Kamakailan lang ay namatay sa vaccine diumano ang isang 1-month old na baby. Ngunit ayon sa isang pediatrician, mahirap raw matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol, dahil posibleng naging biktima ito ng SIDS, o sudden infant death syndrome.
Baby, namatay sa vaccine?
Isang baby na naman umano ang namatay sa vaccine ayon sa pahayag ng kaniyang mga magulang. Gamit ang social media ay ibinalita nga nila ang nakakalungkot na balita.
Sa isang Facebook post ay ito nga ang nasabi ng ama ng sanggol.
“my 1month & 25Days old baby Jhanella😥💔😥 namatay po sya after Tinurokan ng Vaccine sa dalawang hita at Drops sa Baba’💔 she’s very Healthy baby😥😥 pati New Born Screening nya’y Normal🙏🏽Lord🙏🏽HUSTISYA💔”
Kwento pa ng ama ng sanggol sa panayam sa kaniya ng theAsianparent Philippines, December 4 ng umaga ng pabakunahan nila si baby. Namaga daw ang hita nito at pagkatapos kinabukasan ay bigla nalang daw ito nawalan ng hininga.
“Nag pa bakuna kami dec. 4 nang umaga, tapus nun mag hapun na syang iyak nang iyak, tapus namaga na yung kanang hita nya, nanigas at pumula, pag ka umaga, wala na yung baby namin.”
Ito ang pahayag ng ama ng sanggol sa panayam na si Johnell Abello na nagmula sa Mandaue City, Cebu.
Dagdag pa niya ay bigla lang din daw namula ang likod ng kaniyang anak matapos mabigyan ng bakuna.
Ang vaccine umano na ibinigay sa anak niya ay PCV13 o Pneumococcal Conjugate Vaccine, IPV o Polio Vaccine at OPV o Oral Polio Vaccine.
Paliwanag ng isang pediatrician
Pero ayon kay Dr. Nikki James Francisco isang pediatrician, maaring may medical problem umano ang bata at hindi kasalanan ng bakuna ang nangyari sa kaniya. At hindi naman daw lahat ng sakit ay nakikita sa newborn screening.
“May ibang medical problem yan. Hindi yan kasalanan ng bakuna. Not all medical problems nakikita sa newborn screening.”
“For all we know, sudden infant death syndrome yan, that’s the 3rd most common cause of infants.”
Ito ang pahayag ni Dr. Nikki James Francisco.
Ang mga pamumula naman sa likod ng sanggol matapos mabakunahan ay maaring tanda umano ng pagkakaroon ng infectious problem ng katawan niya.
“Infectious problem ata yan. If they’re thinking severe allergic reaction to the vaccine, impossible kasi hindi naman nag-mamount ng allergy ang less than 6 months”, pahayag ni Dr. Francisco.
Nilinaw din ni Dr. Francisco na ang mga bakunang PCV, Pentahib at Polio ay ibinibigay naman talaga sa mga sanggol na may gulang na isa’t kalahating buwan.
“I respect the fact that the family is yet in a state of grief at the moment but it is so easy to just put the blame on vaccines when PCV, PentaHib and Polio are REALLY given at 1.5months old. For all we know, this is a case of sudden infant death syndrome (the third most common cause of death in infants), or the baby has an undiagnosed medical condition. The family, NETIZENS who just keep on commenting without facts at hand, should wait for the investigation of the medical team. I am sure the latter is doing their part to know the real cause of this tragic event.”
Ito naman ang naging komento ni Dr. Francisco sa viral post na baby na namatay sa vaccine umano.
Ayon sa isang pag-aaral
Samantala, ayon sa abstract ng isang pag-aaral na nailathala sa US National Library of Medicine ay ito ang nakasaad.
“Vaccines are rigorously tested and monitored and are among the safest medical products we use. Millions of vaccinations are given to children and adults in the United States each year. Serious adverse reactions are rare. However, because of the high volume of use, coincidental adverse events including deaths, that are temporally associated with vaccination, do occur.”
Dagdag pa nila may mga kaso o kondisyon bagamat bibihira ang nararanasan ng isang sanggol matapos mabakunahan. At ito at hindi ang bakuna ang itinuturong dahilan ng biglaang pagkasawi
“Rare cases where a known or plausible theoretical risk of death following vaccination exists include anaphylaxis, vaccine-strain systemic infection after administration of live vaccines to severely immunocompromised persons, intussusception after rotavirus vaccine, Guillain-Barré syndrome after inactivated influenza vaccine, fall-related injuries associated with syncope after vaccination, yellow fever vaccine-associated viscerotropic disease or associated neurologic disease, serious complications from smallpox vaccine including eczema vaccinatum, progressive vaccinia, postvaccinal encephalitis, myocarditis, and dilated cardiomyopathy, and vaccine-associated paralytic poliomyelitis from oral poliovirus vaccine.”
Ang pag-aaral ay pinamagatang “Deaths following vaccination: What does the evidence show?”. At ito ay isinagawa ng Centers for Disease Control and Prevention o CDC.
Source: NCBI
Basahin: 7 bakuna na kailangang ulitin kapag malaki na ang bata