Tatay nahatulang guilty sa pananakit ng asawa at anak

A 25-year-old man has pleaded guilty to physically abusing his wife and 6-month-old son in September this year. Find out more information here.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang 25 taong gulang na lalaki ang nahatulang guilty nuong Lunes, ika-25 ng Oktubre taong 2019. Siya ay naakusahan ng pagbabanta sa kaligtasan ng kanyang 6 na buwang sanggol at pananakit sa asawa. Tumanggap niya ang akusasyon na siya ay isang nananakit na asawa.

Ang lalaking hindi pinangalanan ay idiniin ang mukha ng anak sa kama. Kanya ring sinuntok ang kanyang asawa nang nagtangka itong iligtas ang bata.

Ayon sa mga ulat ng media, nagtatrabaho ang lalaki bilang janitor. Kasama niya sa bahay ang kanyang 20 taong gulang na asawa, anak, pati na ang kapatid niya at ng kanyang asawa.

Nahatulan ng guilty ang lalaki sa pananakit sa kanyang asawa at anak na sanggol | Source: iStock

Sinuffocate ng lalaki ang anak na sanggol at kanyang asawa

Dala ng kanyang galit, sinuntok ng lalaki ang kanyang asawa | Source: iStock

Nuong Setyembre ngayong taon, nang biglang umiyak ang kanyang anak, pinagbantaan niya ang asawa na sasaktan niya ito. Kanya ring sinigawan at pinagalitan ang sanggol para tumahimik.

Hapon ng parehong araw, sinabihan niya ang asawa na itabi sakanya sa kama ang kanilang anak. Nanghinayang ang babae ngunit kanya ring sinunod ang utos ng kanyang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayamaya ay narinig niyang umiyak ang kanyang anak. Nakita niya nalang na nakadapa ang bata habang itinutulak ng lalaki ang leeg nito pababa ng kama.

Umiyak ang sanggol at nagsuka ng gatas sa kanilang kama.

Nang makita ito, nagmadali ang babae na kunin ang anak mula sa kanyang asawa. Subalit, hindi binitawan ng lalaki ang sanggol na hindi makahinga.

Dala ng pagiging desperado, sinampal ng babae ang kanyang asawa para makuha ang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagalit ang lalaki sa ginawa ng babae at sinuntok niya ito sa noo.

Inalagaan ng kapitbahay ang baby

Tumakas ang babae mula sa bahay kasama ang kanyang anak. Binilin niya ang bata sa kanilang kapitbahay bago nagpunta sa pulis para gumawa ng police report.

Pagkatapos nuon ay dinala sa ospital ang mag-ina kung saan nakitaan sila ng mga senyales ng pang-aabuso.

Ang babae ay nakitaan ng pasa sa kanyang ulo at galos sa kanyang daliri. Sa kabila naman ng pagkakaroon ng non-accidental injury, ang baby ay nasa maayos na kalagayan at may stable na vital signs.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay District Judge May Mesenas, ang lalaki ay dapat nagpakita ng self-control at restraint pagdating sa kanyang pamilya.

Sa paglilimi para sa sentensya, ia-assess raw ni Judge Mesenas ang kaangkupan ng lalaki para sa community service o day reporting. Kanya ring sinusuri kung kakailanganin ng lalaki na dumaan sa counseling. Ito ay para matulungan siyang harapin ang kanyang mga frustrations at mapabuti ang kanyang parenting skills.

Ngayon ay hiwalay na ng tirahan ang lalaki mula sa kanyang asawa at anak.

Siya ay muling babalik sa korte sa ika-13 ng Enero taong 2020 para sa pagtanggap ng kanyang sentensya.

Domestic abuse sa Pilipinas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pangyayaring nai-ulat ay nangyari sa Singapore. Ganunpaman, tinatayang isa sa apat na kasal na babae sa Pilipinas ay nakaranas ng pangaabuso. Ang mga pangaabusong ito ay pisikal, sekswal o emosyonal. Ang mga babaeng ito ay may mga edad na nasa pagitan ng 15 hanggang 49 taong gulang. Ito ay ayon sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS) nuong 2017.

Ang Pilipinas ay may Republic Act No. 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” para protektahan ang karapatan na mgaing ligtas ng mga babae at bata. Ganunpaman, dahil narin sa epekto ng pang-aabuso at takot na nabubuo sa isipan, maraming nakakaranas ng pangaabuso ang hindi nagsusumbong.

Para sa proteksyon at kaligtasan ng mga kababaihan, ito ang mga maaaring tawagan kapag nakakaranas ng pang-aabuso:

Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Batasan  Pambansa Complex, Quezon City
Tel. No.: (02)8931-8101 to 07

DSWD –NCR Ugnayan Pag-asa Crisis Intervention Center
Legarda, Manila
Tel. No.: (02) 7734-8639/ 7734-8654/ 7734-8626 to 27

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Philippine National Police (PNP)
Camp Crame, Quezon City
Tel. No.: 8723-0401 to 20

PNP-Women and Children Protection Center (WCPC)
Camp Crame, Quezon City
Tel. No.: 3410-3213

NBI-Violence Against Women and Children Desk (VAWCD)
Taft Avenue, Manila
Tel. No.: 8523-8231 to 38 / 8525-6028

Basahin din: OFW bares domestic abuse she suffered at the hands of her husband

Sources: theAsianparent Singapore, Philippine Statistics Authority, Philippine Commission on Women