Ang buhay talaga ng tao ay maaaring magbago sa isang iglap. May mga pangyayaring ‘di natin inaasahang darating masama man ito o mabuti. Minsan talaga may mga masasamang pangyayari ang dumarating katulad na lamang ang isang nanay na nadulas sa banyo at idineklrang brain dead na. Sa pangyayaring ito naiiwan niya ang kanyang 5 anak na mga bata pa at asawa.
Pagtulong kay Eddy at 5 nilang anak
Ayon sa fundraising platform na GIVE.Asia, isang babae ang confinement sa loob ng kanilang bahay at nadulas sa kanilang banyo sa bahay, na nagging sanhi ng kanyang spinal injury.
Subalit dahil sa malalang injury na kanyang natamo, ang ina ng 5 na bata ay nakaranas ng brain death. Naiwan niya ang kanyang asawang si Eddy, at ang kanyang limang anak na nasa mga edad 2 months hanggang 9 years old.
Matapos ang trahedyang nangyari sa nanay ng limang bata matapos nitong ma-brain dead dahil sa pagkadulas sa kanilang banyo. Ang naiwan niyang asawa na si Eddy ay kailangan ngayong buhayin ang kanilang limang anak na mag-isa.
Kwento ni Eddy
Matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa nagbahagi si Eddy ng video. Sa video sinabi ni Eddy na ang babata pa ng kanilang anak para maintindihan ang kahulugan ng pagkamatay. Madalas umanong tinatanong ng kanilang mga anak kung nasaan ang kanilang nanay.
Ayon kay Eddy tinanong ng kanyang mga anak kung bakit hindi ang kanilang nanay ang sumusunod sa kanila sa school, nasaan ang kanilang nanay.
Si Eddy ay isang Mechanic Mover na kumikita lamang ng $2,400. Ngayon siya lang ang aako sa responsibilidad sa pagpapalaki sa kanyang limang anak. Ang katuwang niya sana sa pagpapalaki ang nanay ng kanyang mga anak na nadulas sa banyo at idineklarang brain dead.
Kinakailangan din niyang magtrabaho at gabayan ang kanilang mga anak. Kaya naman doble kayod siya kahit mahirap. Kulang na kulang din ang kanyang kinikita para masuportahan ang kanyang mga anak.
Nakatanggap naman siya ng financial help mula sa kanilang komunidad, pero kailangan niya pa ng tulong. Hindi kasi sasapat ang kanyang kinikita sa pagpapalaki at pangangailangan ng kanyang mga anak sa pang-araw-araw at sa pag-aaral ng mga ito. Kaya naman patuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong kay Eddy at sa kanyang 5 anak na ulila na sa kanilang ina.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures