Namatayan ng baby sa sinapupunan o stillbirth, gaano kasakit para sa isang ina ang maranasan ito?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng ina sa kaniyang naranasan na stillbirth
- Ano ang stillbirth o namatayan ng baby sa sinapupunan?
- Sanhi ng stillbirth o namatayan ng baby sa sinapupunan?
Stillbirth o namatayan ng baby sa sinapupunan
Ayon sa CDC, ang stillbirth ay tumutukoy sa pagkamatay ng isang sanggol bago o habang siya ay ipinapanganak. Ito ay nahahati sa tatlong klasipikasyon. Una ay ang early stillbirth na nararanasan sa pagitan ng ika-20 hanggang 27 linggo ng pagbubuntis. Pangalawa, ay ang late stillbirth na nararanasan sa pagitan ng ika-28 hanggang 36 weeks ng pagbubuntis. Ang pangatlo, ay ang term stillbirth na nararanasan sa pagitan ng ika-37 week ng pagbubuntis hanggang sa makompleto na ito.
Dito sa Pilipinas naitalang nangyayari ang stillbirth sa 11 out of 1,000 babies na ipinagbubuntis kada taon o katumbas ng 71 stillbirths kada araw. Isa sa mga ito ay ang kaso ni Mommy Rodessa Reyes at ng stillborn baby niyang si Ava.
Sa isang panayam sa theAsianparent Philippines ay kinuwento ni Mommy Rodessa ang kuwento kung paano siya namatayan ng baby sa sinapupunan at paano niya ito hinarap at nalampasan.
Kwento ng isang ina
Kuwento ni Mommy Rodessa, ang stillbirth ay naranasan niya sa kaniyang panganay na anak noong 2013. Ito ay isang baby girl na pinangalanan nilang Ava. Isang bagay na kahit pitong taon na ang lumipas ay may kirot at sakit paring dulot sa puso niya. Dahil sa pinaghandaan niya talaga ang pagdating nito. At para masigurong magiging maayos at malusog ang pagbubuntis niya.
“Ava was stillborn last 2013. She was stillborn at 38 weeks so term na siya talaga. It was very hard kasi nga first pregnancy. I was very excited. I was very prepared. Lahat ng test, lahat ng possible na pwede dati. Wala pa yung 4D. Wala pa yung ultrasound even that humanap ako just to make sure that the pregnancy will go smoothly.”
Ito ang pagkukuwento ni Mommy Rodessa sa ginawa niyang paghahanda sa pagdating sana ni Ava sa buhay nila. Dagdag pa niya, bilang paghahanda rin ay maaga siyang nag-maternity leave sa kaniyang trabaho noon. Sumailalim din siya sa childbirth classes. Pero sa hindi inaasahan, siya’y namatayan ng baby sa sinapupunan.
Sintomas ng stillbirth
“I was waiting for labor to start kasi nga 38 weeks na. I was on maternity leave and then minomonitor ko yung kicks niya as advised ng doctor. And I am talking to her. Then lunch time nararamdam ko pa siyang nagmo-move. Then dinner time I felt silence. I felt she wasn’t moving. She wasn’t kicking. I played music and I talked to her. I shook my belly para lang gumalaw siya. That’s when I know something is wrong.”
Nang maramdamang may kakaiba sa hindi paggalaw ng kaniyang sanggol ay agad na nagpunta si Mommy Rodessa sa ospital. Doon pinakinggan ang heartbeat ng kaniyang Baby Ava na hindi nila narinig kahit ito’y ginawa ng paulit-ulit. Sumailalim din siya sa paulit-ulit na ultrasound na kumumpirma na ang baby niya’y wala na. Ito’y stillborn baby na.
Ayon sa mga doktor, ang kaniyang Baby Ava ay nasawi sa kaniyang sinapupunan dahil sa kondisyon na kung tawagin ay cord accident. Isang kondisyon na kung saan aksidenteng napulupot ang koneksyon sa pagitan ng umbilical cord at placenta ng kaniyang sanggol. Dahilan para matigil ang oxygen o life support na kailangan nito na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay sa sinapupunan.
Hanggang ngayon kahit nakalipas na ang pitong taon ay sariwa pa rin sa isip ni Mommy Rodessa ang pagkawala ng kaniyang Baby Ava. Mahirap at masakit pa nga rin daw ito. Lalo pa’t marami siyang what if’s sa isip niya.
“It was still hard kahit 7 years ago ng nangyayari. Mahirap pa rin kasi everyday lalo na kapag nag-Christmas, nag-new year, may family picture kami, you still wonder how does she look like.”
BASAHIN:
Stillbirths, isa sa mga hindi napapansin na resulta ng pandemic
Loss of unborn baby: Mga dapat at hindi dapat sabihin sa mga stillbirth parent
Paano malalampasan ang kalungkutang dulot ng stillbirth?
Mabuti na nga lang umano sa gitna ng kaniyang naging karanasan ay may mga tao sa paligid niya na hindi siya iniwan. Tulad ng kaniyang asawa na naging malakas para sa kaniya. Tinulungan siyang harapin ang karanasan sa positibong paraan. Pati na ang kaniyang mga magulang na tinuluyan niya matapos maipanganak si Ava. Sapagkat paliwanag ni Mommy Rodessa, dahil sa very excited siya sa pagdating ng kaniyang baby ay puno na ng mga gamit nito ang bahay nila. Kaya para mas mabawasan ang sakit kahit papaano ay iniwasan niya muna ang mga bagay na maaaring makapagpaalala sa hindi inaasahan nitong pagkawala.
“May pagdadaanan pa ba ako na mas masakit than losing an unborn child na hindi ko pa nakita. Ang difference kasi namin sa mga parents na those who lose their kids ng buhay o ‘yung older around 6 o 7 years old, they have memories of them. Mayroon silang videos o pictures together na mababalikan nila. Like itong anak ko ganito, ganyan. Kami wala. Wala kaming babalikan.”
Paano ito maiiwasan?
Ang traumatic experience na ito ay maiiwasan umano ng mga buntis na ina ngayon sa pamamagitan ng pagiging conscious sa katawan at ipinagbubuntis nilang sanggol. Payo ni Mommy Rodessa sa mga inang nagbubuntis,
“Regular checkups, kick-counting. Be conscious to what’s happening in your womb and trust your mother instinct too talaga ‘yun. Pero maging confident pa rin tayo to give birth to healthy babies.”
Mensahe para sa mga inang nakaranas ng stillbirth
May mensahe rin siya sa mga inang tulad niya na nakakaranas ng stillbirth. Hindi man ito madali tulad ng naranasan niya ay lilipas rin ito at sila muli ay makakapagsimula.
“Hang in there. The pain will not go away. Iiyak pa rin kahit matagal na. Maala mo pa rin ‘yung baby mo. But I can assure you there are better days. Mayroong rainbow after this and mayroon kayong ilu-look forward too. Makaka-survive kayo. Just take it one day at a time. Cry as much as you can. Grieve. If you are feeling hate or angry right now, show it. Deal with the pain. Look for support. It really helps if you can talk to somebody na nakaranas rin nun.”
Para naman sa mga taong may kakilala o kaibigan na nakaranas ng stillbirth may mensahe rin si Mommy Odessa.
Mensahe para sa mga tao sa paligid niya
“Kung may kaibigan kayo o kakilala na nakaranas ng stillbirth although you want to say na magiging ok rin yan, pwede namang gumawa ng bagong baby. Siguro mas mabuting sabihin natin sa kanila, we are just here for you. We are to listen to you. Let us know what you want. Kasi for a mom na kaka-experience lang nun at na-shock pa then you will tell her na magiging ok rin ‘yan. And the worst thing that you will tell a mom na kaka-loss lang ng baby is “Ok lang yan. Gawa nalang ng bago. Pwede namang gumawa ng bagong baby.” That’s really a no-no.”
Sa ngayon si Mommy Rodessa ay masaya na sa kaniyang pamilya. Siya’y may dalawa ng anak na sina Audrey, 6 at Damen, mag-4 years old. Bagama’t pag-amin niya hanggang ngayon ay hindi pa rin naalis ang sakit na dulot ng pagkawala ni Baby Ava. Pero bilang pag-alala sa kaniyang panganay na anak ay itinayo ni Mommy Rodessa ang Ava’s Kitchen. Isang health food store na gumagawa ng lactation spread para sa mga nagpapasusong ina. Para masigurong magiging malakas at malusog ang mga baby nila.
Source: