6 na bagay na hindi napaghandaan ng isang ina matapos manganak

Para sa isang ina na nakabasa lang ng walong libro tungkol sa pagbubuntis at panganganak, aminado akong hindi pa ito sapat at hindi ako handa sa mga maaring mangyari pagkatapos kong manganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nararanasan ng bagong panganak na babae ay walang kapantay. Ito ang pinaka-nakakapagod at nakakatakot na parte ng pagiging magulang. Ngunit, ito rin ang pinaka-nakakatuwa at nakakataba ng puso sa lahat. Bakit ko nasabi ito? Dahil sa mga naranasan ko.

Mga nararanasan ng bagong panganak na babae

Paghawak sa aking suso ng midwife na parang ito ay isang shopping bag.

Image source: iStock

“Hawakan mo saka ipasok mo sa bibig ng baby mo.” Ito ang madalas na maririnig mo sa mga midwife tungkol sa suso ng isang bagong panganak. May pagkakataon pang siya mismo ang hahawak rito na para bang tinutulungan ka sa mga shopping bags na dala mo. Pero kahit first time mo lang nakilala ang midwife na kaharap mo, hindi ka makakaramdam ng pagka-asiwa sa kaniya. Lalo pa’t ang gusto niya lang ay matulungan ka sa pagpapasuso sa iyong bagong silang na anak..

Pagturing sa mga nipple shields at sterile gloves bilang aking best friend.

Image source: iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagpapasuso ay isa sa mga pinaka-challenging na parte na nararanasan ng bagong panganak na ina. Lalo na kung ikaw ay isang maliit na babae na may maiikling braso at may sugat na iniinda dahil sa isang C-section delivery. Mahirap kumilos. Mahirap gumalaw. At higit sa lahat, magsusugat o magcracrack ang iyong nipples dahil sa maya-mayang pagsipsip ng bagong silang mong sanggol. Dito na pumapasok ang tulong ng nipple shields na maaring maibsan ang sakit na dulot ng pagpapasuso.

Dadagdag pa ang mga pagkakataong hirap sumuso ang iyong sanggol. Kaya naman kailangan mo siyang turuan sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong daliri sa kaniyang bibig. Sa puntong ito ang katulong mo ay isang sterile glove. Ito ay para masigurong ang iyong daliri ay malinis habang ginagawang dummy ng iyong sanggol sa pagsuso.

Ang paghagulgol ko habang nakikipag-usap sa physiotherapist tatlong araw matapos akong manganak.

Image source: iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa akong morenang Indian-Australian na babae. Pero hindi nakuha ng anak ko ang kulay ng aking balat. Sa halip ay naging kamukha niya ang kaniyang ama na kung saan namana niya ang lahat ng Caucasian Australian features nito. Tulad ng maputing balat, blue eyes light brown na buhok atbp. Pero okay lang, dahil para sa akin ay isa siyang napakagandang sanggol.

Ngunit, nagbago ito ng umatake na ang baby blues sa akin. Na kung saan kailangan akong kumbinsihin ng physiotherapist na kahit hindi ko kamukha ang aking anak at hindi ko siya inalabas ng normal na paraan sa aking pwerta ay hindi ibig sabihin noon na hindi ako ang kaniyang ina. Hindi ko inakalang nangyayari at nararanasan ng bagong panganak na babe pala talaga ito.

Ang pag-inom ko ng laxative sa pangatlong araw matapos manganak. (It’s a big day.)

Sabi nila ang pagiging ina ay maglalabas sa lakas ng isang babae na hindi niya inakala. Sa naging karanasan ko, mas narealize ko ito tatlong araw matapos akong manganak. Na kung saan kailangan kong uminom ng laxative para sa constipation na nararanasan ko. At ang sumunod, mas na-realize kong malakas talaga ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagpindot ko ng emergency button sa ospital sa pag-aakalang patay na ang asawa ko.

Nakatulog ako at paggising ko hindi ko alam kung ilang araw o oras akong nahimbing. Hinanap ko ang baby ko at nakita ko siya sa loob ng kaniyang crib. Nagtaka ako paano siya napunta doon. At sa aking tabi ay ang asawa ko na nakasubsob ang mukha at tila walang malay.

Sinubukan kong gisingin ang asawa ko pero hindi siya sumasagot. Hindi ko rin marinig ang paghinga niya at hindi ko maramdaman ang pintig ng pulso niya. Niyugyog ko na siya ng malakas at paulit-ulit na tinawag ang pangalan niya pero hindi parin siya sumasagot at nagigising. Dito ko inakala na patay na ang asawa ko at ako ay biyuda na. At naisip ko habang natataranta at hindi ko alam ang gagawin, bakit wala man lang tumulong sa kaniya samantalang nasa loob kami ng ospital. Pinindot ko ang emergency button ng ospital para humingi ng tulong. Mabilis na dumating ang midwife at nakita akong umiiyak at ang nasabi ko “Sa tingin ko ay patay na ang asawa ko.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saka naman gumising ang asawa ko na nagtatanong ng mga parehong tanong na sinabi ko paggising ko. Dito napatitig sa akin ang midwife at sinabing, “Iyan ang epekto kapag kulang ang tulog.” Nakakahiya.

Ang asawa kong tinalo ang lahat sa pag-aalaga sa aming baby.

Hindi ko alam na handa pala ang asawa ko sa mga pwedeng mangyari. Lalo na noong kailangan niyang hawakan ang baby naming habang ang sugat ko ay tinatahi at kailangang akong dalhin sa recovery. Tinanggal niya ang damit niya saka ginawa ang skin-on-skin comfort sa aming baby. Pinag-aralan at tiningnan niya ang bawat parte ng katawan ng aming baby at sinabing may namana daw itong dalawang bagay sa akin. Ang patulis na dulo ng kaniyang tenga at ang hugis ng kaniyang mga paa. Hindi ko akalain na alam at binibigyan niya ng atensyon ang maliliit na bagay na ito sa aking katawan. Pero gusto at lalo ko siyang minahal dahil dito. At sa totoo lang nagpapasalamat ako sa kaniya. Sana lang ay hindi na siya mamatay ulit, tulad ng nauna kong inakala.

Ang artikulong ito ay unang nailathala sa KidSpot at nai-republished sa theAsianparent na may paalam.

Basahin: 16 na bagay na dapat malaman ng mga bagong panganak na nanay

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement