Lahat ng kailangang malaman tungkol sa nana sa lalamunan

Alamin kung ano sanhi ng nana sa lalamunan, pati na ang mga posibleng maging komplikasyon nito, tulad ng tinatawag na tonsil stones.

Ang nana sa lalamunan ay maaaring hindi mapansin o maramdaman. May mga pagkakataon na kahit mayroon na nito, walang mararanasan na sintomas. May mga pagkakataon din na mararamdaman ito at maaaring maka-irita. Kung hindi makayang tanggalin mag-isa, maaaring magpakonsulta sa duktor para sa isang procedure. Ang nana sa lalamunan na ito ay kinikilala sa tawag na tonsil stones.

nana-sa-lalamunan-importanteng-kaalaman

Image from Freepik

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Ano ang nana sa lalamunan?

Tonsil stones

Ang ating mga tonsils ay nagta-trap sa mga bacteria at nagsasala ng mga germs. Tumutulong ito sa immune system sa paraan na ito. Subalit, maaari rin na may kumapit dito na maliliit na bahagi ng mga pagkain o sipon. Nananatili ito dito at tinutubuan ng mga bacteria. Tumitigas ang mga ito at nagiging tonsil stones.

Ang tonsil stones ay mga matitigas na namuong calcium na kumapit sa tonsils. Kadalasan, ito ay kulay puti o kaya naman ay manilaw-nilaw. Ang isang pagaaral sa Journal of Otolaryngology-Head and Neck Surgery ay inihahalintulad ito sa plaque na makikita sa ngipin. Ngunit, maaari itong mabuo sa kailaliman ng tonsils na magiging dahilan para hindi ito makita sa salamin.

Mga sintomas

nana-sa-lalamunan-importanteng-kaalaman

Image from Freepik

Marami ang walang nararamdaman na sintomas ngunit mayroong tonsil stones. Sa kabutihang palad, sa mga ganitong pagkakataon, walang kailangang aksiyon na gawin para dito. Subalit, kung may mga nararanasan na sintomas, maaaring makaranas ng mga sumusunod:

  • Pamumula ng tonsils
  • Iritasyon sa tonsils
  • Mabahong hininga
  • Impeksiyon sa tonsils tulad ng sore throat
  • Hirap o masakit ang paglunok

Ang ilan na may tonsil stones ay maaari rin makaranas ng pananakit o pressure sa tenga.

Mga madaling magkaroon

Ayon sa ispesyalista sa ulo at leeg na si Kyra Osborne, MD ng Cleveland Clinic, hindi pa nasisigurado kung sino ang madaling magkaroon nito. Ganunpaman, may mga bagay na naisasang-ayon para dito.

Ang mga kadalasang nagkakaroon ng tonsil stones ay mga teenagers. Ang mga tao na may malalalim na tupi ng mga balat sa tonsils ay kinikilala rin na madaling magkaroon nito. Higit sa lahat, ang mga hindi naaalagaan ang kanilang oral health ay ang mga may pinakamalaking posibilidad na makakuha ng tonsil stones.

Paraan ng paggamot

Ang mga tonsil stones na hindi nagdudulot ng sakit o iba pang sintomas, madali lang ang paraan ng pagtanggal nito. May mga pagkakataon na madali itong matanggal sa pamamagitan lamang ng malakas na pagmumog. Maaari rin itong matanggal sa pamamagitan ng pagkutkot dito gamit ang sipilyo. Alalahanin lamang na pindutin ito palabas ng bibig para hindi masakal o malunok ang namuong mga calcium na may bacteria. Kung hindi magawang matanggal, mangyaring magpakonsulta sa duktor. Magsasagawa lamang ang propesyonal ng simpleng procedure ng pagtanggal nito.

Masusuri din ng duktor kung kakailanganin ng tonsillectomy, lalo na sa mga pabalik-balik ang tonsil stones.

Pag-iwas

nana-sa-lalamunan-importanteng-kaalaman

Image from Freepik

May ilan na likas na madaling magkaroon ng tonsil stones. Minsan, ang pag-iwas sa pagkakaroon nito ay tila imposibleng gawain. Subalit, malaki ang maitutulong ng pananatili ng magandang oral hygiene. Mapapababa ang panganib ng pagkakaroon ng tonsil stones ng pagsipilyo nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw. Inirerekumenda rin ng mga dentista na mag-floss ng ngipin isang beses sa isang araw at gumamit ng alcohol-free na mouthwash araw-araw.

 

Source: Reader’s Digest

Basahin: Sakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunas

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!