REAL STORIES: "Hindi kaagad dumating ang midwife kaya mister ko ang nagpaanak sa'kin sa CR."

Kwento ng nanay, tinawagan nila ang kanilang midwife ngunit hindi na ito umabot dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na ang kaniyang baby!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkukwento ng isang babae, nanganak daw siya sa CR sa tulong ng kanyang mister. Alamin ang buong istorya sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • REAL STORIES: “Mister ko ang nagpaanak sa’kin sa CR!”
  • Water birth: What you need to know

REAL STORIES: “Mister ko ang nagpaanak sa’kin sa CR!”

“Hindi pa namin matanggap noong una na naglelabor na ako dahil kaya ko naman i-handle ang contraction ko nang maayos.” | Larawan mula sa Pexels

Walang nakakaalam ng eksaktong petsa kung kailan manganganak ang isang babae. Hindi kayang matiyak ng teknolohiya kung anong araw lalabas ng bata sa sinapupunan. Maaari lang malaman kung anong buwan maaaring i-expect ang paglabas ng sanggol. Katulad na lang ng kuwento ng isang babaeng nanganak sa CR sa tulong lang din ng kanyang mister.

Sa pagsasalaysay ni Sabriena sa isang video na kanyang in-upload sa Tiktok, nagsimula raw siyang mag-labor bandang alas-3 ng madaling araw. Pangalawang anak na raw niya ito at pinlano niya na talagang magkaroon ng water birth.

Ginamit niya raw ang bath tub nila nang mag-alas siyete na nang umaga at laking tulong daw ito dahil huminto ang kanyang pagle-labor. Nakararanas pa raw siya ng isa hanggang dalawang contraction kada oras hanggang mag-aalas sais na ng hapon. Pinaliwanag pa raw ng midwife na ilang oras na lang daw ay manganganak na siya.

“Hindi pa namin matanggap noong una na nagle-labor na ako dahil kaya ko naman i-handle ang contraction ko nang maayos,” Pagbabahagi niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanda niya pa raw bandang 9 PM ay tinawagan ng asawa niya ang midwife na pumunta na kaagad sa kanila. Hindi raw nila inakalang manganganak siya matapos ang 30 minuto nang tawagan ang midwife. Habang umiihi raw siya sa kanilang toilet ay inihanda na kaagad ng kanyang mister ang birthing pool.

Hindi raw magkandaugaga ang asawa niya sa pagtingin sa kanya sa toilet at pagtsi-check sa kanyang birthing pool.

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Umaaaray na ako dahil sa labor kaya pinipilit ko na ang asawa ko na ng tawagin na ang midwife.”

Sinubukan daw silipin ng kanyang asawa kung lalabas na ba ang sanggol dahil nararamdaman na niya ang pressure. Ang inakala raw nilang ihi ay ang pagputok na pala ng kanyang panubigan. Habang tinatawagan daw nila ang midwife ay nararamdaman na niyang lalabas na ang kanyang anak.

Matapos daw ang ilang minuto ay nakaranas na naman siya ng panibagong contraction at doon na siya nanganak sa CR kung saan ang kaniyang husband ang umalalay sa kaniya.

“Nakuha siya kaagad ng asawa ko bago pa man tuluyang mapunta sa tubig at inilagay siya sa aking dibdib.”

Tuwang-tuwa raw silang mag-asawa dahil healthy both ang mag-ina matapos maipanganak ang sanggol. Pagdating daw ng midwife ay pinutol na lang niya ang umbilical cord nito at nakitang nasa maayos na kalagayan naman ang vitals ng dalawa.

“Napakagaling ng mister ko at natulungan niya ako sa panganganak,” Pagpupuri niya sa asawa.

Water birth: What you need to know

Bakit nga ba marami ang sumusubok sa paraan ng water birth bilang panganganak? | Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t ibang paraan ang gusto ng parents sa pagdi-deliver ng kanilang little ones sa mundo. Depende ito sa:

  • Budget – Kung ano man ang naihandang budget ay hinahanapan nila ng paraan kung ano ang way of delivery.
  • Preference – Kung saan man mas hindi kakabahan at komportable ang isang ina na manganganak.
  • Health professional’s advice – Isa sa pinaka sinusunod ay ang payo ng mga propesyunal dahil ito ang makabubuti both sa ina at baby.
  • Access – Kinokonsidera rin ang mga access sa mga bagay sa paligid kung ano ang mas convenient.

Mayroong normal delivery, mayroong caesarean section delivery, at ang tinatawag na water birth.

Water birth ang isa sa paraan na ginagamit sa pagle-labor at panganganak. Paano ito ginagawa? Mula sa mismong pangalan nito, ang water birth ay way ng panganganak sa pamamagitan ng warm body of water, kadalasang ginagamit ang tub o kaya naman ay pool.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nga ba marami ang sumusubok nito? Maraming eksperto ang nagsabing marami itong benefits na kasama.

Narito ang ilan sa mga sumusunod:

  • Mas relaxing ang experience dahil sa warm bath na ginagamit sa panahon ng pagle-labor.
  • Maraming kababaihan ang nagsasabing mas maiksi ang kanialng pagle-labor.
  • Mas hindi na kinakailangan ng pain relief medication dahil sa pagkaranas ng relaxation sa warm water.
  • Mas nararamdaman ng maraming ina na connected sila sa birth experience sa ganitong paraan.

Ngunit kung may benepisyo ito, may mga risks din na pwedeng kaharapin ng isang pregnant mother na sasailalim sa water birth.

Nandiyan ang infection para sa bata, ngunit rare cases naman ito. Bukod pa diyan ang mahirap na pag-regulate sa body temperature ng newborn baby, breathing issue ng sanggol, posibleng suffocation at problema sa umbilical cord.

Mas makabubuti na sumangguni pa rin sa mga doctor at OB-GYN patungkol sa inyong pregnancy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva