Buntis, binuhusan ng mainit na soup ang isang bata dahil nairita sa ingay nito

Batang babae at kaniyang ina binuhusan ng mainit na soup ng isang buntis na naingayan sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napaso ang isang 11-month-old na batang babae matapos buhusan ng mainit na soup ng isang buntis.

Batang napaso dahil sa mainit na soup

Sa video na kuha ng CCTV ng Xiangcheng restaurant sa central Henan, China makikita ang isang babaeng buntis na may inihagis na kung ano sa mesa ng isang babaeng may kasamang bata. Matapos gawin ito ay dali-dali itong lumabas ng restaurant.

Pagtapos ng paghagis ay napatayo ang babaeng may hawak ng bata at nataranta ang mga tao sa loob ng restaurant. Ang inihagis pala ng buntis sa mesa na kinilalang mag-ina na customer ay mainit na Mala soup.

Dahil sa init ng soup ay napaso ang likod at pwetan ng bata na nakaranas rin umano ng trauma ayon sa kaniyang ina.

Image from Asia One

Buntis na nairita sa ingay ng bata

Ayon sa China media sources, ang babaeng buntis na kinilala lang sa pangalan na Ren at 28-anyos, ay nairita umano sa ingay ng bata na inihahampas ang kaniyang kutsara sa mesa. Dahil sa pagkakarindi sa ingay na ginagawa ng bata ay nagkaroon ng komprontasyon sa ina ng bata ang babaeng buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman inaya at inilabas nalang ng mister ng buntis ang kaniyang asawa na galit na talaga sa nangyayari. Ngunit sampung minuto matapos lumabas ay bumalik ang babaeng buntis. Dito niya na inihagis ang mainit na sabaw sa mag-ina at agad na umalis matapos ang mangyari.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at nabigyan ng medikal na atensyon ang batang babae.

Ayon sa ina ng batang babae na kinilalang si Yang ay tumatanggi na daw kumain o uminom ng kahit ano ang anak matapos ang nangyari. Nakaranas daw ito ng shock ayon sa mga doktor na tumitingin rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman dahil dito ay inaresto ang babaeng buntis. Ngunit dahil nagdadalang-tao ay ikukulong lang ng 15 na araw at magbabayad ng multa na 500 yuan o P3,750 ang buntis bilang kabayaran sa ginawa.

Ayon sa mga pulis ay binayaran din ng babaeng buntis ang lahat ng medical bills ng napaso niyang bata. Bagamat patuloy parin silang nag-iimbestiga at inaalam ang seriousness ng injury na natamo ng bata.

Base naman sa nakakita sa babaeng buntis, tinatayang ito ay nasa anim hanggang pitong buwan ng nagdadalang-tao. Napag-alaman ring nagkaroon sila ng pag-aaway ng kaniyang asawa gabi bago ang insidente kaya mas mainit ang ulo nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa ilalim ng batas ng China ay hindi pinahihintulutang maikulong ang isang kriminal na buntis o kaya naman ay isang inang nagpapasuso.

Narito ang buong video mula sa PearVideo:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paalala sa mga buntis at sa mga magulang, huwag ibaling ang nararamdaman na galit sa mga walang muwang na bata. Kapag nakakaramdam ng matinding emosyon, umalis muna sa sitwasyon at magpa-kalma.

Source: Asia One 

Basahin: 10-year-old burnt alive by mom: Managing parental rage