sa pagiging alcoholic niya. Ito rin ang dahilan kung bakit naalis ito sa mga nauna niyang trabaho. Sumailalim naman daw na ito sa rehabilitation pero hindi pa rin tuluyang naalis ang kaniyang bisyo.
Dahil rito ay nahaharap sa kasong aggravated manslaughter si Wauter. Inamin niya naman na may responsibilidad siya sa nangyari bagamat nanatiling tahimik sa detalye ng insidente. Sinabi niya ring siya ay biktima rin ng addiction na hindi niya makontrol.
Pahayag ng doktor sa nasabing insidente
“I am conscious of my part of the responsibility. My job as a doctor makes me responsible for the lives of my patients. I became a doctor to save lives. And I could never imagine one day I could have done bad to anyone.”
“I don’t want to make myself the victim, but I was overwhelmed by this addiction that I still cannot control despite all my efforts. I accept that this addiction is inconsistent with the exercise of my profession and I should not have risked the lives of my patients.”
Ito ang pahayag ni Wauter.
Matapos ang 6 na taon, ngayon pa lamanng sinisimulang dinigin sa korte ang kaso ni Xynthia. Kung mapatunayang guilty si Wauter ay maaring makulong ito ng 3 taon.
Ayon naman sa pamilya ng namatay sa cesarean na ina na si Xynthia, masyado ng mahaba ang anim na taon na hinintay nila. At umaasa sila na sa ngayon ay magbigyang hustisya ang pagkawala ng kanilang minamahal na may naulilang anak at asawa.
Ligtas ang cesarean section delivery sa panganganak
Ayon sa health website na Kid’s Health, ang cesarean section delivery ay isang safe na operasyon para sa mga babaeng buntis. Ito nga ay itinuturing na life-saver sa mga emergency at paraan upang maiiwas sa mga delikadong delivery room situations ang isang babaeng manganganak. Ngunit hindi maalis na may kaakibat itong risk sa buhay at kalusugan ng pasyenteng sumasailalim rito. Tulad ng breathing problems at surgical injury. Pero ito ay maiiwasan kung maisasagawa ng tama ang operasyon at masisigurong masusunod ang bawat hakbang sa pagsasagawa nito.
Hinihikayat ng mga doktor ang mga ina na hangga’t maaari ay gawin ang lahat ng kanilang makakaya para manganak ng normal at hindi ma-cesarean. Dahil ang cesarean delivery inirerekumenda lang sa tuwing may problema sa pagle-labor o panganganak ang buntis tulad ng mga sumusunod:
- Fetal indication tulad ng fetal distress, abnormal heart rate patterns, at malpresentation.
- Maternal indication tulad ng placenta previa, placenta abruptio at abnormal labor.
Paano makakaiwas na ma-cesarean ang isang buntis
Para makaiwas sa cesarean delivery ay ito ang payo ng OB-Gyne na si Dr. Kristen Cruz-Canlas sa mga buntis.
- Magpakonsulta sa oras na malamang nagbubuntis. Upang malaman ang iyong medikal na kondisyon, family history at status ng iyong pagbubuntis.
- Uminom ng prenatal vitamins tulad ng folic acid para masigurong nagde-develop ng malusog ang sanggol sa iyong sinapupunan.
- Siguraduhing kumpleto ang iyong mga bakuna.
- Tigilan ang mga bisyo o lifestyle na makakasama sa iyong sanggol.
- Manatiling active at fit habang nagbubuntis na dapat ay may pag-alalay pa rin ng iyong doktor.
- Panatilihin ang ideal weight sa pamamagitan ng pagkain ng well-balanced diet.
- Regular na magpacheck-up sa iyong doktor upang mabantayan ang iyong pagbubuntis at dinadalang sanggol.
Source:
The Guardian, Kid’s Health, TheAsianparent PH
BASAHIN:
Cesarean Section: Ang epekto sa kalusugan ni baby kapag ipinanganak ito via CS
- #AskDok: 13 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng cesarean delivery
- Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak
- Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"
- Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”