Ang paninigas ng tiyan kapag nagbubuntis ay hindi dapat ikabahala. Hindi ito abnormal at hindi rin ito nagtatagal, ngunit maaaring senyales ng kondisyon na dapat bigyang pansin.
Maraming pinagdadaanan ang tiyan at katawan ni Mommy sa unang araw pa lang ng pagbubuntis. Habang lumalaki ang uterus sa loob ng siyam na buwan, nababanat ang tiyan para magkaron ng lugar para sa lumalaki ring sanggol sa loob.
Isa sa pinakaimportanteng pagbabago ay ang naninigas ang tiyan ng buntis, o tinatawag na Uterus Hypersthenia.
Karaniwang nagsisimula ito sa ikalawang trimester, pero ang iba ay nakakaramdam nito sa ika-12 linggo pa lamang. Pakiramdam mo ay para kang may menstrual cramps, pero hindi tumatagal ito.
Bakit nga ba naninigas ang tiyan ng buntis?
Ang paninigas ng tiyan ng buntis 3rd trimester ay nagsisimulang mawala ang paninigas at nagbabalik sa normal na pakiramdam ang tiyan kaya walang dapat ipag-alala.
Paninigas ng tiyan buntis 2nd trimester o 3rd trimester man, bawat pagbubuntis ay kakaiba. May iba-ibang dahilan din kung bakit naninigas ang tiyan ng buntis.
Normal lang ba ang naninigas ang tiyan ng buntis?
Narito ang ilang kadahilanan kung bakit naninigas ang tiyan ng buntis o kung ano ang sanhi ng paninigas ng tiyan ng buntis.
1.“Braxton hicks contractions”
Ano ang Braxton Hicks Contractions? Ang paninigas ng tiyan ng buntis 3rd trimester ay tinatawag na Braxton Hicks contractions. Ito ay mga false contractions, na nagbibigay ng “patikim” sa kung ano ang dapat asahan sa oras ng panganganak.
Normal lang ba naninigas ang tiyan ng buntis sa 3rd trimester?
Kapag naramdaman ang contractions (30 segundo hanggang isang minuto), naninigas ang tiyan, pero hindi ito naghuhudyat ng panganganak na kung hindi bumubuka ang cervix. Nawawala din ang mga contractions na ito, at hindi rin gaanong masakit ito.
Paninigas ng tiyan ng buntis normal ba kung ito ay Braxton Hicks? Paalala ni Dr. Rebecca Singson, isang OB-Gyne sa Makati Medical Center, patungkol sa Braxton Hicks:
“One of the differentiating factors kung ano ang Braxton Hicks is that should not be painful. So kapag painful baka preterm labor ‘yan.
Pangalawa it should not lead to cervical dilatation. Kasi kung nag-o-open ‘yong cervix aba ay labor na yan. At saka ‘yong Braxton Hicks, it happens usually kapag nag-change ng position si Mommy.
Tumayo or humiga magko-contract si uterus. It is usually an isolated contraction hindi siya yung tuloy tuloy na may regularity.
Kung may regularity especially kapag more than 2 in 30 minutes hindi na ‘yon normal. Baka contractions na ‘yan talaga.”
2. Kumikiskis ang uterus sa tiyan
Habang lumalaki ang uterus (mula sa sukat ng isang peach, hanggang maging kasinlaki ng watermelon, sa loob ng 9 na buwan), tinutulak nito ang tiyan ng ina para bigyan ng lugar ang sanggol.
Sa paninigas ng tiyan ng buntis 2nd trimester, tumutulak ang uterus sa pagitan ng pusod at pelvic bone, at tinutulak ang abdominal musculature.
Habang patuloy na lumalaki ang uterus, dumidiin din ito sa tiyan. Ang internal growth na ito ang dahilan kung bakit naninigas ang tiyan ng buntis. Minsan ay may kakambal na pagkahilo at pakiramdam na lumalaki lalo ang tiyan.
Walang magagawa tungkol sa pagtigas ng tiyan ng buntis na ito, kundi subuking kumain ng mas maraming fibre para mabawasan ang pakiramdam na “bloated” ka, at para makatulong sa constipation. Ang pag-eehersisyo ay makakatulong din.
3. “Pregnancy fat”
Normal lang ba naninigas ang tiyan ng buntis dahil sa pregnancy fat? Natural lang na bumigat ang timbang habang nagbubuntis. Yun nga lang, ito ang maaaring maging sanhi ng paninigas ng tiyan.
Habang lumalaki kasi ang tiyan sa unang dalawang trimester, dumadagdag ang timbang, kaya’t naghahanap ang katawan ng mapaglalagyan ng sobrang fat cells.
At ang unang pinupuntahan nito ay ang tiyan at hita. Ang paninigas na nararamdaman ay maaaring dahil sa pagdami ng fat cells sa tiyan. At dahil sa patuloy na paglaki pagdating ng kabuwanan sa huling trimester, mararamdaman ang paninigas ng tiyan.
4. Hindi balanse ang diet kaya’t may indigestion
Hilab ng tiyan ng buntis, dapat bang ipag-alala? Hindi totoo ang sinasabing “kumakain ang nanay para sa dalawa” kapag nagbubuntis.
Kumakain lang talaga si Mommy para sa sarili, pero dapat na maging masustansiya ang mga kinakain dahil para masiguro ang paglaki ng sanggol. Ang nagiging problema lang ay ang pagiging constipated ng ina.
Ang constipation ay isa lang sa maraming masamang nararamdaman ng nagbubuntis. Kapag may hilab ng tiyan ng buntis o constipated, hindi kaagad ibig sabihin ay hindi masustansiya ang kinakain.
Maaaring dahil ito sa pagdiin ng lumalaking uterus sa bituka. Dagdag pa dito ang patuloy na paglabas ng progesterone na nakakapagpabagal sa gastrointestinal tract sa katawan.
Lahat ng ito ay nagiging sanhi ng paninigas ng tiyan. Ang kombinasyong ng isang masustansiyang diet na sagana sa fibre at tubig ang makakapagpaluwag ng pakiramdam.
5. Ang iyong tiyan ay laruan ng iyong baby
Nakakaramdam ba ng madalas na pag tigas ng tiyan ng buntis? Tandaan: may isang lumalaking bata sa iyong tiyan, at ang tiyan mo ang unang playground niya. Kapag sumipa at gumalaw-galaw ang sanggol sa loob ng sinapupunan, ibig sabihin ay masaya at malusog ito.
Pero sa paggalaw na ito, bawat sipa, bawat ikot, ay maaaring maging masakit para kay Mommy. Minsan ay parang busog na busog at talagang naninigas ang tiyan. Kaya namang tiisin ito ni Mommy, bagamat may ‘di kaaya-ayang pakiramdam lang.
6. “Kumakain para sa dalawa ang buntis”: Totoo nga ba
Katulad ng nabanggit na, hindi kailangang kumain ng para sa dalawa, dahil lang buntis ka. Ang digestive system ng sanggol ay hindi pa man nabubuo. Anumang kainin ni Mommy ay para sa kaniya lang.
Ang nutrients lang ang nakukuha ng bata. Kaya dapat pigilan ang sarili kung minsan ay gustong kumain nang marami. Ito kasi ang nagiging dahilan kaya lumalaki ang tiyan ang naninigas ang tiyan ng buntis. Iwasan ang pagkain ng higit sa kailangan.
Maaaring kumain ng paunti-unti pero madalas. Kung may “cravings” at pinaglilihian na pagkain, kainin ito pero huwag sobra sa kaya. Kapag nakaramdam na ng kabusugan, labanan na ang labis na pagkain pa.
7. Bakit naninigas ang tiyan ng buntis: Pananakit ng ligament
Normal lang ang matalas na pananakit ng ibaba ng tiyan o puson kapag nagbubuntis. Ito ang isa sa mga karaniwang angal ng mga nagbubuntis – ang paninigas ng tiyan ng buntis 3 months o sa 2nd trimester.
May mga makakapal na tissue at litid sa paligid ng uterus at tiyan. Isa rito ang isang pabilog na ligament na nababanat mula sa harap at taas ng tiyan pababa sa puson.
Habang lumalaki ang uterus, nababanat ng husto ang litid. At dahil dito, naninigas ang tiyan ng buntis. Ito ang pananakit na parang may tumatapik nang malakas sa tiyan. Karaniwang sa kanang bahagi ng tiyan ito nararamdaman, pero ang iba ay nararamdaman ito sa magkabilang bahagi.
Iwasan ang biglaang galaw at higpitan ang balakang bago humatsing o umubo. Makakatulong ang paglalagay ng heating pad kapag sumasakit.
8. Paninigas ng tiyan ng buntis normal ba kung may Abruption placenta?
Habang lumalaki ang uterus sa pagbubuntis, lumalaki ding ang placenta. Ito ang “life support” para sa sanggol sa sinapupunan na nagbibigay ng kinakailangang nutrisyon at pagkain para sa kaniyang paglaki.
Sa ilang pagkakataon, humihiwalay ang placenta mula sa uterine wall. Kapag nangyari ito, naninigas ang uterus. Kapag patuloy ang paninigas at hindi humuhupa, kailangang ikunsulta sa doktor kaagad.
Dapat na humiwalay lamang nag placenta sa uterine wall sa oras ng panganganak. Kung mangyari ito bago pa sa takdang oras, maaaring malagay sa panganib ang sanggol.
Bagamat nangyayari ito sa 1.5 porsiyento ng lahat ng pagbubuntis sa buong mundo, mabuti pa ring dalhin sa doktor para matingnan ang kalagayan ng mag-ina.
Sa ibang pagkakataon din, ang naninigas ang tiyan ng buntis ay hudyat ng isang ectopic pregnancy, o paglaki ng sanggol sa fallopian tube imbis na sa uterus. Pero bihira ito.
9. Pagtigas ng tiyan ng buntis: May problema sa sinapupunan?
Kapag may pananakit at paninigas sa huling trimester, maaaring may potensiyal na problema sa sinapupunan. Pwedeng hudyat ito ng preeclampsia, kung saan ang blood sugar level ng ina ay mataas. Para sa iba, bagamat bihira, maaaring senyales ng pagkalaglag.
Kung ang naninigas ang tiyan ng buntis ay may kasamang pagdurugo o spotting, lagnat, cold flashes, pagkahilo, at vaginal discharge, kailangang pumunta agad sa OB GYN.
10. Bakit naninigas ang tiyan ng buntis: maaaring magkaroon ng miscarriage
Ang matigas na tiyan sa unang trimester ay maaari ding maging senyales ng pagkakuha, na kadalasang nangyayari bago ang linggo 12.
Gayunpaman, mapapansin mo rin ang iba pang mga sintomas, tulad ng matinding pananakit ng ibabang bahagi ng likod at pagdurugo ng ari na may mga clots. Kumuha ng pag-unawa sa mga klasikong sintomas ng pagkakuha at kung kailan dapat humingi ng medikal na atensyon.
Ano ang dapat gawin kung may pag tigas ng tiyan ng buntis? Kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay nagkakaroon ng pagkalaglag, pumunta kaagad sa ospital.
Ang doktor ay mag-uutos ng ultrasound upang masuri ang sanggol at ang iyong inunan. Kumuha ng mas mahusay na pag-unawa tungkol sa kung ano ang maaaring maging sanhi ng pagkakuha at kung paano ito ginagamot.
11. Pananakit ng katawan habang buntis
Makakaramdam ng pagod at pagkabalisa ang katawan sa paglapit ng kabuwanan. Ito yung pakiramdam na parang pagod na pagod na ang katawan.
Karaniwang sumasakit ang likod dahil nga lumalaki at bumibigat ang tiyan, at dahil din sa paninikip at paninigas ng tiyan. Karaniwan din ang pananakit ng baiwang at balakang dahil konektado ang mga tissue sa paligid ng puson at uterus.
Ang pinakamabisang pantanggal o pampahupa ng sakit ay ang pagpapahinga. Makakatulong din ang paggamit ng maternity belt, heat therapy at pagmasahe sa likod gamit ang mga essential oils. Ingatan at alagaan ang sarili habang nagbubuntis, para mabawasan ang anumang pagkabalisa o pagkahapo.
12. Sanhi ng paninigas ng tiyan ng buntis: Padating na si baby!
Wala nang iba pang ibig sabihin ang paninigas ng tiyan sa kabuwanan, kundi lalabas na ang pinakahihintay na baby! Ito ang uri ng paninigas at pananakit na nararamdaman sa buong katawan lalo sa tiyan, puson at puwerta.
Kapag hindi na nawawala ang paninigas at pananakit, nanganganay na si Mommy at manganganak na. Mas madalas na ang contraction at regular na ang pagitan nito.
Ang paninikip at paninigas na ito ay normal kaya’t huwag mabahala. Pumunta na sa ospital para maihanda ang panganganak.
Mainam na magpakonsulta sa doktor upang masigurado kung ano ang sanhi ng paninigas ng puson ng buntis. Dito masisiguro ang kaligtasan niyong dalawa ni baby.
13. Bakit naninigas ang tiyan ng buntis pagkatapos makipagtalik
Maaaring rough ang patatalik habang buntis kaya naman posibleng manigas din ito o makaramdam ng discomfort. Ipinapayo ng doktor na makipagtalik sa isang safe sex position habang buntis. Katulad na lamang ng posisyon na on top ang buntis.
Ligtas ang pakikipagtalik habang buntis subalit dapat pa ring mag-ingat. I-click ang artikulong ito para malaman pa ang mga posisyon at kaalaman patungkol sa pakikipagtalik habang buntis.
Isinalin sa Filipino mula sa orihinal na Ingles ni Anna Santos Villar.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.