Isa sa mga hindi nakikitang resulta sa lockdown sa buong mundo dahil sa pandemic ay ang stillbirths. Maraming mga nanay ang nakaranas ng stillbirth sa nakalipas na taon. Lalo na noong kasagsagan ng pandemic, tumaas ang kaso ng stillbirths sa buong mundo. Dahil na rin sa kawalan access sa mga ospital dulot ng lockdown.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagtaas pandemic stillbirths
- Sinasabing sanhi ng stillbirths ngayong pandemic
- Pahayag ng mga eksperto
Ang pandemic stillbirths
Ang stillbirth ay isang pregnancy loss 24 weeks pataas bago ang araw ng delivery, patuloy na tumataas ang kaso ng stillbirths sa buong daigdig habang may COVID-19 pandemic. Sa paunang report ng Aljazeera, sinasabing na sa London napansin na halos 4 na beses na tumaas ang kaso ng stillbirths habang pandemic. Ayon ito sa Office for National Statistics sa United Kingdom. Ang national average rate ng stillbirths ay nasa 3.8 per thousand.
Kadalasan umano kalahati lamang sa rate na iyon ang nararansan sa St. George’s Hospital, subalit sa pagitan ng February hanggang June kung saan nagsisimula na ang pag-lockdown sa mga siyudad sa buong mundo, tumaas ito ng 9.31 mula sa 2.38 per thousand. Natuklasan ito sa isang pag-aaral noong lamang nakaraan. Noong July, umabot sa 14.2 per thousand ang rate ng kaso ng stillbirths, anim na beses itong mas mataas kaysa sa normal.
Larawan mula sa iStock
Nagkaroon din na katulad na report mula sa mga iba pang ospital United Kingdom. Sa isang pag-aaral sa Italy natuklasan nila na ang bilang ng mga stillbirths noong spring ay mas dumoble. Samantalang, sa isang malawakang pag-aaral sa Nepal; napaga-alaman na tumaaas ang kaso ng pandemic stillbirths mula sa 14 per thousand umabot ito ng 21 per thousand. Sinabi rin sa pag-aaral na ang significant increase ng stillbirth ay sa kasagsagan ng unang buwan ng lockdown. Ganito rin ang mga nangyari sa iba pang mga bansa sa mundo. Mula sa India, Iran, Pakistan, Peru, Bangladesh at Brazil.
Sa Pilipinas wala pang datos o pag-aaral na nagpapakita kung gaano o ilan ang kaso ng stillbirths habang pandemic at kasagsagann ng lockdown sa bansa.
Pananatili lamang sa bahay ng mga buntis
Sapagkat, naririryan ang takot sa pagkalat ng nakakahawang sakit dulot ng COVID-19 virus maraming mga bansa ang nagpatupad ng polisiya na mag-lockdown. Kung saan walang sinuman ang maaaring lumabas ng bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinatigil rin ang public transport na kadalasan, napuno ang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19. Sa madaling sabi nawalan ang marami ng acess sa mga pangunahing pangangailangan. Lalo para sa mga mahihirap na pamilya at mga buntis. Ang pagkakataon na makapagpa-check-up ay hindi rin nagawa ng maraming buntis dahil hindi nga maaaring lumabas. Dagdag pa riyan ang takot na makuha o mahawaan sila ng nakakatakot na virus.
Larawan mula sa iStock
Kung halimbawa lamang ang isang buntis na nasa ika-32 weeks na ng kaniyang pagbubuntis, mino-monitor na nito ang mga paggalaw at pagsipa ng kaniyang baby sa loob ng kaniyang sinapupunan. Kapag napansin ng ina na nabawasan ang paggalaw ni baby, kung walang pandemic madali niya itong maipapakonsulta sa kaniyang doktor upang matignan ang dahilan. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang stillbirth. Subalit dahil sa nangyaring lockdown kung saan pinagbabawalan ang paglabas; kasama na rin ang takot ng mga buntis na lumabas dahil baka mahawaan ng COVID-19. Maraming mga nanay ang nakaranas ng stillbirths habang pandemic.
Ayon kay Dr. Asma Khalil, isang propesor of obstetrics at maternal-foetal medicine at co-author ng the London hospital study. Sinabi niyang,
“If the baby’s not moving, if you have reduced foetal movements, that’s usually an alert to come to the hospital to have a check-up to make sure the baby’s ok, If you delay that for another day, maybe it’s too late.”
BASAHIN:
Pregnancy loss and breaking the silence
Stress and Stillbirth: Excessive stress can cause stillbirth
6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan
Kaya naman crucial talaga ang pagpunta agad ng isang buntis sa doktor kapag nakapansin siya ng pagbawas ng paggalaw ng kaniyang baby. Kahit na umano may mga virtual route o check-up na available. Iba pa rin ang physical examination na maaaring magawa sa isang buntis upang masuri talaga ang kanilang kalagayan ni baby. Ayon kay Mary Renfrew, isang propesor sa Mother and Infant Health sa University of Dundee sa Scotland,
“Although the virtual route can be very good, it’s not the same. It may well be that a caregiver can see something in an interaction with a woman, or a woman will open up about worries or concerns in a face-to-face interaction,”
“Continuity of care makes a difference to stillbirths. If continuity of care is disrupted then that in itself will have an impact.”
Isa pa sa sinasabing dahilan ng pagtaas ng kaso ng stillbirth
Ayon kay Margarita Perez Silva mula sa College of Obstetricians sa Peru, “A pregnancy, the birth of a child, doesn’t stop for a pandemic,” Kaya naman dapat isa rin ito sa mga priority ng healthcare system ng bansa. Hindi lamang pregnancy kung di lahat ng sakit. Hindi ibig sabihin na mayroong pandemic ay titigil ang ibang mga sakit at kundisyon.
Dagdag pa ni Franka Cadeée, kadalasang kasing napagkakamalang COVID-19 symptoms ang mga nararanasan ng ibang mga buntis kapag pumunta sila sa ospital. Lalo na sa panahon ng lockdown.
Larawan mula sa iStock
“If women have a headache or don’t feel well, they could well think ‘oh dear I have COVID,’ when actually they could have high blood pressure.”
Totoong isa ito sa malaking problemang kinahaharap ng mga buntis, at maraming babae sa buong sa kasalukuyan. Ang pagtaas ng bilang ng stillbirths dahil sa pandemic at takot ng mga buntis na lumabas dahil baka magkaroon ng COVID-19.
Maaaring matagal pa bago magtiwala at pumunta ang buntis sa mga ospital para sa check-up. Mayroon pa ring magagawa ang mga kababaihan, ang pagbilang sa mga sipa ng kaniyang baby at maging alerto. Huwag matakot na magpunta sa clinic o ospital kung nakakaramdam ng pagbabago sa galaw ni baby. Sundin lamang ang mga health protocols. Makakayanan niyo rin ito mga mommy.
Source:
aljazeera
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!